Naglibot kami ni Loren sa buong campus ng CU. Ang kanilang university ay ang daming offer na mga program. Pero noong nag-aaral pa ako ay hindi ko naman talaga pinangarap dito. Ayaw kasi nina Mama na malayo. At laking pasalamat ng lalaking kasama ko na hindi nga ako nag-aral dito sa Casagrande.
"Mabuti nalang at hindi ka dito nag-aral."
"At bakit."
"Dahil panigurado dadami ang manliligaw mo. Hindi makakasingit. Pero salamat nalang at nauna ako sayo ngayong hindi ka nga nag-aaral."
"Ewan ko sayo."
Umikot kami hanggang sa rooftop. Sumakay kami sa elevator. Talagang ang yaman ng school nila dahil may elevator pa. Wala silang escalator. May maluwag na hagdan. Pero mabuti pa rin yung elevator dahil mapapadali ang lakad mo.
Pagpunta namin sa rooftop ay nakaginhawa ako sa lamig ng hangin. It's 9:20 a.m pero mataas na ang araw pero ang may nasisilungan naman kami sa rooftop. Ginawana ng tambakan ng mga sirang silya ang rooftop.
Pinakita sa akin ni Loren ang buong CU. Ang lawak talaga. Yung soccer field sa gitna ng apat na building ay ang lawak.
"Isang semester nalang at aalis ka na dito sa school na'to. Ano ba ang magandang experience mo dito?" Tanong ko.
Lumingon siya sa akin. Nakaakbay ang kanyang kanang braso sa akin. Sinubukan ko na tanggalin ang braso niya pero parang bakal ang kanyang braso dahil ang tigas at mas lalo lang niya itong dinidiinan sa aking balikat.
"The best experience I won't forget is... when I first saw you."
Sumikip ang tiyan ko dahil sa mga nagkikislapan na mga kutitap. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Hindi siya nagjojoke dahil palagi siyang seryoso.
"College experience kamo. Hindi naman ako nandito sa loob ng school niyo." Pagtatama ko.
Nagtaas din siya ng kilay. "Kaya nga. You became part of my college experience. Kung walang Northern café dito sa Casagrande, walang Nona na nakatatak sa puso ko."
"Loren."
"Hmmm."
"Ang tigas ng ulo mo." Sa wakas ay matagumpay kong naikalas ang kanyang pagkakaakbay sa akin.
Lumingon ako sa mga building sa baba. Itong building na'to ang pinakamataas daw pero ito lang yung may rooftop. Linagyan lang ng mga silya para hindi gawing tambayan ng mga estudyante.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Loren na lumalapit sa akin. Yumakap siya sa akin sa likod. Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ang pisngi. Light na kiss lang. Pero para na akong uod na binudburan ng asin dahil sa kiliti. Nag-init ang mukha ko. Hinahalikan naman niya ako sa pisngi kapag naglalambing lang siya sa akin. Ewan ko kung anong inarte niya ngayon. Hindi ako sanay na ganito siya.
"When I saw you taking good care of your Café. Do'n ako namangha sayo. Never pa akong nakakita ng babaeng masyadong masipag. Maganda ka pa naman, ang lambot ng kamay pero ang sipag." He whispered in my ears. Napayuko ng kunti dahil sa kiliti na binibigay ng kanyang mainit na hininga.
"Loren." I almost moaned when he nipped my earlobe.
Wala akong suot na earrings dahil hindi ko naman kailangan yun kapag nasa trabaho ako o nasa apartment lang. Nagsusuot lang ako kapag may okasyon.
"Northen." He whispered again. Ang higpit ng kapit niya sa akin. Ang diin pa at ramdam ko ang mainit niyang katawan na matigas.
"B-Bakit?" Kinagat ko ang dila ko dahil sa pag-utal ko.
"Can I kiss you?" Hingi niya ng permiso.
Kumunot ang noo ko. Namamangha ko siyang nilingon pero hindi pa ako nakakaharap sa kanya ay mabilis na niya akong hinalikan. Noong una ay magaan lang ang halik niya sa akin. Labi sa labi talaga. Pero habang tumatagal ay lalong lumalalim ang halik niya sa akin. Hindi ako makahabol sa kanya dahil sa bilis ng kanyang halik.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...