Chapter 51

170 5 0
                                    

Natulog ako ng maaga para magising din ng maaga. We woke up at 4 in the morning. Four days lang kami do'n sa El Paso. Syempre sa bahay ako ng parents ko tutuloy at siya naman sa rest house ng Mommy niya para daw makapag-usap sila sa plano na gagawin niya sa business niya.

Morning air of Saturday wilted my spirit because of Casagrande's breath- taking beauty. Sino ba naman ang hindi manghihina sa ganda ng berdeng bundok. Buti nalang at bawal ang mining sa Casagrande at bawal din ang deforestation. Mabuti nalang at may foresters at biologist ang nag-aalaga sa Mt. Mandiwin. It's originally called A man upon the wind ng isang Amerikanong bumisita dito noong panahon ng mga Amerikano. Ewan ko lang sa mga Casagrandians kung bakit Mandiwin ang tawag nila, siguro hindi nila masyadong naintindihan yung English kaya ganun nalang.

"Pwede ko bang ibaba yung bintana?" I asked Loren.

Tumango siya. I smiled.

I closed my eyes as I felt the luminous rays of sunshine. Naghahalo ang lamig ng hangin at yung warm ng araw. Nakikiliti ako sa hangin kaya inipit ko ang aking buhok sa likod ng aking tenga. Ang ganda talaga ng araw na ito.

Gamit ni Loren ang kanyang Jeep Wrangler na parang Bumblebee dahil sa kulay na black at yellow. Perfect yung jeep dito sa Casagrande dahil province naman ito at maraming lubak-lubak na daan. May mga daan pa na hindi pa nasesementuan.

Pagdating namin sa El Paso ay nagpahatid ako kay Loren sa bahay namin. Alam yun nina Mama na uuwi ako, sure ako na hinihintay na nila kami.

"Sa bahay ka nalang mag-agahan. Nakapagluto na siguro si Mama." Sabi ko sa kanya. Pagdating namin sa harap ng gate ng bahay namin ay saktong paglabas din ni Mama ng bahay.

Bumaba kami ni Loren. Kinuha ko yung bag ko at kinuha din ni Loren ang duffel bag niya.

"Oh North, akala ko ay mamayang alas otso pa kayo dadating." Sabi ni Mama.

"Napaaga lang Ma dahil mainit na mamaya." Sagot ko.

Pinagbuksan kami ni Mama ng gate. Tinanong ko kung nasaan si Papa. Ang sabi ni Mama ay nasa kamalig daw si Papa ni Senyor Leviste dahil tutulong daw si Papa na magpaanak ng alagang kabayo. Palaging si Papa ang kinukuha ni Senyor Leviste dahil na rin dating naninilbihan ang pamilya ni Papa sa mga Montironi.

"Where's your Dad?" Loren whispered. Nasa sala kaming dalawa dahil hindi pa tapos sa pagluluto si Mama mas maaga pa kasi para mag-breakfast.

"Nasa Casagrande si Papa. Sa barn ng mga Montironi. Di ko alam kung kilala mo sila pero sikat yung pamilya na yun."

Napatigil si Loren tapos ay nagtanong ulit siya sa akin. "Are they the owner of Constancia?"

Kumunot ang noo ko. "Sa'n yun?"

"Casagrande."

"Akala ko ba maliit lang ang Casagrande?" May map kaya yung mga barangay sa Casagrande kaya sure ako na hindi malawak yung lupain na yun.

"Oh dear, Casagrande's full of secrets. We never know that because we don't care about it at all."

Baka ganun nga. Hindi ko pa naman kabisado yung Casagrande. Malay ko ba kung malawak ba yun. Tinawag kami ni Mama na kakain na daw. Nagreklamo ako dahil ang daming ulam na niluto ni Mama. May sausages, salted egg na hinalo sa kamatis, tapos yung sardines na hinaluan ng itlog- minsan corned beef yung pinanhahalo ni Mama- may talong din na prinito.

"Sige kain ka lang." Sabi ko kay Loren. Tumayo ako at kumuha ng tuyo para may sawsawan ako sa talong. Linagyan ko rin ng sili at kalamansi para mas lalong masarap.

Kumain din naman si Loren sa inihanda ni Mama. Si Mama ay sa tabi ko umupo. Ang kwento niya ay maaga daw na umalis si Papa. Sina Kuya naman ay wala sa kanilang bahay. Kaya pala ang tahimik. Kahapon pa daw umalis sa San Luis.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon