Ang bugso ng musika at hiyawan ng mga tao ay nakakarindi sa tenga. Minsan ay napapatakip ako sa tenga ko. Hindi ako sanay na pumunta sa club o kahit anong party dahil ayoko yung masyadong maingay. Mga lasing na yung mga kaklase ni Loren. 30 minutes palang kami dito sa bar pero parang isang oras na kami.
Tumigilid ako ng tingin kay Loren dahil naramdaman ko yung init ng tela ng kanyang jacket sa aking balikat. Linagay niya pala yung white Adidas jacket niya sa akin. Tumungga ulit siya ng maiinom, hindi ko alam kung tequila ba yun o ano. Hindi ko naman alam yung mga tawag sa iba't-ibang alak dito sa bar. Beer, tequila, at wine lang ang alam ko.
Dumaing ako kasabay ang pagbuhos ng iniinom kong juice sa jeans ko. Napamura ako sa aking isipan at tumingin sa dalawang hito na pumaaligid na kay Loren. Hello? Ako kaya ang girlfriend.
"Oops, sorry Miss. Hindi lang namin napansin na may katabi pala si Loren." Tinakpan ng babae ang kanyang bibig at tumawa ng nanunuya.
Hinarang ni Loren ang kanyang braso sa dalawang babae para hindi makalapit sa amin. Mga lasing na e. Hindi na maayos yung mga isip nila.
"Excuse me, nakaharang kayo." Sabi ni Loren sa mga babae. Inusog ni Loren ang kanyang highchair na inuupuan. Wala siyang panyo na dala kaya yung hem ng t-shirt niya ang ginamit para matuyo ang aking jeans.
Naiirita kong pinunasan ang jeans ko. Halata pa naman na nabuhusan dahil light color lang ang maong na ito. Medyo malaki din ang nasakop ng basa sa jeans ko.
"Do you want to go to the washroom?" Tanong niya pa rin habang abala pa kami sa pagpupunas ng jeans ko.
Umiling ako kasabay ng pag-usbong ng inis sa aking mukha.
"Okay. Don't worry uuwi din naman tayo after nito." Hindi nagawang ibulong yun ni Loren dahil sa lakas ng musika sa paligid kaya nangalaiti ako nang marinig yun ng mga babae.
Mariin akong napapikit. Bakit ba nagkaroon ng ganitong mga kaklase si Loren? Hindi ba nila nakikita na nandito yung girlfriend? Gustong-gusto ko silang ipako sa krus dahil sa init ng ulo ko.
"Uuwi agad kayo? Loren can you stay a little longer please? Para namang hindi tayo magsakama noong highschool." Sabi nung bagong babae na kararating palang. Ewan ko ba at bakit si Loren palagi yung linalapitan nila. Kita naman nila na ang higpit ng hawak ng hem ng damit sa kamay nito na nasa ibabaw ng hita ko.
Nagsumbong yung tinatawag na Mina kay Luigi kaya lumapit si Luigi sa aming dalawa ni Loren. Inakbayan si Loren. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpisil nito sa balikat ni Loren.
"Bro naman. Kararating ko lang tapos uuwi ka agad? Di ba pwedeng mag-stay ka muna just a few hours para magkwentuhan ulit tayo?" Hindi ko napigilan ang pag-ngiwi.
Bumuntong-hininga si Loren at tinapunan ng tingin ang apat na tao na nasa gilid niya. Actually, pinapalibutan siya. Naaawa na ako sa kanya dahil parang beads na yung pawis niya sa noo.
"Sorry Luigi but we're not taking longer. May aasikasuhin pa kami bukas ng girlfriend ko." Sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa akin.
Sabay-sabay na nagsinghapan ang mga taong nakapaligid sa kanya.
"Ah... really? But..." Si Luigi.
"Yes. Hanggang nine lang kami dito then uuwi na kami. Let's just grab some time next time. Napilitan lang talaga akong pumunta dito." Sabi niya na pa. Huminga ulit siya ng malalim at pinunasan ang jeans ko. Apat na pares ng mga mata ang nakasaksi sa ginawa ni Loren.
Hindi na nakagawa pa ng rason ang mga kaklase niya na para lang mag-stay pa si Loren sa bar. He explained compatibly to his acquaintances na hindi siya magtatagal. After a long 20 minutes ay sinamahan niya ako sa banyo. Sa labas lang siya naghintay at pumasok na ako.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...