Fifty Three

312 9 4
                                    

***This is the last chapter before the epilogue. Brace your heart readers! :*

Cassandra's POV


Biglang tumahimik at napatigil ang lahat, at alam ko nasa amin ang kanilang mga atensyon. Matagal kong tinitigan ang kamay niyang nakalahad bago ako tumingin sa mata niya. Parang gusto kong umiyak, bakit parang wala lang sa kanya? Parang walang namagitan sa amin....right, wala pala. Muntik ko ng nakalimutan na isang challenge lang pala ako. Huminga ako ng malalim at tinanggap ang kamay niya, at kasabay 'nun ang pagbalik ng mga tao sa kanilang ginagawa.


Hinigpitan niya ang paghawak sakin habang nagpatianod naman ako at naghintay na makapunta kami sa gitna. Hindi ako makatingin sa kanya habang inalayan ang kaliwa kong kamay sa balikat niya, at ang isa naman niyang kamay ay nasa bewang ko. Suminghap ako ng dahan dahan niya pinadausdos ang kamay niya sa akin. Marahan niya akong nilapit sa kanya, ramdam ko ang tambol ng puso ko halos hindi ako maka-focus dahil naghuhuramentado na ang puso ko.


"Look at me, Cassie." Mahina niyang saad sa tenga na nakatindig balahibo. Pagkasabay ng pagtingin ko sa kanya ay pagka rinig ko sa isang malamyos na kanta.


Two Forevers

You're a quiet Sunday morning
A river gently flowing
You're the midnight stars glowing
Like diamonds on the ocean


Humigpit ang kamay ko habang tinitigan siya, gusto kong umiwas ng tingin pero pilit ko paring titigan siya. Alam kong halos ng mata ay nandito sa amin pero wala na akong pakealam. Gusto ko lang titigan ang mukha ng lalaking minahal ko at mamahalin ko parin kahit malabong maging kami.

Thought I'd never want someone
Like I want you when each day's done
It's in the magic of the moment
I touch heaven and hold it

Halos minemorize ko ang bawat detalye ng mukha niya, kasi alam ko ito na ang huling pagkakataon na makakalapit ako ng ganito sa kanya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o hindi dahil hinayaan niya lang akong titigan siya.

One lifetime won't be enough
The way you love me this much
Baby it's hard to find the words
You're much more than I deserve
Oh let my eyes tell you the truth
I'll need TWO FOREVERS with you

You're the courage I sometimes don't have
The forgiveness when I get mad
You're the laughter when I've lost mine
And the love that crosses all lines


Dahan dahan niya idinikit ang noo naming dalawa habang nagtitigan. Pilit kong iwinawaksi ang malulungkot na bagay na sumasagi sa isipan ko. Pumikit ako at di mapigilan dambahan siya ng yakap. Sa oras na ito wala na talaga akong pakealam kong anong sasabihin nila, I'd just want to hug him. Hinigpitan ko ang yakap ko, ng maramdaman kong yinakap na niya rin ako. Kahit sa yakap man lang maramdaman niya na mahal ko siya.


Ilang kanta rin ang pinalipas namin habang nagyakapan sa gitna ng may bigla akong maalala.


"Di ba siya magagalit?" Mahina kong tanong at tiningnan ang ibang tao na sumasayaw parin.


Naramdaman ko siyang huminga ng malalim.


"She said to take my time with you."

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon