Fifty

250 8 1
                                    

Cassandra's Point of View

Huminga ako ng malalim,  at kinuha ang malaking box na naglalaman ng mga decorations sa storage room. Nanginginig kong hinawakan ang box gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay sinasarado yung pintuan.


"I should really be the one to carry the box you know. " Startled,  napatingin ako kay Dexie na pinag krus ang mga braso habang tinaasan niya ako ng kilay.


Kibit balikat, tinaasan ko siya ng kilay. "Kayo ko naman e, tsaka may ginagawa ka kaya."


"Tsk, whatever you say. Akin na nga yan." Bago pa ako makapag protesta ay mabilis na niyang inagaw ang kahon.


Inayos niya ito sa mga braso niya, at pinukolan ako ng masamang tingin. 


Napa-atras ako. "Oh, anong tingin nyan?"


"Eto ba yung sinabi mong kayo mo? Eh, mabigat na 'to para sa isang babae a."


Napatahimik ako at nagsimulang maglakad.


"San ka pupunta?"


"Pupunta na sa gym, total ikaw naman yung magdadala nyan diba?" Saad ko, habang naglalakad.


Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Why are you running away? Running away isn't the best option when your problem is facing you."


Napatigil ako, at nilingon ko siya. "Anong kadramahan naman yang sinasabi mo Dexie?"


Binigyan niya lang ako ng blankong tingin, napatawa na lang ako at nilipatan siya at hinila. 


"Tara na nga, baka hanapin pa nila tayo."


Tahimik lang kami habang papasok sa Gym, tumambad agad sakin ang nagkakaundagagang mga classmates ko at ang mga taga ibang section na nag-aayos, fining touches na lang at mamayang hapon, magpra praktis na kami para sa social night.


Napatingin sa amin si Elise at mabilis kaming pinapunta sa Stage.


"Ba't ang tagal mo Cass? Sabi ko di ba si Lloyd na lang sana para mas mabilis." Bungad niya sakin, napakamot na lang ako sa ulo at ngumiti.


"Pasensya na, natagalan lang sa pagdala nung box."


Tinaasan niya ako ng kilay. "Si Dexter kaya yung humawak, paano ka naman natagalan nyan aber?"


"Sumulpot kasi si Dexie kaya ayun, konting kwentuhan---"


"Konting landian, hay naku! Nag De-Dexie ka pa? E, lalaki naman yan. Nagbakla baklaan lang para mapalapit sayo."


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, at napasulyap kay Dexie na blanko lang ang tingin di man lang nag react.


Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon