Seventeen

434 6 1
                                    

Chapter Seventeen~*~Owe~*~

“Aalis na po ako!” Sigaw ko habang inaayos ang strap ng back pack ko

“Take Care Sweety.” Aniya ni Mommy

“Opo mom. I love you po!”

“I love you din.” Rinig kong sabi ni Daddy

Habang sumasakay ako sa sasakyan ay hindi ko mapigilang di ngumisi ng malaki. Para na ngang di na matanggal yung pagkaka ngisi ko sa sobrang saya ng araw ko. Nagka ayos na kasi kami ni Mommy tapos may isang good news pa, magkakaroon na ako ng bagong kapatid. See, in my 16 years of existence dito sa mundo ngayon lang nila na pasayahan magkaroon ng bago anak? Oh well, wala na ‘yun sakin basta magkakaroon na ako ng bagong kapatid. Hindi pa naman nila alam kung babae o lalaki yung magiging kapatid ko, two months pa kasi si mommy. Pero next week pupunta na sila sa ospital para malaman kung girl or boy.

“Iha, kanina pa kita nakikitang nakangiti ng malaki ah. Ang saya saya mo ata” Napabaling naman ako kay Manong sa lintaya niya. Umiling naman ako at nagsalita

“Di naman po.” Ngisi ko.

Umiling siya. “Halata nga hindi ka masyadong Masaya.” Kibit balikat ko lang siyang tiningnan at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

+++

Habang nasa hallway ako ay di ko maiiwasang magtataka sa tingin na binibigay ng ibang tao sakin.

Bakit, ngayon lang ba sila nakakita ng taong nakangiti?

Bigla naman akong tumigil ng may humarang na tatlong babae sa harapan ko. Tiningnan ko sila ng isa isa. Mukhang mataray.

"You!" Duro nito sa direksyon ko. Lumingon naman ako sa likod at tiningnan kung yung nasa likod ko ang tinuro niya pero wala akong nakitang tao na nasa likod ko. Nagtataka kong tinuro ang sarili ko, sabay namang umikot yung mga mata nila. Hindi ko maiwasang mamangha, scripted kaya 'yun?

"Bakit?" Tanong ko

"We want to ask you something. So say something or else you're dead meat!" Bigla naman akong napa atras sa pagtataray ng nasa gitna. Mukhang ito ata yung leader nila.

Book I: DesperatelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon