Thirty Three

253 5 2
                                    

Thirty three

“Hoy!” Sita ni Patty sakin.

Nilingon ko lang siya at nagtatakang tiningnan. “Oh?”

Umupo siya sa tabi ko bago nagsalita. “Kanina ka pa nakatulala ah.”Anya

Kibit balikat lang ang sinagot ko at nakalumbabang tiningnan yung apoy. Nag bonfire kasi kami dahil last day kaya napag isipan naming sa gilid na lang ng dalampasigan namin palipasin ang oras.

“Si Louie ba?”

Natigilan ako. “Louie? Ba’t siya nasingit sa usapan?” Sagot ko na hindi siya nililingon.

“Alam ko namang, alam mo na Cassie.”

Hinarap ko siya. “Ano bang pinagsasabi mo Patty? Gutom ka ba?” Natatawa kong saad at ibinalik ang atensyon sa harapan.

Tumahimik ang lahat sa isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

Nanlaki ang mata kong tiningnan siya wala sarili na pa hawak ako sa pisngi niyang sinampal. Ngumiwi ako, ang sakit pala.

“Para san ‘yun?”Nakangising tanong ko.

Binigyan niya ako ng masamang tingin. “Don’t play dumb Cassandra! We both know na alam mong laro lang ang lahat! Stop being a martyr, or worst a masochist!” Dahan dahan nawala ang ngiti ko sa labi ng maintindihan ko ang ibig niyang sabihin.

Marahan kong tiningnan ang paligid na nasa akin na pala lahat ng atensyon nila. Wala na akong maisip na gawin at nag peace sign na lang sa kanilang lahat.

“Sorry guys! Tapos na ang action. Okay ba? May presentation kasi kami nina Patty next week. Practice lang yun.” Alinlangan ko silang ningitian at mabilis na sinundan si Patty sa loob ng dorm.

Bago pa ako makaliko papuntang kwarto ng dorm ay nakita kong pumasok si Patty sa kusina, kaya naman agad ko siyang sinundan.

“Anong drama ‘yun Patricia?” Bungad ko sa kanya, gamit ang seryosong boses. Natigilan siya sa pagbukas ng ref ng ilang sandali at pinagpatuloy ulit ang pagbukas para kumuha ng tubig.

Hinintay ko siya matapos uminom ng tubig, kaya sumandal muna ako sa counter.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon