Chapter 04

278 7 0
                                    

"Yan! Yan ang bagay sayo, marunong ka palang pumili ng damit eh. Okay na yan!" Papuri ni Andrea sa akin. Parang hindi niya ako nakikita na ganito ang suot.

I just wore a long wide-leg pants na kulay black at pinarisan ko ng white na crop top. Simple lang dahil sabi ni Andy hindi naman kailangan naka-formal attire. Hindi lang ako mahilig magdress dahil hindi ako sanay at ayokong nababastos ako sa suot ko.

Hindi ako nagdala ng bag dahil hindi na kailangan. May bulsa naman ang suot kong pants at malalim din. Kasya ang maliit na wallet ko at pati ang cellphone ko.

"Tara na. Baka abutan pa tayo ng hating-gabi nito." Paghikayat ko sa kanya.

Nag-okay si Andy.

"Sure ka na hindi ka magdadala ng purse? Baka mahulog ang phone mo."

Umiling ako. "No need. Okay naman ang bulsa ko. Uupo lang naman ako diba?" Sabi ko na may kasama pang sarkasmo.

Siya naman ang nagkonsenti sa akin na pumunta sa party na yun. Inikutan niya lang ako ng mata.

Sinundo niya ako sa Casagrande, Friday ng gabi. Binisita ko muna sina Mama. Nandito lang naman ako sa El Paso kaya bakit hindi nalang sila bisitahin? Natuwa pa nga si Mama nang bumisita ako at sakto pa dahil nanganak na ang asawa ni Kuya. Swerte ko dahil kakauwi lang nila galing sa hospital kaya nakita ko ang pamangkin ko.

Pagdating namin ni Andy sa birthday party ni Roah ay malakas na tugtog ang narinig namin kahit nasa kalsada palang kami ay umaabot na ang malakas na tugtog.

Tiyak na marami na ang mga tao dahil rinig ko rin ang sigawan ng mga tao sa loob. Kahit pumikit ako ay tiyak na maririnig ko pa rin ang sigawan nila.

"Let's go~ can't wait talaga!" Ako naman ang napaikot ng mata dahil sa malanding kaibigan ko.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Iniwan na namin ang kotse niya sa parking place at nagtungo sa guard house. Binigay ni Andy ang invitation card sa guard saka kami nakapasok na dalawa.

Mayaman ang pamilya ni Roah. Itong si Roah ay happy-go-lucky na babae. Ako pa yung nanghihinayang sa kanya dahil napupunta minsan sa wala ang pera na ginagastos niya. Kung ako yung pinanganak na mayaman ay hindi ko igagastos sa wala ang pera na hindi naman pinaghirapan ko. It's her parent's. The money, cars, everythingything. Galing sa parents niya yun.

Naging kaibigan ko si Roah dahil kay Andy. Malandi kasi si Andy kaya nagkaayon ang dalawa. Mabuti nalang at hindi ako pinanganak na malandi. Si Andy lang naman ang makapal ang mukha na lumapit sa akin noong college. Nakipag-kaibigan lang siya sa akin. Kaya hito kami ngayon.

Hinanap muna namin si Roah para batiin.

"Hi! Happy birthday babe! Fresh ka pa rin kahit 23 ka na!" Bungad ni Andy sa kanya nang makita namin siya.

Natawa si Roah. Oops mukhang tipsy na ang isang 'to ah. Ang aga naman.

"Happy birthday Ro!" Bumeso ako sa kanya at binigay ang regalo namin sa kanya.

Malugod naman niyang tinanggap ito. "Mabuti at nakumbensi ka ng bruha na'to na sumama dito!" Malakas niyang sabi dahil hindi kami magkakarinigan kung parang hangin lang kami mag-usap.

"Pinilit ko lang yan!" Malakas ding sagot ni Andy.

Nakitawa nalang ako kahit gustong-gusto ko ng umuwi sa Casagrande at matulog. Ayokong masayang ang araw ko dito pero letse talaga si Andy eh. Nagpromise naman siya sa akin na hindi na daw mauulit itong pagyaya niya sa akin sa mga party.

Oo kailangan ko rin minsan magrelax. Pero para sa akin, nakakarelax naman ako sa bahay. Sa sobrang busy ko sa shop ay gusto ko nalang sa bahay mag-summer. Gusto ko sanang magbakasyon abroad pero marami pa akong kailangan gawin.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon