Hindi ko na talaga kayang tingnan ang dalawang tao sa harapan ko na animo’y magkasinatahan sa sobrang lapit. But in reality, estudyante si Louie at Teacher sir. Worse, lalaki silang dalawa—mali, isa lang pala lalaki sa kanilang dalawa. Pero nakakadiri parin.
Hindi na ako nagpaalam at mabilis na tumalikod. Ayaw ko ng pagmasdan sila, at baka may makikita pa akong di kanais-nais. Tiningnan ko yung relo ko habang naglalakad papuntang Locker Room. Sayang, makakasali sana ako sa practice kanina kung di lang ako na-detention, alam kong may naiwan akong extra sa locker.
Huminga ako ng malalim na para bang pigilan yung sarili ko na sikohin siya. Walanghiya talaga, hindi sampayan yung balikat ko tapos mangugulat pa.
“Hindi sampayan yung balikat ko ng braso mo, kaya alisin mo.”
Sinilip ko siya habang lumilingon sa paligid at sabay sabing.“Wala naman kasing sampayan ng braso ko, kaya ikaw muna ang gagawin kong sampayan.”
I rolled my eyes. “200 pesos per hour.”
“Deal.”
Bumuntong hininga ako, kahit hindi pa umaabot ata ng sampung minuto yung ginawa niyang pag akbay, ang bigat parin.
“Pakitanggal na nga.” Sabi ko.
Lumingon ito sa akin.” Eh bakit? Five minutes pa nga yung nakakalipas.” Napatigil ako sa paglalakad pati narin ang paghinga ko. Ang lapit niya sakin, sobrang lapit na nung mukha niya na halos maramdam ko na yung hininga niya sa pisngi ko.
Kaya bago pa mas lumapit yung mukha niya ay agad kong nilayo ito gamit yung palad ko. “Lumayo ka nga.”
“Ayaw mo ba nun? Close na close tayo?”
Binigyan ko siya ng masamang tingin na nakapag-paatras sa kanya. “Hindi. Kaya layo.”
Napakamot naman siya sa ulo niya habang ngumuso. “Ayaw mo ba nung ganung ka-close?”
Tumango ako, bigla namang umiwalas yung mukha niya na pinagtataka ko. Baliw ba ‘to? “Edi ganito na ka-close, mas close pa sa close.”
“Ack!” Napasinghap ako ng yakapin niya ako habang patuloy na kinakapus na ako ng hininga sa mahigpit niyang yakap.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran na dahilan upang lumuwag yung pagkakayakap niya at para maitulak ko siya ng malakas.

BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.