[Cassy]
Mabilis naming umikkot ang oras at dismissal na. Agad ko naming inayos yung gamit at inilagay sa bag ko at tumayo. Napatingin naman ako sa bandang unahan ng makitang kong si Dexie lang yung naka upo at wala si Patty. Pagkatapos kasi ng lunch ay bigla na lang siyang nawala bigla. Agad kong tinunggo ang si Dexie na kalumbaba na tumingin sa kawalan
“ Hey…” Marahan kong bungad. Bigla naman siyang napa-upo ng maayos habang gulat na nakatingin sakin
“Cassy-dearest naman, may plano ka bang patayin ako sa gulat ?……. Kung meron man, mas gustuhin ko pang mamatay sa pagmamahal mo-asdsada..” Nagtataka ko siyang tiningnan
“Anong sinabi mo?” Tanong ko. Mabilis naman siyang umiling
“Wala… By the way, may kailangan ka ba?” Mabilis naman akong tumango buti na lang ipinaala niya
“Nakita mo ba si Patty?”
“Hmm. Si Pattyy? Kanina, magkasama kami sa Library. Nagkwentuhan saglit tapos umalis naman ‘yun agad….Teka—Ba’t ngayon ko lang napansin na wala siya sa halos maghapon dito?”
“Yan nga sana ang sasabihin ko sayo eh.” Napa-atras ako ng ilang kakbang ng marahas siyang tumayo
Pabalik balik siyang naglalakad habang hinahawakan niya yung imaginary bigote niya “ Kailan na ba nating mag tawag ng mga Pulis, NBI o di kaya mag search and rescue na tayo.” Naghe hysterical niyang saad. Napakagat labi naman ako, pinipigilan ang pagtatawa ng bahadya
“Tumawa ka na Cassydearest at baka mautot ka pa pero, on the other hand, H’wag na lang pala---Teka! Hindi ito ang tamang panahon para isipan yang utot mo Cassydearest. Kailangan nating magplano para sa kaligtasan ni Patty bago mahuli ang lahat. Ayaw kong Makita si Patty na wala ng lamang loob at ibenenta na pala sa black market o di kaya palutang lutang ang bangkay nito sa Pasig---AAAHHHH!” Sigaw niya habang namumutla nakatingin sa likod. Gusto ko sana siyang sawayin na hinaan yung boses niya, buti na lang kami na lang dalawa ang nandito kaya walang sasaway sa kanya. Well wala naman talagang maglalakas loob na sawayin siya at baka mabara ka na lang.
“Oh? Ba’t ka naman namumutla aber?”Tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay itunuro niya lang yung sa likod ko habang namumutla parin siya. Dahan dahan ko naming tiningnan kung sino o ano ang nasalikod ko.
“M-multo? K-kaluluwa ba yan ni P-patty?” Napailing naman ako sa pagsasabi na nauutal na si Dexie. Hindi ko na lang siya sinagot at pinagmasdan si Patty na nasa harapan ko. Nagtataka kung tiningnan yung namumula niyang mata, parang kagagaling lang ‘yang umiyak.
“Okay ka lang Patty? Umiyak ka ba?” Nag alalang kong tanong. Umiwas naman siya ng tingin ng tinitigan ko siya ng matagal
Umiling lang siya bago sumagot. “ Nasobrahan lang ako ng tulog kaya medyo namulamula yung mata ko.” Hanggang ngayon ay umiiwas parin siya ng tingin
“Nasobrahan ng tulog? San ka naman na tulog? Sa clinic? Eh diba sarado yun ngayon? San ka pala natulog?” Nagpatingin naman ako kay Dexie na nagtatakang tanong ngayon. Bumalik naman ako ng tingin ngayon kay Patty nabigla na lang namula
“Uhm. U-umuwi ako sa bahay—tama! Umuwi ako sa bahay. S-sige, una na ako. May gagawin pa kasi ako. Sorry pala kung nag alala kayo.” Mabilis naman niyang kinuha ang gamit niya sa tabi ng upuan ni Dexie at walang lingon na lumabas ng silid. Napa taas naman ako ng kilay sa kilos ni Patty ngayon.
“Anong problema nun?” Tanong ni Dexie. Kibit balikat ko lang siyang sinagot. May nangyari bang di ko alam? Isip ko.
