Napabuntong hininga ako, habang nakatitig sa kisame. Hindi parin ako dinadapuan ng antok. Pabalik balik kong naalala ang mga sinabi ni Mommy sakin tungkol sa sakit ko.
'Apnea'
Pakatapos kasi naming mag usap ay agad akong dumiretso sa laptop ko upang i-search 'yun.
Hindi ko mapigilan maramdaman ang akba habang hinihintay na magloading yung mga result.
'Apnea is a term for suspension of externalbreathing. During apnea, there is no movement of the muscles of inhalation and the volume of the lungs initially remains unchanged. Depending on how blocked the airways are (patency), there may or may not be a flow of gas between the lungs and the environment; gas exchange within the lungs and cellular respiration is not affected.'
Kung tutuusin kapag binasa mo siya ay hindi naman talaga siya gaano ka delikado pero kung susuriin mo ng mabuti, mas delikado pa sa aasahan mo.
Bigla kong naalala kung bakit ganun na lang ang higpit nila sakin sa paglalaro ko, ayaw nila akong mapagod na sobra dahil pwedeng mangyari sakin ulit ito. At kung mangyari ulit baka mas lalala pa.
Napatingin naman ako sa bedside table ko, na kung saan nakalagay ang alarm clock ko.
4: 43 na pala ng umaga.
Pinakiramdaman ko yung sarili ko, kahit anong posisyon ang gawin ko hindi parin ako makatulog. Parang nagkaisa ang isip at katawan ko na gising pa. Buti na nga lang at pwedeng pumunta ng school kahit late na. Preparations na kasi kami naka focus ngayon at pag-e ensayo dahil taga ibang school ang makakalaban namin.
Umupo ako sa kama at ginulo ang buhok. Mukhang magja-jogging na lang ata ako, di rin naman ako makakatulog.
Dumiretso agad ako sa banyo para manghilamos at tingnan ang sarili sa salamin.
Napabuntong hininga ulit ako habang nakatitig sa sariling repleksyon. Ang iba ko na pala, kaysa sa dati. Yung boy cut kung buhok ang dahan dahan ng humaba hanggang sa ibaba ng tenga ko.
Ba't ko nga ba pinagdesisyonan na putulin yung buhok ko?
Right. Kasi nagmahal 'daw' ako.
Dahil gusto ko 'daw' patunayan.
Pinilig ko ang ulo ko, hindi naman sa nagsisi ako. Gusto ko rin kasing mag pagupit ng buhok dahil alam kong iyon ang magiging senyales na opisyal na sumali na ako sa laro nila. Larong ako ang gagamitin, ang sasaktan para lang maging masaya sila sa huling banda.
Mabilis kong binasa ang mukha ko ng malamig na tubig. Wala naman mangyayari kung magmukmok ako dito dahil sa katangahan na ginawa ko.
Martyr na kung martyr, kahit alam ko na isang laro lang pala itong lahat.
Wala e, life is too short not to enjoy it.
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.