Thirty Four

258 6 1
                                    

Thirty Four

Napakamot naman ako sa lalamunan ko na parang nauhaw ako ng lumabas si Patty ng kusina. Kaya agad akong kumuha ng baso at nilagyan ng tubig. Pagkatapos mabilis ko siyang sinundan sa isang pasilyo, alam ko namang pupunta siya sa room ng mga girls eh.

Ngumiti ako ng makita kong nakatayo sa labas ng kwarto si Patty, alam kong hinintay niya ako pero ng papalapit na ako sakanya ay nagtataka ko na siyang tiningnan. Para bang may sinisilip siya. Tahimik kong pinalaki ang nakauwang na pinto upang makita ang sinisilip ni Patty.

Mahigpit kong hinawakan ang pinto habang nakatingin.

“You should know about this things behind your back right?”Aniya sa gilid ko. Nilingon ko siya at ngumiti. “Of course, I’m not that stupid para hindi makita ang totoo.”

“Kung hindi ka naman pala tanga, then why do you still let him court you kung alam mo na ginawa ka lang na challenge ng Kuya ni Luna kay Louie?”Mahina niyang asik.

I shrug at binalik ang tingin sa dalawang nagyayakapan. “It’s too late and I think I’m going to enjoy this.”

“Too late? There’s nothing too late about this! Masasaktan ka lang---“

Huminga ako ng malalim at tinitingnan parin si Louie at Luna na magkayakap. “You know what Patty, before I join this game…I ready myself and also my heart. Alam ko naman kahit anong mangyari sa larong ‘to na masasaktan ako, kaya hinanda ko yung sarili ko. For examply, eto nakita natin sa harap natin. You might say, masasaktan ako pero hindi. Hinanda ko na yung sarili ko sa ganito at higit pa.”Sambit ko. Pero alam ko sa sarili ko, inuto ko lang ang sarili ko na hindi ako nasasaktan. Even though hindi man siya gaano kasakit, masakit parin.

Narinig ko siyang napa-buntong hininga. “Alright, if that’s what you want to believe. But I tell you, it’s not too late to back down at save your heart….Anyways, what are we going to do now? Tutunganga at titigan lang sila?”

Dahan dahang may naglarong ngiti sa aking mga labi. “Let’s surprise them.”

Umiling siya. “You’re creepy. Kung hindi lang kita kaibigan baka aakalain kong ikaw yung kontrabida dito eh.”

Ningitian ko siya. “What are friends for? Alright, let’s surprise them.” Huminga ako ng malalim at umatras na ilang hakbang. Nakita ko naman siyang pumunta sa gilid at umiling.

Kinindatan ko naman siya at mahinanag sinabihan. “Watch it.”

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa baso. Napatingin naman ako sa tubig, hindi pa pala ako nakainom pero bahala na. Tiningnan ko ang dalawa na hanggang ngayon ay magkayakap parin, mukhang nasa sarili silang mundo at hindi nila napansin kami.

Isang tunog na nabasag ang baso na agad napahiwalay sa dalawang taong nasa harap ko.

“Ay! Sorry! Hindi ko sinasadyang maka-istorbo sa inyo! Sorry!” Mabilis akong yumuko at pinulot ang nabasag na baso. Buti na lang at nakalugay ako para matabunan yung mukha ko. Napasimangot naman ako ng nakita kong iniwan ako ni Patty.

“Cassie? Ibaba mo yang hawak mo, baka masaktan ka. Luna?” Boses ni Louie na papalapit sakin. Ngayon ko lang napansin na tahimik lang pala si Luna sa isang tabi.

“Yes?” Sagot ni Luna.

“Can you please get the dustpan and walis para dito?”

“S-sure. Maiwan ko muna kayo.” Naramdaman kong mabilis na dumaan sa gilid ko si Luna.

Nakita kong lumuhod sa harap ko si Louie para agawin yung hinawakan kong mga basag na baso.

“Sinabi ko naman sayo diba na h’wag mong hawakan yung mga basag ng baso…Shit! Ayan! Nasugatan ka na. Akin na nga yang kamay mo.” Hindi na ako umangal dahil mabilis niyang kinuha yung kamay ko at tiningnan ng mabuti. Pinilit kong di pa ngiwi sa katangahan ko, ba’t ko ba naisipang hawakan ng mahigpit yung baso?

“Napano yang kamay mo?” Napasulyap ako kay Patty na naglalakad papalapit sakin. Tumingin ako sa harap, minamasdan ang hampas ng alon. Hindi ko alam kung anong oras na pero gusto ko pang manatili dito. Pagkatapos na gamutin ni Louie yung sugat ko ay hindi naku na ako nagpa-alam na umalis at napadpad na lang dito.

“Konting sugat lang, malayo sa bituka.”

Tiningnan ko siyang umupo sa tabi ko. “Ang engot mo talaga…”

“Engot? Ba’t naman?”

“Hindi naman kasi siya gaano ka halata na sinadyang mong saktan yang sarili mo.” Aniya, ngumiti lang ako at napabuntong hininga.

“Hindi ko alam basta ang nararamdaman ko kanina….masakit.”

“Noong nagkayakap sila o nasugatan ka sa kamay dahil sa katangahan mo?”

Tumawa ako at nakalumbabang nagsusulat sa buhangin. “Pwede both?”

“Ba’t mo ginawa yun at kailangan pa talagang saktan mo yung sarili mo?” Tanong niya na nakatingin sa gilid ng mukha ko.

Nilingon ko siya at ngumiti. “Kasi kahit papaano, nararamdaman kong hindi lang pala lahat ng ‘to ay panaginip.”

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon