Forty Seven

206 7 2
                                    



Wala sa sarli ko inilipat yung page ng libro ko. Nasa library ako ngayon at sinamahan na mag aral si Patty. Kasi napatunayan niya na nung sinamahan ko siya mag aral sa canteen ilang buwan na ang nakalipas ay para daw na lumipat yung pagkatalino ko sakanya. Kaya sa tuwing may quiz na nagaganap at may time pa magstudy ay hinihila niya ako para samahan siya. Si Dexie naman, medyo busy dahil next week na kasi i-re release yung School Paper about sa School Festival.




"Ohm's Law, ba't kailangan pa natin tong pag aralan? Nanahimik yung si Ohm e." Mahinang usal ni Patty sa kanyang sarili.




"Ohm's law states that the current through a conductor between two points is directly proportional to the potential difference across the two points."



Tinitigan niya ako ng di makapaniwala.



"Paano mo nalaman?"



Ipinakita ko yung Physics na libro.


"Binasa ko."



She grumble. "Yeah right, ba't ba kasi sa first week ng december ang exam natin. Worst, sa monday pa talaga. Marami talagang isusumpa yang monday na yan."



Mahina akong napatawa.


"Inaano ka ba ni Monday?"



She huff. "Nakakainis kasi next week na exam na natin. Anong araw na? Friday? Ka-unti na lang yung araw para mag aral."



"At least, may ilang araw ka pa."



"Sorry naman po, hindi naman kasi ako sobrang talino kagaya mo at ng boyfriend mo." Sarkastimong saad niya.


Napailing na lang ako at pinagpatuloy na magbasa. Tapos ko na kasing pag aralan yung pointers ng lahat ng subject kaya binabasa ko na lang ang iba.



"Speaking of the devil."



Napatingin ako kay Patty na masamang nakatingin sa likod ko. Bago pa ako makalingon ay bigla na lang may dumagan na mabigat na braso sa balikat at naramdaman ko na lang bigla may humalik sa pisngi ko.



"Wifey!"


Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon