Tinanggalan ko ng balat ang mandarin na kabibili ko lang kanina sa palengke. Bagong dating lang ito dito sa Casagrande kaya bumili ako agad. Nagka-lagnat ako kagabi dahil sa pagod at puyat yata. Ilang araw na kaming busy sa shop. Despera pa ngayon ng fiesta sa Casagrande.
Pag-July 16 ay fiesta sa Casagrande. Nitong May at June ay dagsa-dagsa ang mga fiesta sa mga barangay kaya dalawang buwan din kaming pagod pero ang swerte namin dahil malaki din ang naging kita namin sa mga nagdaang buwan.
"Makiki-fiesta nalang ako dito sa shop mo Nona. Wala naman kaming handa." Inirapan ko si Mika.
"Bakit kayo hindi maghahanda ha? Taga-rito na kayo."
"Oy taga-rito ka na rin. Binili mo na kaya yung apartment mo. Hindi ba dadalaw ang fam mo?" Dumaan siya dito sa coffee shop para bumili ng pineapple pie. Naglilihi daw siya.
Buntis nga ang babae dahil kita ko yung tiyan na medyo bundat. Akala ko nga tumaba lang siya pero buntis nga. Nagpakasal sila ni Will nitong Mayo. Hindi ako nakadalo dahil nagkasakit pa ako nun. Pero pinadala ko lang ang regalo ko sa kanila. Masilan daw ang pinagbubuntis niya.
Tumakas lang siya kay Will dahil naisip niya agad ang pineapple pie. Mahirap na hindi niya makain ang naiisip niya dahil baka labasan siya. Dito pa naman sa probinsya ay ganun kalakas ang mga pamahiin. Pero kahit mga professional o mga may pera ay naniniwala pa rin sa mga pamahiin. Ang sweet lang.
"Pagagalitan ka ni Will niyan. Ipapahatid nalang kita kay Caesar o di kaya ako nalang ang maghahatid sayo."
"Naku wag na. Baka marami ang ginagawa mo." Umiling siya at kinampay ang kamay niya para hindi na ako mangulit pa.
"Sige itext mo nalang ang asawa mo. Baka masiraan yun ng bait sa kakaisip sayo." Asar ko sa kanya. Namula naman si Mika.
Pinakita niya pa sa akin yung text message niya kay Will. Mamaya niyan ay nandito na yun. I salute Will for being thoughtful about his wife. Hindi daw uuwi yun na walang dalang prutas galing sa school. Mahaba yung maternity leave ni Mika dahil sa ipinagbubuntis niya. Kahit summer ay pumupunta pa si Will sa school dahil may nagsa-summer class.
Naubos ni Mika ang dalawang box ng pineapple pie. Ako yung nahihirapan sa kanya habang kumakain. Hindi kaya sumakit ang tiyan niya na dun? Pagdating ni Will ay nagsumbong agad ako sa kanya na inubos ni Mika yung isang box. Nagtiim lang ng bagang yung kaibigan kong patay na patay na sa asawa. Under e. Saka hindi pwede sa buntis yung pinapagalitan lalo na't masilan yung dinadala.
"Love ibili mo ako ng ube jam dahil may muffins dito si Nona. Bumili ako para bukas." Utos ni Mika kay Will.
Ang kawawang Will ay walang nagawa kundi ang lumabas at naghanap ng ube jam.
"Libre ko na yung muffins sayo."
"Talaga? Naku thank you ha. Don't worry bukas ay sasabihin ko kay Will na ilibre ka sa Labrador. Ang daming fresh na mga gulay doon." Umayos siya ng upo at kinuwento sa akin ang farm na yun.
Pagmamay-ari din yun ng isang ranchero dito sa Casagrande. Yung si Santander Labrador. May pamilihan din sila ng mga gulay. Kung hindi tatamarin ang gustong bumili ng gulay sa kanila ay makakabili. Pero kung ayaw at nalalayuan ay sa palengke nalang. But open lang yun tuwing Wednesday, Friday at Sunday.
"Ipabili mo nalang ako ng ampalaya doon at yung white na onions."
"Bakit ampalaya? Bitter ka ba?" Asar sa akin ng buntis.
"Low blood ako ngayon dahil sa stress at sobrang pagod. Kailangan kong magpataas ng dugo."
Pinagmasdan ako ni Mika. "Oo nga. Halata yung pagod mo sa mga mara mo at medyo pumayat ka ngayon. Bawas-bawasan mo na kasi yung pagtratrabaho mo ng matagal. Marami naman ang employee mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/262428563-288-k485795.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...