Chapter 49

286 8 1
                                    

Naglabas ako ng ilang garapon mula sa cabinet. Ang ginawa ko ay gumawa ako ng ube jam kanina after breakfast. Ang laking oras ang nasayang kaninang breakfast dahil panay ang daldal ni Loren. Hindi talaga siya madaldal na tao, siguro ay nakalanghap siya ng usok sa Manila.

Napadaing ako dahil sa pagod. Pinunasan ko ang pawis ko sa leeg. Napaatras ako nang makalapit si Loren sa lamesa. Tumabi ako para makadaan siya. Papunta yan sa CR.

"Daan na." Naiinip kong utos sa kanya. Hindi ako makakakilos nito kung nandyan siya sa harap ko at nanunutok.

Kumunot ang noo ko dahil umiling lang siya. "Hindi ako magbabanyo. Panunuurin lang kita."

"Tumabi ka diyan dahil ilalagay ko sa ref itong mga jam."

Umayos siya ng tayo pero inagaw na niya sa akin ang dalawang jar.

"Ako na. Paglagay lang naman nito."

Iniwan ko siya sa kusina dahil nag-volunteer naman siya. Malinis na yung kusina nung iwanan ko. Wala akong ibang gagawin kaya papasok nalang ako sa kwarto at do'n nalang ako magpapalipas ng ilang oras. Hindi pa naman tanghalian e. 10:23 palang ng umaga. Papasok na ako sa kwarto ko nang may maramdaman akong mainit na katawan na bumalot sa likod ko. Nakayakap si Loren sa akin sa likod.

"Galit ka pa rin ba sa akin? Sorry if hindi ako nakauwi kagabi. Yung cologne naman ay galing sa Mommy ko. She hugged me pero saglit lang yun." Pagpapaliwanag niya. Hindi naman ako mukhang nagseselos diba?

"Hindi ako nagseselos kung yan ang pinupunto mo." Agad kong sabi sa kanya.

"Aren't you?"

"Hindi nga."

"Okay hindi na. But again, I'm sorry. Sorry dahil late akong nakauwi." Nalusaw yung pagka-irita ko.

Humarap ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya na sincere siya sa nangyari kagabi. Sana ay hindi na maulit yun.

"Huwag mo ng uulitin yun. Kung gusto mong umuwi ng late ay sabihin mo sa akin para walang problema." Sabi ko sa kanya. Sana ay sumunod siya sa sinabi ko.

Mabilis siyang tumango. "Okay, hindi lang naman ako nakapagtext sayo dahil lowbat nga ang phone ko. Next time ichacharge ko siya before akong makaalis kung sakali lang na maulit pa yun."

"Okay." Binasa ko ang ibabang labi ko. Nagkaintindihan na kami. Sana ay hindi na talaga maulit pa yun. Nagpaalam muna ako sa kanya na magpapalipas lang ako ng oras sa loob ko. Hindi ko nilock ang kwarto ko para kapag may kailangan siya ay makakapasok siya agad.

Nagpaalam din sa akin si Loren na aakyat muna siya sa kwarto niya para maglinis. Halos tatlong buwan siyang nawala kaya natatambakan na yun ng dumi. Pinalsak ko ang earpads ko sa aking tenga at nanuod lang muna ng Chinese drama sa iQIYI.

Ang ganda ng drama na napanuod ko. Nakakakilig at nakakainis ang kontrabida. Panay ang ngiwi ko sa kontrabida nung palabas. Kung pwede lang na pumasok sa phone ko ay sasabunutin ko yung kontrabida. Nakakainis siya grabe.

"Hindi ka ba papasok ngayon?"

"Papasok ako. Lunes e." Anas ko.

Nagtatanong sa akin si Loren kung papasok ba ako sa trabaho. Syempre dahil marami na namang dapat gawin sa shop.

"Hatid na kita." Ang sabi niya sa akin. Sumunod na ako sa paglabas sa apartment.

Malaya na kaming nakakalabas ng ganito dahil marami naman ang may alam sa relasyon naming dalawa. Pati yung mga kaibigan ko na nandito sa green house ay alam na nila. Ilang beses nila kaming kinulit kung bakit daw hindi namin sinabi agad ni Loren na kami na. Of course hindi naman namin sila nakikita araw-araw kahit nasa iisang building lang kami. Pareho kasing mga busy sa trabaho at kapag weekend ay busy din sa loob ng apartment.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon