Forty Eight

205 7 0
                                    

Forty Eight




Inilibot ko ang tingin sa paligid ng parking lot malapit na palang dumilim, kinuha na nina Manong at Louie ang bagahe. Planado nga niya lahat, hindi ko alam kung paano siya humingi ng permiso sa parents ko. Hindi ko alam kung anong dapat na mararamdaman ko, masasaya ba ako? O malulungkot? Nakakalito na.



"Wifey!"



Tawag niya sakin na papalapit na sa pintuan ng Hotel, may dumating na bellboy para tulungan siya sa pagdala ng mga gamit.



"Lika na, magche check-in muna tayo." Anya, habang hinihintay ako.


Umiling lang ako . "Mauna ka na. Susunod na lang ako mamaya." Gusto ko pang mapag isa sa ngayon.

 

"San ka pupunta, sasamahan na lang kita."


"H'wag na, dyan lang ako sa may dalampasigan. Magcheck in ka na muna at sumunod na lang." Ngumiti ako, at tumalikod na. Hindi ko na hinintay ang sagot niya.


Nang papalapit na ako sa may buhangin ay tinangal ko ang flats ko, buti na lang at naka-civilian kami ngayon kaya madali ko lang tinaas yung jeans ko hanggang tuhod.



Napatingin ako sa araw na papalapit na lumubog. Humikbi ako, hindi ko na pala kayang pigilan. Nakakaiyak, masakit kasi.


Ba't ang cruel ng mundo? Wala bang panahon na magsasama kami ni Louie, hindi ako masasaktan? Bakit ako? Bakit pa ako yung pinagtripan ng tadhana?



"Ang daya mo! Nagmahal lang yung tao, sinasaktan mo pa!" Sigaw ko sa kawalan, napahikbi ulit ako at napaluhod.


"...ang daya mo talaga...ba't ako pa? Nanahimik lang ako... ba't ako pa?"



"Geez, I thought I'm going to escape from all the drama, pati ba naman dito? May magda drama parin?" Mabilis akong napatingin sa boses na pinagmulan nun. Nakanganga ako ng Makita kong may tao pala sa tabi ko ng di ko namalayan.



"Anong ginagawa mo dito? Ako yung nakauna dito a!" Sinamaan ko siya ng tingin habang prenteng nakahiga sa kumot na nilagay niya sa buhangin, hindi ko maayos na makita ang mukha niya dahil konti lang ang nasisinagan ng ilaw sa bandang ito.


Tumigin siya sakin habang ginawang unan ang mga braso. "May pangalan mo ba nakalagay dito?"



I scoff at inirapan siya. "Namimilosopo ka ba? Umalis ka nga dito."

Napaupo siya ng maayos kaya nagka level ang mukha naming, hanggang ngayon nakaluhod parin ako.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon