"Oh?" Nakataas kong kilay na bungad sa kanya.
Nakasuot na si Loren nang kanilang uniporme. Di ko alam kung bakit required pa sa CU school ang pagsusuot ng uniform samantalang sa ibang university ay hindi na kailangan pang magsuot ng uniform.
"Aalis na ako. Hindi ka ba sasabay sa akin para mahatid kita sa coffee shop mo?" Tanong niya sa akin.
Pinapasok ko muna siya.
"Kakain pa ako. Nag-breakfast ka na ba?" Maaga pa naman para pumasok siya sa school. Hindi ba siya mabobored doon?
Nasagot lang ang tanong ko sa kanya nang tumunog ang kanyang tiyan. Bumuntong hininga ako at sinamahan siya sa loob ng kusina. Binigyan ko siya ng pinggan para makapagsimula siya sa pagkain. May nakahain na ako pero hindi pa ako nakakain kanina dahil si Lelo ang iniisip ko.
"Ba't ang ganda mo naman? Ikaw palang yung nandun. Excited ka naman masyado. Relax ka lang muna." Saad ko. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula na ring kumain. May tinimpla na akong kape na para sa kanya.
"Hindi pa ako nagugutom kanina. I don't why nung mabanggit mo kung kumain na ako ay bigla akong nagutom." He reasoned out.
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya sa akin tungkol sa pagbangon niya kanina. Nagising daw lang siya dahil kay Levi. Sa mukha niya kasi nakatulog yung alaga niya. Napangiti lang ako habang nagku-kwento siya sa akin.
Nang matapos kami sa breakfast ay kinuha niya si Lelo sa kwarto ko. Nakita na niya na natutulog ay pinakialamanan pa rin. Ayon at linaro muna bago pinakain. Hindi talaga siya nagsasawa na halikan yung mga pusa. Parang isang taon na hindi niya nakita yung pusa ko. Maging sa mga alaga niya ay gigil na gigil siya. Ang tigas niyang tao pero malambot siya sa mga pusa.
Nang mag 6:30 ay umalis na rin kami ni Loren sa apartment. Okay naman ang lahat ng umalis kami. Binunot ko yung mga electric cord. Yung ref ko ay wala naman akong isda o karne, o di kaya ibang pagkain na pwedeng mapanis, ay binunot ko lang para hindi malaki yung babayarin ko sa bills. Last month lang naman ng 1k pero malaki na yun para sa akin. Dati ay nakakapagbayad lang ako ng 700 or 800 pesos para sa kuryente. Iba lang yung tubig. Hindi naman mahal yung nagagastos ko sa pagbayad sa kuryente.
Pagdating ko sa coffee shop ay tatlong tao palang ang nandun sa loob. May tatlong customers doon na nakabuena-mano.
"Aalis ka na ba? Hindi ka ba magmemeryenda mun" Nakababa na ako sa scooter. Pinarada niya muna ito sa gilid bago tinanggal ang helmet na suot. Binigay naman niya sa akin ang helmet.
"It's too early to have a meryenda. Dito ako didiritso after exam. Half day lang kami ngayon."
"Ilang araw ba yung exam niyo?" Tanong ko.
"It's three days but our prof is not around so tomorrow nalang ulit kami mageexam." Saad niya.
Hindi lang siya nagtagal at kumaripas din ng takbo papunta na sa school. Nagsimula na rin ako sa una kong trabaho. Nakibalita ako kay Millie kung may nahanap na siyang bagong emplayado. Isa palang daw ang lumapit sa kanya. Sabi ko ay pwede na yon mag-start sa Lunes. At dahil si Sonha at Millie ang matagal na sa coffee shop ay sila nalang yung papabantayin ko sa gabi. Dadalawa lang ang mga lalali ko na empleyado at kailangan ay magdagdag din ako ng isa para may panggabi.
"Don't get mad at me. Kahapon ay bumili ka ng lunch so here's my treat for you. I also bought some for your employees. I think it's not enough dahil anim ang employee mo dito?"
Pagdating niya sa coffee shop ng mga eleven ay dumiretso na siya sa office ko na may dalang paper bag na may laman na pagkain. Hindi na ako makapagreklamo dahil nakabili na siya. Nagkamot lang ako sa batok.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...