"Oh, Valdez, hinay hinay lang. Hindi pa 'to totoong laban, wag mong totohanin......" Sabi ni Coach Lim. Halos hindi ko pinansin ang sinabi ni Coach dahil ang agresibo ni Yvonne ngayon. Ewan ko ba mukhang badtrip ata siya at saakin binunton ang pagkabadtrip niya o sadyang ayaw lang talaga niya sa akin. Kami kasi yung nagkalaban sa one-on-one na sinabi ni Coach. Na hanggang ngayon nasa 5-7, syempre in favor sakin. Nakakatuwa nga at hindi pa ako pumapalya kahit isang linggo na ako di nakapagpatrice. Buti nga hanggang 15 lang kami.
"Eyes on the opponent, Santos." Asik ni Yvonne, mabilis akong napatingin sa kanya. Ano bang problema nito? Mabilis ko naman ini-spike ang bola ng palapit na ito sakin.
"Mukhang naging mas agresibo ka ngayon Valdez a. Ganyan ba ang naging resulta kapag nag insanyo ka ng isang linggo habang wala si Santos. Ang galing a." Aniya ni Coach Lim, kibit balikat lamang ang sinagot ni Yvonne ng sinimulan na niyang i-spike yung bola, mabilis naman ako pumunta sa direksyon ng bola at binalik sa kanya na agad naman niyang binalik sakin.
"Aba Yvonne, naging surname mo lang ang Valdez naging mayabang ka na. Anong akala mo, kasing galing ka ng pinakasikat ngayon na volleyball player? Naku, wag kang feeling."Sabi ng isang player, Napatigil ako, ramdam ko ang katahimikan ng boung paligid. Naramdaman ko na lang na may mabilis na bagay na papalapit sakin kaya mabilis akong umilag. Yun pala yung bola. Napatingin ako sa harap ng makita ko si Yvonne na nanggagalaiti. Marahas niyang tiningnan ang babaeng nagsalita kanina at mabilis siyang lumapit dito.
"Alam mo Jessa, kung wala ka namang matinong sasabihin, tumahimik ka! Don't tell me anything as if you really now me. So shut up! Shut your fucking mouth!" She hissed and she immediately stomped away. Nakita kong umatras si Jessa habang namumutla. Wala ni isang tao ang pumigil sa pag alis ni Yvonne. Tiningnan ko naman si Jessa na ngayon ay nakasalampak sa sahig dahil sa takot. Halos wala kang marinig na kahit anong ingay dahil sa mabilis na pangyayari.
"Okay, lass'. Another set of opponent, again. Ms. Alonzo and Ms. Maldrid." Bumuga ako ng hangin sa pagpapasalamat na iniba ni coach ang topic at baka kawawa 'tong si Jessa, baka kasi nakalimutan niyang mas maraming alaskador dito sa team.
Marahan namang tumayo si Jessa sa pagka upo at tumango. Wala atang naglakas loob na tulungan siya sa pagpakita niya ng ugali kanina. Mabilis naman na pumito si Coach, para simulan ang laban. Na kay Jessa ngayon ang bola na agad naman niyang na-ispike
"See that? Ang galing niyang magsalita na para bang mas magaling pa siya kay Yvonne. Come to think of it, she's just good in talking, wala palang ikabubuga. Such a Loser Bitch." Narinig kong sabi ng nasa likod ko.
"Girl, lower down your voice at baka marinig ka ni Maldrid."
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.