Forty Two
"Louie?" Casual na tawag ko sa kanya, pilit na tinatago ang kaba. Seryoso siyang tumingin sa gawi namin—-no, kay Frank pala. I mentally face palm.
His jealousy. The misunderstanding. And then the nonsense fight.
Tatlong ideya ang nabou sa isip ko sandaling iyon. Kaya tinalikuran ko muna si Louie at humarap kay Frank.
"Alis na." Pinandilatan ko siya ng mata. Nagtataka naman niya akong tiningnan, at ibinaling ang tingin kay Louie na seryoso parin ang tingin sa kanya. A mischievous grin broke into his face.
Naramdaman ko naman ang Goosebumps sa kakaiba niyang ngiti. Kahit hindi ko naman gaanong kilala 'tong lalaking 'to alam ko naman kung anong ibig sabihin ng mga ngiting iyan. Ngiting may masamang binabalak.
Humakbang palapit si Frank kay Louie na tahimik paring pinagmamasadan ang kinikilos ng lalaking to sa gilid ko. Sana naman magdalawang isip ang ate ko na saguting tong mokong na 'to.
"Hey, you look familiar. Did we meet before, perhaps yesterday?" Wala sa sarili tumaas ang kilay ko. Mukha na talaga siyang foreigner sa paggamit niya ng british accent. Well, kung tutuusin, di naman kailangan na magsalita siya pareha siguraduhing foreigner siya. Sa pisikal pa niyang anyo, masasabi mong taga ibang bansa na siya. His face is screaming for perfection, it's not like I'm exaggerating but because it's true. At ang built niya, ay pang model figure talaga. Maybe his 6 foot taller or so. Habang si Louie naman ay nasa 5'10 kaya mas napa angat pa ang tingin ni Louie sa kanya. Well, kahit naman ako na 5'4 lang ang taas ay mas titingala pa.
"We actually met yesterday at the mall." Seryosong sagot ni Louie. Umiwas ako ng tingin ng sumulyap siya sakin. I don't want him to see me hurting, ayaw kong malaman niya na alam ko ang totoo.
"Oh right Louie, I remember. We bumped to you and your girlfriend! She's a pretty lass, you should take good care of her."
Nanigas ako sa kinatayuan ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig habang tinutusok ng matutulis na karayom. Gusto kong umalis at tumalikod, pretending that I never heard it. I want to cry, kahit pala kami na, at na kasama niya lang si Luna ay aakalain talagang sila.
They are so perfect for each other—-me on the other hand, isang challenge sa kanilang soon-to-be-perfect-relationship.
"She's not my girlfriend." Rinig kong sagot ni Louie, hindi ako makatingin sa kanya. Alam ko kasing nagbabadya yung luha sa mga ko. Soon Louie, she's going to be your girlfriend.
"Oh? So, may I know who's you girlfriend is?"Gusto kong sapakin 'tong lalaking 'to e. Chismoso masyado.
"So my girlfriend didn't tell you then huh." Narinig kong napasinghap ang katabi ko, ramdam ko ang titig niya sakin. I bit my lower lip ng pinaharap niya ako sa kanya.
"Why didn't you tell me?" Nakanguso niyang tanong.
Pinaikotan ko siya ng mata. "Hindi mo naman ako tinanong e."
Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya at napabuntonghininga.
"Well then, I'm heading now and nice meeting you Louie. You too Cassie, see you around." Ngumiti siya at tumango at tumalikod na. Hindi ko alam pero parang may mali sa ngiti niya. Naramdaman ko namang tumalikod na rin si Louie.
Ewan ko ba at hindi ko alam kung bakit ayaw kong umalis sa kinatatayuan ko habang pinapagmasdan siyang papaalis. Nagtaka naman ako ng huminto siya at bumalik papalapit sakin. Kitang kita ko sa mata niya ang lungkot at pagsisi.
"Here." Sabay abot sa panyo niya.
Nagtataka kong kinuha ito sa kanya, "Anong gagawin ko dito?"
"Wipe your unshed tears. He's not worthy to cry for." Seryoso niyang saad, at hinablot niya ang panyo sa kamay ko at pinunasan ang nangingilid kong luha na nakalimutan ko.
"I'm sorry. If only I can change all the things in the past, hindi ka na magdudusa pa. Sorry."Napabuga siya ng hangin at tumalikod na. Nahagip ng mata ko ang kamao niya na mahigpit niyang isinarado.
"Okay girls, break time na. Mamaya niyo na ituloy yung mga pinaggagawa niyo. Boys, pagkatapos niyong magbreak, kumuha kayo ng mga table sa H.E building. Lahat ng lalaki magtulung tulungan ha! Tapos yung ibang walang ginagawa, ilagay niyo sa isang plastic bag yung mga plastics at paper cuts na di na kailangan. Pahinga muna kayo, I'll give you 45 minutes." Anunsyo ng president naming, huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagka-cut sa streamers.
"Cassie, di mo narinig yung pinagsasabi ni Joanna? Mamaya na yan. Di naman yan mawawala." Aniya ni Patty at umupo malapit sakin. Napatingin ako sa kanya, hindi pa pala kami nag uusap simula noong gabing nasa dalampasigan kami nag uusap.
Ngumiti ako. "Wala naman akong gagawin e, tsaka di pa ako gutom."
May sumundot sa likod ko kaya napa-igtad ako. "Ayy! Ano ba naman Dexter!" Singhal ko sa kaya, ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Wala kaming pakealam kung walang kang ginagawa o di ka gutom, basta kami ni Patty gutom kaya dapat kang sumamasa amin Bakla! Tsaka, h'wag mo nga akong tawaging Dexter! Dexie pangalan ko." Walang prenong daldal niya, napatawa naman si Patty at nilingon ako. She mouther, "I missed this kind of moment.'. Napangiti ako, right. Muntik ko ng makalimutan na may normal pa pala akong buhay kasama ang mga kaibigan ko. I was too busy thinking about my current situation, nakalimutan ko ng ngumiti at mag enjoy.
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.