Napasulyap naman ako kay Margareth na may nakakalokong ngiti sa labi, ibinalik ko naman ang tingin kay Elise at ngumiti.
"Ayos lang, assistant kasi si Luna ni Louie kaya palaging magsasama sila para magprepare para sa darating na school festival next week."
"Kung sabagay, but I really mean is, hindi ka ba na-bo bother na magkasama sila kahit may history sila?"
"History?"
"Yeah, last year. Pinormahan siya ni Louie pero hindi pinayagan ng kuya niyang si Clyde." My left eye twitch. Hindi ko alam kung nakita ba nila o hindi, pero naramdaman ko na naman yung hapdi ng malaman ko yung naturang laro na ginawa ng kuya ni Luna kay Louie na maging challenge ako sa kanilang dalawa.
Umiling lang ako. "Hindi naman, e di sana sila na ngayon hindi ba?"
"You're right." Tango tangong naman si Elise, sabay naman kaming napatingin kay Margareth ng tumayo siya.
"Ba't ka tumawa, Marge?" Tanong ni Elise sa kanya.
"Nothing, may bigla lang akong naalalang nakakatawa. I'm heading off to shower." Hindi na niya hinintay na magsalita si Elise at dumiretso na siya sa pinakahuling cubicle.
Humarap sakin si Elise at ngumiti. "Sige Cass, ako rin. Ang lagkit ko na e, grabe kasi si Coach."
Tumango lang ako at hinintay siyang makapasok sa isang cubicle. Napabuga naman ako ng hangin, kanina ko pa pala pinipigalang huminga. Bumukas ang pinto sa isang cubicle kung na saan si Patty na malungkot na nakatingin sakin.
Pinilit kong ngumiti.
***
"What's with that sad face bata?" Marahan akong napatingin kay Frank na may dala dalang Milkshake.
"Nothing, pagod lang. Thanks, nag order ka ba nito?" Tanong ko sa kanya habang nakalumbaba sa table sa garden namin. Tinext niya kasi ako kanina na susunduin niya ako dahil may ipapakita siya.
Madrama niyang hinawakan ang bandang puso niya.
"Grabe! Ganyan na ba talaga ang tingin sa magiging future brother-in-law mo bata? Ginawa ko kaya ito, tsaka pizza. Saktong may ingredients naman kayo e."
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.