Forty
Ilang minuto rin kaming tahimik na nakiramdam sa isa't isa. Sinilip ko sa likod ng aking pilikmata ang mga magulang ko na tahimik at nagtataka kung bakit parang may mali sa kilos ko ngayon.
Tumikim si Daddy na dahilan upang umayos ako ng upo.
"So Cassandra, would you like to tell something?" Napanganga ako sa tuno ng boses ni daddy. Ang seryoso. Nakita ko naman si Mommy na hinawakan ang braso ni Daddy.
"Sweety, ano palang sasabihin mo at mukhang seryosong sersyo ng atmosphere natin?" Alinlangin siyang tumawa.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang kamay ko na nilalaro.
"Kanina pumunta ako ng school para malaman kung sinong makakalaban namin sa volleyball ngayon nalalapit na school festival pero pinapunta lang pala ako ni Coach para utusan na bumili ng groceries sa Mall, kaya pumunta ako ng Mall para bumili...."
Narinig kong tumawa si Mommy pero di ko siya tiningnan.
"Oh! Yan lang ba yung sasabihin mo sweety?" Malambing niyang saad. Hinintay kong magsalita si Daddy pero nakiramdam parin siya.
"No...meron pa. I met a guy...."
"Paano na si Louie? Akala ko ba gusto mo siya?" Hagikgik niyang saad. Umiling lang ako, kung hindi lang ito normal na pag uusap ay siguro namumula na ako sa hiya pero wala e. Nasaktan niya ako kanina.
"I don't even know him. Pero parang kilala niya ako, so hinila niya ako para kumain ng lunch sa isang pagkainan. He was blabbering about something that includes me. So I asked him about it pero umiling lang ito at sinabing "It seems they keep it secret huh."..."
"Bigla na lang akong kinotuban sa mga pinagsasabi niya, parang bigla akong natakot pero hindi ko pinakita. Kaya pinilit ko siyang sabihin sakin kung anong nalalaman niya. Pero nagmatigas siya dahil wala daw siya sa posisyon para sabihin sakin ang totoo. Pero pinilit ko siyang sabihin. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko ng malamam ko yung totoo. Magagalit ba ako? Magiging Masaya? Malulungkot o ano? Di ko alam..."
Huminga ako ng malalim, pinakiramdaman sila. Wala akong marinig, mukhang hinihintay nilang magsalita ulit ako.
Itinaas ko ang ulo ko at seryoso silang tiningnan.
"Tell me, mom, dad... Kailan niyo sasabihin sakin na may kapatid pala ako?"
Nakita kong napasinghap si Mommy at kumapit sa braso ni daddy, habang si daddy naman ay blankong nakatitig sakin.
"W-We can explain sweety." Nauutal na sabi ni Mommy at mukhang napapaluha na.
Malungkot ko siyang ningitian.
"I don't even know kung kailan niyo sasabihin sakin o baka wala talaga kayong planong sabihin sakin."
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
عاطفيةShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.