+++
“I’m home—D-dad?” Hindi ko alam kung matutuwa ba ako nandito siya o hindi. Basta ang alam ko lang biglang nanlamig ang katawan ko, na para bang binohusan ng malamig na tubig. Pinagmasdan ko siya na prenteng naka upo sa sofa habang nagbabasa ng Dyaryo, last month nung huli ko siyang nakita. Hindi ko alam kung paano ko ilalakad ang paa ko sa kaba. He’s Frederick Santos my dad.
“Come here.” Malamig niyang saad. Napa-igtad naman ako sa malamig niyang boses. Dahan dahan akong lumakad patungo sa kanya. Mabilis ang pangyayari, naramdaman ko na lang na bigla na lang namanhid ang kanan kong pingi. I fight the urged to cry on. Tulala ko siyang tiningnan, in my 16 years of existence, eto ata yung unang pagkakataon na pinagtaasan ako ng kamay ni Dad.
“Sit.” Tipid nitong sagot na para bang walang nagyari. Marahan akong umupo sa tabi niya habang nakayuko.
“I can still remember that day….” Napatingin naman ako sa kanya ng nagsalita siya habang nakatingin parin sa isang page ng dyaryo
“…that day. When your mom was carrying you in her womb, I think I’m really the luckiest man in the whole word. Pinangrap ng mommy na sana magiging babae ang unang anak niya. I, on the other hand ay gusto ng lalaking anak. ‘Coz I know kapag kasi lalaki ang una kong anak ay pwede niyang ma protektahan ang magiging kapatid niya in the future. We had this little argue that day, that was end up na sa sofa ako matutulog. “He paused
And Continue “Ilang araw din akong nagtiis na matulog sa sofa dahil dun kaya ginawa ko ang lahat para magkabati kami. Knowing the pregnant, mabilis mag bago ang mood, in short sobrang moody ng mommy mo.” Hindi ko alam kung bakit inikwento ni Dad ‘yun pero nararamdaman kung may pinanahiwatig siya.
He sighs before he continue “ You know this already… Ipinanganak ang mommy na hindi mayaman at hindi din mahirap pero sa kabila ng pagiging simple ng pamumuhay niya nangrap din siya na kapag magkaka-anak siya hindi niya pagbabawalan sa gusto nito o palakihin sa luho kundi gusto niyang maranasan mong paano makukuha ang isang bagay na pinaghirapan mo.”
“ Kaya ngayon labis niyang pinagtataka kung bakit paano mo ginawa ito sa sarili mo, hindi naman siya nagkulang o sumobra, pero bakit? Bakit mo ‘yun ginawa?” Napa-iwas naman ako ng tingin ng tumititig siya sakin
“I know you’re confused why I slapped you in the past 16 years of existence. I’m not mad, it just that…I didn’t expect na magiging ganito ang kahihinatnan mo. Yes, gusto ko ng lalaking anak pero hindi sa ganitong bagay. I’m sorry if I slapped you. Mauunawaan ko na hindi mo ako papansinin ngayon dahil sa ginawa ko pero gusto ko lang magising ka sa totohanan na kahit ganun man ang gawin mo ay mahal ka parin namin ng mommy,Cassy.” Napahawak naman ako sa kbilang pisngi ko ng naramdaman kong mamasa masa na. Umiyak na pala ako na na di ko namamalayan.
Pinagmasadan ko si Daddy na nilagay ang dyaryo sa coffee table at agad na tumayo. Naramdaman ko na lang na marahan niya akong tinapik sa balikat.
“Go. You should talk to your mom ayaw kong tumagal ‘tong problemang ‘to and I don’t want to stress your mom right? At baka magkawrinkles siya at tatanong na naman sakin kung meron ba. Ayaw ko ding sumagot sa tanong at baka maulit ang mga araw sa sofa na naman ako matutulog. Well just be ready for the good news Cassy, and I know you will love the news.” Hindi ko alam kung kalian umalis si daddy at ang alam ko lang nagpro proseso pa sa utak ko ang sinabi niya.
Ano bang pinagsasabi ni Daddy ng good news---wait. Don’t tell me na yung good news ay magkakaroon ako ng kapatid?
Hindi siya Good news, it’s freaking really good news para sakin. Mabilis naman akong tumayo at hanapin si Mommy.
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.