Chapter 41

160 6 0
                                    

Pinalibot ko ang buong tingin ko. This is my first time na pumasok sa CU. Walang pasok kaya walang tao. Binigyan lang ako ng guard ng visitor's ID para makapasok ako at si Loren naman ay ang ginamit ay ang school ID niya. Mabuti nalang at pinapasok agad kami ng guard. Mabait naman siya at saka matanda na. Siguro ay nasa 50's na ang edad.

Paglapat ko sa sahig ng basketball court nila ay napamangha ako sa lawak. Mas malawak pa sa court ng ibang prestigious universities sa Manila.

Ang ganda pa at ang linis. Para na akong nakapasok ng Arena. Dito din daw naglalaro ang mga volleyball players.

"Wow, ang ganda ha."

Binaba ni Loren ang kanyang duffle bag sa benches at kinuha ang bola. Nasa gitna ako ng court. Para akong reyna ng mga benches. Patakbo si Loren papunta sa gitna habang binabounce ang bola. Parang ang gaan ng bola sa kamay niya. Natry ko ng ibounce ang bola pero dalawang kamay ko ang gamit, compare sa kanya na isang kamay lang ang hawak.

Namangha ako ng ishoot niya ang bola sa ring. I clapped my hands. Hinabol ni Loren ang kanyang bola. Sunday ngayon at kami lang ang tao bukod sa guard syempre. Tumakbo ulit si Loren papunta na sa kabilang ring at shinoot kaagad ang bola.

"Nice. Pwede ka ng lumaban." Sabi ko sa kanya. Hinabol ko siya ng tingin na abala pa sa pagshoshoot.

"I'll miss this." Sagot niya. Napawi ang ngiti ko. Alam kong malungkot siya dahil fourth year na siya.

Kapag matapos yung play off nila ay hindi na siya makakasali dahil focus na siya sa pag-aaral. Hindi naman niya pwedeng ipagsabay ang paglalaro at pag-aaral. Priority niya pa rin ang pag-aaral dahil may plano pa siya sa buhay.

Umupo ako sa benches at tinignan siya. Tinabi ko ang tote bag ko. May laman yun na pagkain namin at towel. Hanggang 11 lang kami dito sa CU. Hindi kami pwedeng magtagal dito dahil magagalit na sa amin ang guard at pinangakuan pa ni Loren na by 11 ay lalabas na kami. 7:00 kaming pumunta dito. Nag-scooter lang kami papunta dito. Ewan ko ba at kung bakit hindi namin ginagamit ni Loren ang kanyang Jeep Wrangler. Dinala niya pa sa green house. Nakita ko tuloy yun. May dalawang sasakyan pa siya sa bahay nila pero hindi ko pa nakikita. Iba din ang kayamanan nitong boyfriend ko.

Kinuha ko ang gatorade nang lumapit siya sa akin. Kumuha din ako ng towel para punasan ang pawis niya. Syempre hindi ako sweet na girlfriend kaya bakit ko siya pupunasan.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko. He nodded at agad akong kumuha ng sandwich sa tote bag ko.

"Thank you." Sabi niya nang tanggapin niya ito.

Tumanggi ako ng alokin niya ako ng sandwich. Hindi pa naman ako nagugutom. Siya dapat ang kumain damil kanina pa siya nagpa-practice.

"Gusto mo pa ba?" Tanong ko habang kumuha pa ng isang lunch box na may sandwich na laman.

Binigyan ko pa siya ng isa para ganahan siya sa pagpractice. Nanghingi siya sa akin ng bottled water. Binigyan ko naman. Mabuti nga at para hindi ako mahirapan na magdala. Kanina ay mabigat dahil ang daming laman. May chocolate bar din kaming dala. Para sa akin lang sana yun pero siya ang bumili kaya kasama siya.

"You want to try to play?" Ngumisi siya sa akin ng alokin niya ako na maglaro. Mabilis akong tumanggi. Don't want to take a risk again. Baka mabali ang kamay ko sa paghawak lang sa bola.

Napalabi siya. Ginagamitan niya naman ako ng paawa niya.

"Ikaw nalang. Hindi naman ako kasali kaya hindi ako susubok."

"For me lang? I teach you."

"Asa ka."

Inangat ang kanyang sulok ng kanyang upper lip. Para siyang pusa na galit. Ang cute. Basta hindi ako maglalaro. Ayokong maglaro dahil Ayoko talaga. Tinulak ko siya para magsimula na ulit mag-practice. Pinipilit niya ako pero hindi ako nagpatinag.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon