Kahit nagtataka si Louie sa kinikilos na dalaga ay hindi na lang niya ito binigyan ng pansin. He was following her, hindi niya pinansin kung saan sila tutungo basta ang gusto lang niya ay makasama ang dalaga. He badly wants a fast progress to this act.
Shet! Para naman akong bakla nito! Napa iling naman siya sa naisip niya at tinoun na lang ang pagtingin sa dalaga. Hindi niya namalayan na nandito pala sila roof top.
"Ganyan mo na ba ako namiss at dinala mo pa ako dito ? Asus... Nagpakipot pa talaga noon." Asar niya sa dalaga para mawala yung malamig na aura na nakabalot kay Cassie.
He continue, " Napag –isip mo na no? Nagusto mo rin ako? Ayie. Haha" Pero tinalikuran lang siya ng dalaga at tinoun sa pagmasid sa kawalan.
"Bakit lahat ng gusto mo nakukuha mo, samantalang ako hindi... " Wika ni Cassie. Lihim naman napangiti ng mapait si Louie, at naalala si Luna.
" Nagkakamali ka. Gusto kita, pero bakit hindi kita kayang makuha? " Aniya ni Louie habang tinitingnan ang likod ng dalaga.
Lumingon naman ang dalaga sa tinuran ng binata.
" Pwede ba tumigil ka na sa pagsunod sa akin o sa pagka gusto sakin! Hindi mo ba alam na naiingit ako sayo dahil yung taong mahal ko ay may gusto sayo!" Asik ng dalaga. Natigilan naman si Louie sa binanggit ng dalaga.
"Ba't ka naman maiingit? Ang swerte mo nga at ikaw yung gusto ko" Aniya ni Louie. Napatawa naman ng matabang si Cassie sa tinuran ni Louie.
"Ako? Maswerte? Kailan pa? Pwede ba, hindi ko kailangan ng pag ibig mo! Sinabihan na kita kanina na kaibigan lang ang turing ko sayo! " Bigla naman niyang nakita sa mata ni Louie ang labis na sakit at lungkot pero iniwaksi na lamang niya ito.
" How many times I would tell you na hindi ko gusto hanggang kaibigan lang tayo! Gusto kita, gustong-gusto ! Wala akong paki kung anong sasabihan ng ibang tao basta maging akin ka lang, tapos ang usapan!" Hindi mawari ng dalaga ang sasabihin niya sa mga salitang binitawan ng binata pero sa kaibuturan ng puso niya gustong maniwala pero inalis niya ang walang kwenta konklusyon sa isipan niya. She wish all the things she heard now is really true, but then this is a painful reality.
"Nababaliw ka na ba? Isang Louie Adrian Lopez, nangliligaw sa isang tomboy? Kalokohan! Hindi mo ba naiisip na masisira yung image mo sa school? " Bigla naming napa ngiti ng lihim si Louie sa tinuran ng dalaga pero hindi parin nakaligtas kay cassie ang lihim niyang pagngiti.
"Nababaliw ka nga, imbes na magalit ka o mainis ay may gana ka pang ngumiti diyan."
"Oo baliw na nga ako, baliw na baliw na sayo" Napangiwi naman si Cassie sa kakornihan ni Louie.
"Madiri ka nga! O-oyy—Teka! Anong gagawin mo? H'wag kang lalapit, at baka masikmurahan kita!" pagbabanta ni Cassie kay Louie pero hindi parin natinag si Louie at lumapit hanggang ma corner niya si Cassie sa isang gilid. Hindi naman kayang makatakas ni Cassie dahil kinulong na siya sa dalawang braso nito. Amoy na amoy ni Cassie ang mamahalin na pabango ng binata, bigla naming kumalabog ang puso niya ng walang ka malay malay.
Tiningnan lang ng binata ang dalaga na lutang sa kawalan pero alam niyang sumisinghot singhot ito sa damit niya. Nakita naman niyang uminit ang dalawang pisngi ng dalaga
"Oh Tapos ka na? Naubos na yata yung pabango ko sa uniform ko eh" Biro niya. Bigla naman siyang sinikmuraan ng dalaga at tinalikuran. Napaluhod naman sa daing si Louie pero bago maka-alis ang dalaga ay may sinigawan mo na siya.
" Whether you like it or not, liligawan kita hanggang sa Umo-OO ka!" sigaw nito. Saglit na natigilan ang dalaga pero nagpatuloy parin itong lumabas ng pintuan.
Mabilis nawala ang ngiti sa mga labi ni Louie at marahas na sinuntok ang sahig. Damn! Why is it Cassandra?! Alam niya sa sarili niya na kinakain siya ng kanyang konsensya pero he really loves Luna na kahit sarili niyang kababata ay gawing daan para sa kanila.
***
Hindi alam ni Cassie kung ilang buntonghinga ang ginawa niya sa pag iisip sa mga huling binitawan na salita ni Louie kanina
Naramdaman naman niyang may umupo sa tabi niya. Nilingon naman niya yung umupo, nakita naman niyang isang babae na pawis na pawis, siguro may activity na sinalihan ang dalaga. Binalik na lang niya nag tingin niya sa kabuuan ng soccer field, nandito kasi siya sa isa sa mga bench na nakakalat sa campus buti na lang at may mga puno sa bandang inupuan niya
"Oyy. M.U raw sila. Yung isa MANHID at yung isa naman UMAASA." Nagtataka naman niyang nilingon yung katabi niya
"What? " Tanong ni Cassie.
"A-ah wala, naisip ko na lang bigla yung gm ng kaibigan ko" Aniya ng babae.
Bigla naman siyang napalingon ng may babaeng sumigaw.
"Sam! Magsisimula na raw sabi ni Coach." Tinanguan lang ng katabi niya ang sumisigaw. Tumayo naman yung katabi niyang na ngangalang Sam.
"Hayyy. Ang bilis naman ng break ang duga naman. Nga pala, ako Samantha Greene, sam or Sammy for short. See you around na lang! Bye! " Tipid na ngiti na lang ang ibinigay ni Cassie sa dalaga pero bigla naming nagtaka si Cassie ng huminto ang dalaga at humarap
"Nga pala, M.U naman kayong dalawa diba. Suggest kong palitan niyo ng Minamahal at Umiibig para naman hindi kayo dumagdag sa mga taong hanggang friendzone lang. Joke! Sige! Bye Cassie! " Nagtataka naman si Cassie habang tinitingan ang dalaga na papalayo. Ba't niya alam yung pangalan ko? At ano ulit yun? Palitan ng Minamahal at Umiibig? Weird.
BINABASA MO ANG
Book I: Desperately
RomanceShe's desperately doesn't want to lose, yet. Curious? Then, read. Warning. Read at your own risk.