"Babalik ka na ba sa school?" Inayos ko ang bag na dala niya. Ang arte din kasi ng tao na ito. Para siyang elementary student kung makaalaga ako sa kanya.
Chineck ko ang kanyang mga ballpen sa isang inlay kits. Mabuti nalang at may pouch ako para sa pen dahil parang basura na yung bag niya. Ang daming scratch papers at mga notebook. Ang laki ng bag niya at ang dami din ng kanyang mga nilagay?
"Ano ba itong jersey mo?" Tinaas ko ang jersey shirt ng CU. Kulay blue ang kanilang uniform. May headband din siya. Di man mahaba yung buhok niya kaya bakit may headband siya?
"Hey give me that! Madumi na 'to." Bigla niyang inagaw sa akin ang jersey niya.
Kinunotan ko lang siya ng noo at nagpatuloy na ako sa paghahalukay sa mga gamit niya. Talagang kinuha ko yung mga laman at linagay lahat sa center table.
"Wala ka bang locker sa school mo? Dapat doon mo muna ito linalagay lalo na yung jersey mo." Reklamo ko sa kanya. Sino ang hindi magrereklamo sa ganitong kadami na mga basura. Malinis man siyang tao at pati yung apartment niya ay madumi naman ang kanyang bag.
Yung bag ang ginawa niyang trash can.
"Mayroon but nakakatamad magtapon ng basura sa school." Sabi niya habang nakapikit yung mata niya.
Pinalo ko siya sa kanyang hita dahil hindi siya tumutulong sa akin. Ako nalang ba ang mag-aayos nito?
"Tulungan mo ako dito. Hindi ako nagpapaligaw para lang sumunod sa mga gusto mo. Ito, itapon mo nga ito kung hindi na nagagamit." Inisa-isa niyang damputin ang mga basura sa sahig at sa center table.
Mabuti nalang talaga at tapos na kaming kumain. Kundi ay baka na kaming mga pulubi nito dahil ang daming mga basura. Itong si Loren talaga nakakainis. Asal kabayo kung tinamtamaan ng katamaran.
He stood up at kinuha ang trash can na katabi lang sa lamesa ko. Tinapon dun yung mga scratch papers. Yung jersey niya ay linagay ko lang muna sa extra bag ko para madali mamaya at malabhan niya.
Pagkatapos naming magligpit ay naupo ulit siya sa sofa. Dinantay niya ang kanyang kanang braso sa kanyang noo at pumikit. Nakatulog siya pero 40 minutes lang dahil ginising ko siya. Baka kasi hindi ko siya magising agad. Binigay ko na yung bag niya na malinis na yung nasa loob at naka-organize na ang mga gamit niya.
"Pumasok ka na sa school para hindi ka ma-late. Okay na rin itong bag mo at wala ng mga kalat diyan. May pouch din diyan at linagay ko ang lahat yung mga lapis at ballpen mo. Ikaw kasi, ginawa mo pang trash can ang bag mo."
Sinukbit niya ang bag niya. "Thank you Nona. Nakakatamad naman talaga na lumabas pa ng classroom para lang magtapon ng basura." Sagot niya sa akin.
Napailing lang ako.
"Gotta go." He said.
Inabot ng labi niya ang aking noo. Sinuklay niya ang aking buhok at umalis din siya. Umupo muna ako sa sofa para pakalmahin ang puso ko. Lumutang ang mga kutitap sa aking tiyan. Loren is the sweetest and caring human being. Mukha lang siyang masama pero alam ko talaga ang tunay niyang ugali. Isang taon ko na siyang kilala at sa loob ng isang taon ay pareho na naming kilala ang isa't-isa.
Bumalik na ako sa trabaho na nauntad kanina. Dahil kunti nalang yun ay natapos na din agad ako. Agad kong linagay sa laptop bag yung laptop. Pinatay ko ang AC at lumabas din ako. Pumunta ako sa counter dahil ang daming pila. Tinulungan ko muna sina Millie at Tali.
"Ayos na po itong mga na-deliver Ma'am. May bagong order si Mrs. Tiu para daw sa birthday ng asawa niya." Saad ni Sonha. Naglista ako ng mga inorder ni Mrs. Tiu.
Itong coffee shop ko ay tumatanggap talaga ako ng order dahil dagdag income na rin yun. Simula noong nagtayo ako ng coffee shop ay para na rin akong may bake shop. Puro cake nalang at coffee ang sineserve namin at yung mga cupcakes ay talagang pinapan-order.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...