Thirty Nine

201 6 0
                                    

Thirty Nine

"Para po manong, dito lang." Sabi ko sa driver ng taxi at inabot ang bayad. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Ayaw mo bang ihatid papasok ka hija, mukhang malayo layo pa ang lalakarin mo dito sa village niyo." Ngumiti na lang ako habang bumababa.

"Ayos lang manong, gusto ko rin kasing maglakad lakad."

"Ganun ba, sige ma-una na ako. Salamat hija."

"Salamat rin manong." Saad ko habang kinakawayan ang paalis na sasakyan.

Napabuntong hininga naman ako habang nagsimulang maglakad. Naalala ko naman ang sinabi ni Frank kanin.

"Where do you want me to start?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot. "Everything, kung saan lahat nagsimula."

"But before I start, I hope you ready yourself. Even though it's just a small amount of information that Dominique told me, I hope it will help you." Tumango na lang ako at tahimik na naghintay na magsimula siya.

"12 years ago, you're parents always stayed at the office working all day long until midnight. You're sister—Maria Dominique, was 10 years old that time but she already understand why you're parents do that and you who was only 4 years old who always end up in your nanny's care. Alam ni Dominique na hindi pwedeng magpatuloy 'to, so kinausap niya magulang niyo na magbigay din ng oras para sayo kahit wala ng sakanya. She had enough, that's always the thought of Maria Dominique Santos that time. Alam niyang halos wala ng atensyon ang ibinibigay ng parents mo sayo and you're just a kid. But even thought she confronted them both, wala parin. They might gave you the so called 'time' of them pero dahan dahan rin nawala. And that was the start, unting unti na nagagalit ang kapatid mo magulang niyo. Dagdagan pa ng isang gabi na bigla ka na lang nagkasakit, I don't know why pero hindi sinabi ng Ate mo sakin kung anong sakit mo na dahilan para magalit ng sobra ang kapatid mo at maglayas. Okay lang sana maglayas siya kahit saan sa Pilipinas, mahahanap parin siya. Pero hindi nila—ko alam kung anong nakain niya at lumipad patungong Canada by herself, alone—-"

"Hold on, paano niya yun nagawa? Maari ba talagang sumakay ang isang 10 years old na bata sa eroplano na walang guardian?" Nagtataka kong tanong, kibit balikat lang ang isinagot niya.

"God knows, wala rin akong alam kung paano niya nagawa 'yon. Kahit anong pilit ko, di niya sasabihin sakin...So where am I? Oh right, ang pagpunta niya sa Canada siya lang mag isa. Ang alam ko, hindi alam ng Aunty Belinda niyo na pupunta siya ng araw ng iyon. So walang tao sa bahay at naghintay siya dun ng ilang oras, unfortunately it was Winter Season kaya ang lamig, so muntikan na siyang magka hypothermia dahil dun. Buti na lang nakita agad ng Aunty niyo ang Kapatid at mabilis na ipinatuloy sa bahay. For 4 months, walang alam ang magulang mo kung na saan ang kapatid mo until tiniwagan ng Aunty niyo ang magulang niyong dalawa at ipaalam na nasa Canada ang kapatid mo. Kaya mabilis na lumipad ang magulang mo kasama ka sa Canada para kunin ang ate mo."

"But she refused at nagrebelde, nagtagal kayo ng ilang linggo doon at pinilit na umuwi kasama ang kapatid mo. Pero wala parin. Hanggang sa, may sinabi ang kapatid mo para ma-threaten ang mga magulang mo..." Napalagok naman ako ng tubig ng wala sa oras sa sinabi niya, ang seryoso niya habang nagsasalita.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon