Thirty Two

230 6 2
                                    

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto ng kwarto ng mga girls. Iilan lang ang nakita kong mga babae sa loob ng kwarto, mukhang gumala na yung iba.

Ang alam ko halos mga ka-team ko ito sa volleyball. Pinasadahan ko ang boung kwarto at napatigil sa isang babae na naka-upo at may hawak na cellphone sa ibabang kama.

Double deck yung style ng mga kama namin, hindi ko alam kung pareho din samin yung sa mga boys.


Umiwalas yung tingin ko ng mapalingon siya sa kinatayuan ko.

“Hanna!”

Tumaas ang kilay niya at agad naman siyang sumimangot.

Hindi na niya ako pinansin at ibinalik yung tingin sa cellphone niya.
Mahigpit kong hinawakan ang gamit ko at naglakad patungon sa kanya.

“Cass.” Bigla akong napatigil at nilingon si Lyka.


“Bakit?” Tanong ko.


“Ang sabi ni Patty sakin, iisa lang daw kayo ng kama. Siya daw sa baba tapos ikaw sa taas.” Pumurma ng ‘O’ yung bibig ko at tumango na lang.


“Salamat.” Ngiti ko, ngumiti naman siya at ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.


Nakita ko yung mga gamit ni Patty sa isang double deck na katabi ng inuupuan kaya umupo ako at hinarap si Hanna na busy sa kanyang cellphone.


“Ba’t nandito ka lang? Ang alam ko ang ganda ng view ng sunrise ngayon. Ayaw mong tumingin…”Napatigil ako sa pagsasalita ng binigyan niya ako ng walang ekspresyon.


“Cut the façade of yours.”Aniya. Kumonut ang noo ko at tsaka ngumiti.


“Façade? Haha, hindi kita maintindihan.”


Tinigil niya yung ginagawa niya at suminghap na tumingin sakin.

“Stupid.”


“Stupid?”


“Ano ba talaga---“ Pinutol niya yung sasabihin ko.


“Iiyak mo ‘yan.”


Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Hindi talaga kita maiintindihan.”


Tinitigan niya ako sa mata at nagsalita.

“Malungkot ka dahil sa kanya. Ayaw mong umiyak dahil sa kanya. Nasaktan ka dahil sa kanya.”

“I-I don’t really get it.” Utal kong sagot.


“Simple. Malungkot ka at nasaktan ka, gusto mong umiyak pero ayaw mo dahil sa kanya. Lahat ng ‘to ay si Louie.” Simple niyang saad.

At yumuko ako.
Tulala akong napatitig sa mga sapatos ko. Hindi ko alam na matagal na pala akong tumahimik, naramdaman ko na lang siyang tumayo.


“You’re falling for him.” Bumilis ang tibok ng puso ko pero wala akong lakas na tingnan siya.


She’s wrong. “No, I’m not falling for him…b-because I love you.”

I hear her tsk-ed. “You’re in denial. Stop telling me that you love me if right now, you’re thinking about him.” Bago pa ako makasagot ay tumalikod na siya. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang bintana.


Tumayo ako at nilapitan ang bintana at tiningnan ang mga taong naglalakad sa dalampasigan. I envy them. Hindi sila naging kagaya ko na napasok sa isang napaka mapahamak na laro.

Hinigpitan ko ang pagtatali ng buhok ko habang naglalakad papuntang dalampasigan. Kitang kita ko na nagstre stretching sila dahil magja jogging kami sa boung resort.

Napatingin ako kay Coach na nakatingin sakin ngayon habang papalapit sa pwesto nila.

“Cassie, akala ko matutulog ka ulit.”Sabi niya habang may hawak na clipboard at pito nakasabit sa leeg niya.

Bago pa ako makapag salita ay sumingit si Margareth sa gilid ni Coach habang tinatapunan ako ng masamang tingin

.

“Stop spoiling her Coach, mas lalong lumalaki yung ulo nyan eh.” And then she hissed.

Ngumiwi ako sa mga bitawan na salita niya. Ba’t ba ganyan yung galit niya sakin? Wala naman akong ginawa sa kanya---Oh right, I almost forgot about it.

Binalik ni coach ang tingin sakin ng naka kunot noo. “Is there something going on with you two, na di ko alam?”

Mabilis akong umiling. “Wala naman Coach. Actually, past few days, nabangga ko lang siya ng papalabas na akong ng CR ng di sinasadya. Yun lang yung naalala ko na dahilan upang magalit siya sakin.”Paliwanag ko.

Tumango na lang siya. “Hindi talaga ako kumbinsi Ms. Santos, it seems may pinaghuhugutan talaga siya kaya ganyan lang talaga yung galit niya sayo. Don’t worry I believe in your explanation, alam kung hindi ka naman masama o kung ano.”

Di ko mapigilang mapaiwas ng tingin sa seryosong titig ni Coach pero sana hindi ko na lang pala ginawa. I saw them. Kitang kita ko sa mata ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Damang dama ko yung sakit. Hindi nga ako masama, pero ba’t nasa ganitong sitwasyon ako? Parang ako pa ‘yung kontrabida, yung mang aagaw. Bakit ako pa?

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon