Chapter 14

721 18 1
                                        

Pinahiran ko ang aking pawis sa noo. Abala ako sa pagluluto. Kanina kasi ay nainsulto ako sa sinabi ni Loren na pwede na daw pagtyagaan ang niluto ko para sa kanya. Excuse me lang kasi, hindi naman culinary ang kinuha ko noong college. Kapag gusto mong magluto ay matututo ka talaga. Hindi na kailangan pang pag-aralin yun.

Nasa lahi na rin namin ang magaling magluto. Naiinis lang ako sa mga babae na hindi marunong magluto. Kababaing tao, pinapairal ang katamaran. May mga mayayaman din na marunong magluto. Bakit pa kasi nauso ang katamaran sa mundo. Yan tuloy ang nangyayari sa mga tao.

Pag-alis ni Loren kaninang umaga sa apartment ko ay umalis ako at pumunta sa palengke para bumili ng ingredients para sa tteokbokki. Nagtry ako para masiguro ko na sa susunod na mang-utos na naman siya ay okay na.

Inihain ko na ang niluto at linagay ko sa pinggan. Kumuha ako ng tinidor para matikman kung ano ang lasa. Kung hindi masarap ay susubukan ko nalang sa susunod na mga araw.

Hinipan ko muna ang tteokbokki na tinusok ko gamit ang tinidor. Pagtikim ko ay napatango ako sa aking sarili. Okay naman ang lasa ah. Yung Loren na yun talaga, hindi ko siya bibigyan nito. Sa susunod ay hindi ko na kailangan pang pumunta sa Korean restaurant para lang kumain. Ako nalang ang magluluto para sa sarili ko. Anong silbi ng skills ko sa pagluluto kung hindi ko naman subukan lutuin ang ibang putahe.

Hindi gaya kahapon ay ngayong araw ay medyo maingay. Sa west wing ay may naririnig akong nagkakaraoke. Black Saturday ngayon kaya medyo okay na yung ganito kaingay kaysa sa nakakabinging katahimikan. Lalo na bukas ay Eastern Sunday. Mas masaya ang mamasyal.

Bumalik ako sa harap ng apartment ko. Palakad-lakad lang ako hanggang sa west wing. Naka-krus lang ang dalawang braso ko sa harap ng aking dibdib. Sa railings ay tinukod ko ang dalawa kong braso at tumingin sa baba. May mga tenant sa green house na pabalik-balik sa baba at taas ng apartment. Yung iba nga ay may dalang cases ng beer. Grabe. Napailing nalang ako at sinuklay ang aking buhok.

Tinagilid ko ang aking paningin. Masarap sigurong maglakad sa boulevard ngayon. Alas dos palang ng hapon at maganda ang panahon, mahangin din kaya hindi na kailangan pang magdala ng payong para sa panangga sa sikat ng araw.

Pabalik na sana ako sa loob ng apartment ko nang mahagip ng mga mata ko si Loren na patungo sa akin. Ano na naman kaya ang kailangan ng aso na ito?

Pinantaasan ko siya ng kilay at binalik sa pagkakrus sa may dibdib ang dalawa kong braso. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nakabihis siya ngayon. Nakasuot siya ng t-shirt na maluwag at itim na pants.

"Ano na naman ang kailangan mo? Wala akong pagkain ngayon kaya bumalik ka sa apartment mo." Kinunotan niya ako. At siya pa ang masama ngayon ha. Ang sama talaga ng ugali.

"Bakit ang pangit ng bungad mo sa akin kapag palagi akong lumalapit sayo?"

"Dahil ang pangit mo." Okay, that's a lie.

"Tss. Pagsisisihan mo yang sinabi mo. Baka nga sa susunod na mga araw ay maglaway ka na sa akin."

Ang conceited talaga ng aso na ito.

"Duh, sabihin mo yan sa mga aso sa kalye huwag ako." It's too late. Nahumaling na ako sa mukha niya. Sa mukha niya lang hindi sa buo niyang pagkatao. Alam ko naman na ang bantot ng ugali niya.

Hindi muna ako nagsalita agad dahil may mga dumating na mga kabataan na nasa 310 pumasok. Ang lakas kasi ng mga boses, baka hindi marinig ni Loren. Makitid pa naman ang sense of hearing ng tao na ito.

"Oh bakit ano ba ang kailangan mo? Kanina mo pa ako binubulabog. Pwedeng iba naman? Wala ka bang ibang mga kaibigan para matulungan ka sa mga immature mong gawain."

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon