Chapter 33

169 6 0
                                    

Sa lahat ng ayoko ay ang mag-alaga ng lasing. Si Mama pa ang nagbabantay kay Papa kapag nalalango. Naghanap lang talaga si Papa ng rason kung bakit gusto niyang umuwi sa bahay. Ayaw niya na maging pabigat sa akin kapag nalalasing siya. E pumayag naman ako kanina dahil nandito si Mama at si Jade na ang bahala sa kapatid ko.

Ang bigat ni Loren sa totoo lang. Nahirapan ako na dalhin siya sa sala at ihiga siya sa sofa. Ano kaya ang nasa isip niya at bakit pa siya pumunta dito sa apartment na lasing?

Bukas talaga ng umaga ay pagsasabihan ko siya. Ayokong mag-alaga ng lasing nababahuan ako sa amoy ng alak. Kaya ako mahilig uminom e dahil ayaw ko sa amoy ng alak. Isang beses lang akong tatagay at yun lang. Uupo nalang ako at maghahanap ng alibi para lang makaalis at makauwi.

Inayos ko ang paa niya para hindi siya mahulog sa carpet. Pero okay naman kung mahulog siya dahil carpet naman ang sasalo sa kanya. Yung mga pusa namin ay nasa kwarto na at natutulog. Kung makita nila itong si Loren ay baka hindi na ito makatayo pa dahil sigurado ako na guguluhin siya ng mga yun.

Kumuha ako ng towel na basa at pinunasan ko siya sa mukha, sa leeg, sa dalawang braso. Ganito kasi ang ginagawa ni Mama kapag lasing si Papa. Hindi naman lasinggero si Papa. Makakapagtapos ba kami sa pag-aaral kung lasinggero siya? Minsan lang yun makainom pero kapag nakakainom na ay hindi na yun makakapaglakad. Kaya si Mama na maalaga ay siya mismo ang sumusundo kay Papa kapag lasing na ito.

Ibabalik ko na ang towel sa sink nang mahawakan ni Loren ang braso ko. Sinubukan kong tanggalin ang braso niya pero hindi ko matanggal. Parang bakal ang kanyang kamay.

"Loren." Tinapik ko ang kanyang pisngi para maidilat niya ang kanyang mga mata. Pero bigo ako.

I sighed. Pinilit ko na tanggalin ang braso ko pero gumalaw siya. Akala ko ay matatanggal na yung braso ko pero hindi pala. Pinagkrus niya ang dalawang braso sa kanyang dibdib kaya naipit ang braso ko. Wala na akong pag-asa pa para bawiin ang braso ko sa lasing na lalaki.

Tinignan ko ang pinto. Buti nalang at naisara ko at hindi iniwan na bukas. Pero hindi siya naka-lock. Linagay ko nalang sa center table ang towel na ginamit ko sa kanya.

Nakatulog ako na nakaupo lang sa carpet. Imbis na makakatulog ako ng mahimbing ay hindi ako nakatulog. Nagising ako dahil masakit na ang braso ko at ang leeg ko. Nakadantay ang ulo ko sa kanyang tiyan. I stretched my body. Pinilit kong kunin ang braso ko dahil nangangalay na ako. Hindi ko na kaya at masakit na rin sa pwet sa kakaupo sa carpet.

Nakahinga ako ng maluwag nang matanggal ko ang braso ko. Mabuti nalang talaga. Ininat ko ang braso ko. Tumayo din ako nag-inat ng buong katawan. Napatigil ulit ako nang gumalaw si Loren. Nag-alala ako na baka magising siya pero hindi na. Kinuha ko ang towel sa center table pero bago ko pa ito madala sa kusina ay nilock ko muna ang pinto.

Nakatulog na ulit ako pagkatapos kong maisara ang ilaw sa sala at sa kusina. Pagkagising ko ay umaga na. Pasado 6 na ng umaga. Naalala ko agad ang lasing na nasa sala ko. Para diretso na sa paglabas ay kumuha na ako ng damit sa closet para makaligo ako. Sisilipin ko rin yung lasing kagabi.

Pagsilip ko sa kanya ay tulog pa rin. Pinalabas ko ang limang pusa namin. Napahinto ulit ako nang may marealize. Pusa namin. That means inaangkin ko na rin ang mga pusa niya. Umiling-iling ako at nagkibit balikat.

Gumaan ang pakiramdam ko nang makaligo ako. Nawala yung bigat ng pakiramdam at yung init. Diretso kong linabhan ang mga marurumi kong damit para hindi ako matambakan ng labahan.

Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko si Loren na hinihilot yung nape niya. Ayan, maglasing pa kasi. Napatigil siya ng makita ako. Siguro ay magbabanyo din siya.

"Hey." Bati niya sa akin nang makasalubong ko. Nakakunot lang ang noo ko.

"Hey? Mabuti at nakauwi ka ng buo." I said in a nagging tone.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon