Alam ko na masyado ng madilim sa labas. Pero lumabas ako para magpahangin at para antukin na rin. Walang silbi kung sa loob ng kwarto lang ako mananatili.
Nagsuot ako ng jacket para kung sakali na magtagal ako sa labas at hindi pa ako bumalik, at least mainitan naman ng kunti at para maiwasan yung mga kagat ng lamok.
Paglabas ko ay hindi lang pala ako ang lumabas mula sa aming apartment building. May mga renter din na lumabas at nagpapahangin. Sinulyapan ko ang scooter ko.
Yung ibang renter ay nakikipag-usap sa security guard. May iba naman na nasa benches lang at nagcecellphone. Nakatayo lang ako sa gilid at patingin-tingin sa mga tao. Gusto ko sanang umupo sa labas kaya lang ay may nakaupo na rin doon sa may lamp post.
Babalik na sana ako sa apartment ko nang mapansin ko yung lalaki na nasa bench sa gilid ng lamp post. Hindi ako sure kung si Loren ba yun o hindi. Naka-hoodie kasi siya na gray. Pero yung likod niya ay parang si Loren. Kung paano siya umupo kahit nakatalikod ay nakikita ko si Loren sa kanya.
Humakbang ako palabas ng gate. Titignan ko lang kung siya nga yun. Hindi naman ako sisilip o tatabi sa tao. May hiya din naman ako. Tatayo lang ako sa may gate at titignan ko siya. Kung siya nga yon ay mas mabuti na rin kung hindi ko siya lalapitan dahil baka gusto niya lang tumambay o baka may pinuntahan lang siya malapit sa may apartment building namin.
Lumabas ako sa may gate. Kunwari'y tumitingin-tingin lang ako sa kalsada. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dahil nakayuko siya at nakasuot pa ng jacket na may hood.
Huminga ako ng malalim at hindi nalang siya tinignan pa. Umupo ako sa may lamp post, yung pinakastand niya mismo na semento. Mataas naman siya at pwedeng gawing upuan kapag wala ng choice.
Sinilid ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko na nasa harap. Ang sarap ng hangin kapag gabi. Malamig at parang fresh lang dahil hindi masyadong natatapunan ng usok na galing sa mga sasakyan.
Tinignan ko ang motel na nasa harap. Ni isang beses ay hindi pa ako nakapasok diyan. Kumunot ang noo ko at tinitigan ang mga taong pumapasok sa loob. Suminghap ako at inalis ang tingin sa motel.
Sobrang tahimik ng gabing yun na parang nakakabingi na rin. Kung hindi lang sa mga sasakyan na unti-unting dumadaan ay parang nasa horror movie na itong street namin.
Sa may plaza ay kita ko yung mga ilaw pero parang mga kutitap lang dahil malayo kasi ang plaza mula sa kinauupuan ko. Kung pupunta ako doon ay baka ano pa ang mangyari sa akin. Nauuso pa naman ngayon ang mga taong mahahaba ang sungay. Yung mga taong salbahe na walang pake sa batas. Basta yun.
Lumingon ako sa apartment ko na nasa taas. Nakabukas yung ilaw sa apartment ko. Binuksan ko yun para nalaman ng ibang tao na hindi basta-bastang mapapasukan ang apartment ko. Ewan ko lang sa utak ko kung ano ang pumasok.
Napadako ang tingin ko sa lalaki na na naka-hoodie. Nag-angat kasi siya ng tingin. Akala ko ay mapapatingin siya sa gawi ko pero hindi pala. Kinabahan ako ng kunti dun. Pero teka, parang si Loren yung lalaki. Nakatingin na rin siya sa may hotel. Side palang ng mukha niya alam na alam ko na siya yung lalaki na kasing tigas ng bato ang ulo.
May hinihintay ba siya sa may motel? Girlfriend kaya? Napataas ako ng kilay sa lumabas sa aking utak. Ano naman ang pake ko kung may girlfriend siya? Bagay lang yun sa kanya dahil magandang lalaki si Loren. May black card at matangkad. Syempre kapag may black card automatic na galing siya sa mayaman na angkan.
Saan kaya ang bahay nito ni Loren at ma-stalk ko nga para hindi ako isip ng isip dito sa kinauupuan ko. Nakakastress talaga. Hindi ko mahulaan ang iniisip niya. Magaling akong manghula ng isip ng tao. Hindi dahil sa magic. Walang magic. Hindi totoo yun. Nababasa o nahuhulaan ko yun dahil sa expression nila. Ang transparent kaya ng mga tao. Well...karamihan sa kanila mga transparent pero may iba na hindi.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...