Thirty One

231 6 0
                                    

“Nandito po tayo Ma’am Cassie.” Napalingon naman ako sa driver at tipid na tumango. Agad naman siyang lumabas at pumunta sa likod ng sasakyan para kunin yung mga dala ko. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng sasakyan.

“Salamat Manong.” Sabi ko at ngumiti sa kanya, tumango naman siya at pumasok sa sasakyan.

Huminga ako ng malalim at agad na kinuha ang bag ko sa paanan at naglakad patungo sa loob ng School.

“Ms. Santos! Akala ko hindi ka makakaabot, we’re about to leave you.”Bungad ni Coach ng makapasok na ako sa bus. Ngumiti na lang ako at magsasalita na sana ng may sumingit sa gilid.

“We should really leave her behind coach, like it’s a punishment. Para naman may matutunan siya, hindi lang puro kayabangan ang nasa utak niya dahil naging MVP siya last year.” Kunot noo kong tiningnan si Margareth na masama ang tingin sakin ngayon.

I heard someone snickered behind me. “Looks like hindi pa nakaka move on si Margareth sa pagiging MVP ni Cassandra last year. Move on, Marg. Move on.”Aniya

Napatingin naman ako kay Margareth na binibigyan ako ng nakakamatay na tingin, kaya umiwas ako ng tingin.

“Whatever. Just shut up, Winston. Shut up.” Asik nito’t umirap at naglakad papunta sa upuan nito sa unahan.

“Pagpasensyahan mo na si Margareth,  Cassandra, mainit lang ang ulo nun dahil ang tagal mong dumating. It’s almost 30 minutes kang late, kaya pina-una na namin yung isang bus sa resort na pupuntahan natin.” Saad ni Coach.

“Sorry Coach, napasarap kasi yung tulog ko.”

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. “You should sleep early at h’wag na yung uulitin pa. Alright, nasa pinaka likod yung upuan mo. Sa tabi ni Amy. Mukhang sabik na sabik ka talaga sa pupuntahan natin eh no kaya ka nalate?”

Ngumiti na lang ako at tumango. I don’t want to talk about it. Inayos ko naman ang pagdala sa bag ko at tumungo sa upuan. Agad ko namang nilagay sa itaas yung gamit ko at umupo.

Dahan dahan kong sinandal yung ulo ko sa likod ng upuan at pumikit. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ng umandar ang bus kaya sumulyap ako sa labas ng bintana. Halos madalim pa at makikita mo lang ang mga ilaw ng poste sa kalsada. Alas kwatro ay dapat nandito na kaming lahat, para makaalis kami ng maaga at maagang maka abot sa resort. Mas maganda kasing mag exercise kapag hindi pa sumisikat yung araw para hindi mainit.

Napahawak naman ako sa labi ko ng maalala ko ulit yung nangyari noong nakaraang araw. It’s been 3 days ng nangyari yung paghalik niya sakin. At sa loob ng tatlong araw naging wala ako sarili dahil lang dun. It made me realized that I need to stay away from him, alam ko yung mangyayari kapag hahayaan ko pang mapalapit siya sakin. And I can’t really stand to think about it.

Napadilat naman ako ng may yumugyog sakin. “Cass, gising. Bababa na raw.” Ani ni Amy na kinuha sa itaas ng upuan yung gamit niya. Muntik ko na palang kalimutan kong nasan ako. Sinandal ko ulit yung ulo ko at pumikit.

“Inaantok ka parin? Dun ka lang matulog ulit san aka assign na mga kwarta. Nga pala, lahat ng girls ay iisa lang yung kwarto. Malaking dorm type yung kinuha ni Sir para madali lang daw tayong tawagin ni Coach.” Saad niya, pikit na tumango ako.

“Okay, susunod lang ako.” Sabi ko.

“Sige, iwan na kita. Sunod ka ha?” Tumango na lang ako at naramdaman ko na lang na paalis na siya. Dumilat ako at bumuntong hininga. Bahala na. But first, I need to stay away from him.

Pagkababa ko sa buy ay tiningnan ko yung kabuuan ng resort. Kaya pala familiar, I’ve been here 3 days ago with him---pinilig ko ang ulo ko. I need to stop thinking of him.

Kunot noo kong tiningnan ang paanan ko ng may nakita akong bola. Napalingon naman ako sa pinaggalingan ng bola at nanigas ako sa kinatayuan ko. Destiny’s playing with me, huh. Suminghap ako at tinaasan siya ng kilay na nakangising papalapit sa pwesto ko. Ramdam na ramdam ko yung bilis na pagtibok ng puso ko. Act normal, Cassie. Act normal.

“Akala ko di ka na baba sa bus, at matutulog na lang.” Ngisi niyang bungad.

Kumunot ang noo ko. Ba’t niya alam? Ngumiti ulit siya na parang alam niya kung ano yung iniisip ko.

“Of course, I know everything Cassie. Everything about you.” Aniya. Napaiwas ako ng tingin. I know, I really know Louie.

Pinaikotan ko lang siya ng  mata at tinalikuran. I don’t have the mood to talk to him, especially sa kalagayan kong ‘to.

“Oh, Cassie the great is now ignoring me huh?” Napatigil ako at di siya nilingon. Cassie the great. Right. Sinabi rin yan ni Margareth.

 

Huminga ako ng malalim at nagsalita. “If you don’t have anything to say then I’m gonna leave now.” At tinuloy ko yung paglalakad ko, ilang sandali pa ay narinig ko siyang humalakhak.

“So is this about the kiss? Ngayon lang yung aftermath? So the following days ay di ka pa maka get over? You should really told me then Cassie, I can do it to you.” Rinig ko ulit na humalakhak siya. Biglang kumirot sa bandang puso ko at biglang may kung ano sa tyan ko ngayon.

Umiling na lang ako at pinagtuloy ang paglalakad. Di ko na lang siya pinansin. You’re wrong Louie, you’re really wrong. It’s not about the kiss. It’s about you and me. It’s about to stay away from you. I’m keeping my heart from heartaches Louie, keeping it from your plans.

 

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon