Twenty Seven

289 5 1
                                    

“Salamat sa pagdalo sa binyag ng anak ko, Louie at Cassie. Ang aga niyo naging ninong at ninang.” Masayang pahayag ng tito ni Louie habang papalapit kami sa parking lot

Ngumiti lang ako at nagpasalamat. “No problem sir…”

Umiling naman ito at sabay sabing. “Don’t call me sir, it’s too formal. Tito na lang.”

Tumango naman bilang pagsang-ayon.” Sige po Sir---Tito Sam.” At ngumiti ng matipid.

Sabay kaming na palingon sa lalaking malakas na bumuntong hininga habang nakasandal sa salamin ng sasakyan.

“Problema mo hijo?”

Umiling namn ito. “Kasi naman tito, ang pula parin ng magkabilang pisngi ko.”Nakangusong saad nito.

Natatawa namang tiningnan ni Tito Sam si Louie na hanggang ngayon ay tinitingnan niya yung magkabilang pisngi sa side mirror ng sasakyan niya, habang palihim naman akong umismid ng maalala ko ang ginawa niyang kalapastangan kanina.

“Ikaw naman kasi Louie, ang excited mong magkaroon ng iyo. Eh nalaman mo lang nabibinyagan yung bunso ko---dumamoves ka agad.”

“Sinubukan ko lang naman Tito at baka-maka score ako. Not just once, twice but trice pero sinampal ba naman ako sa magkabilang pisngi ko pagkatapos. Gawain ban g isang wifey na manampal ng kanyang hubby kapag hinalikan niya ito? Tell me Tito, Gawain ba talaga ‘yon ng isang wifey?” Saad nito habang sumulyap sakin.

Napanganga na lang ako at walang sabi na hinampas siya ng sling bag na dinala ko. “Walanghiya ka, ano na naman ba ang pinagsasabi mo?” Naiinis kong tanong sa kanya. Uminit naman ang pisngi ko habang masama siyang tinitingnan.

“Eh hindi ka naman yung sinasabihan ko ah.” Pagmaang maangan niyang sagot, umiwas naman ako ng tingin at tumahimik. Yumuko naman ako agad ng marinig ko ang mahinang pagtawa ng Tito niya. Muntik ko ng makalimutan na nandito pa pala si Tito Sam.

Napatulala akong tumingin ngayon kay Louie na may ngiting aso. “Uyy. Si wifey alam niyang siya talaga ang pinahihiwatig ko kanina.” Nakangiti nitong saad, mabilis naman bumaba ang tingin ko sa kamay niyang papalapit sa bewang ko, malamang susundutin ulit ako.

“Araaaaaaaaaaaay!”Nakangiwi nitong tili

“Wifey naman, ba’t mo naman ginanun ang hintuturo ko. Baka mabali, tapos ma-ospital ako, tapos-tapos….sabi ko nga tatahimik na ako.” Inirapan ko nalang siya at tiningnan ang Tito niyang masayang nanonod sa ginagawa niyang kabalustugan.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon