Chapter 48

162 5 0
                                    

Malaki ang ginawa kong hakbang papunta sa kwarto ko. Hindi ko siya pinansin kahit todo tawag siya sa akin. Hindi ko siya nililingon, naiinis ako sa kanya.

Sinungaling siya. Ginawa pang alibi yung pagpunta sa bahay nila, gayung may kasama pala siyang ibang babae. Sana ay naghanap na rin ako ng ibang lalaki para quits kami. Nakatulogan ko yung sama ng loob ko. Hindi na ako pumasok sa trabaho dahil wala akong gana. Makikita ko lang si Loren sa labas. Ayokong makita siya ngayon dahil hanggang sa panaginip ko ay dala ko pa rin yung inis ko sa kanya.

Marahas akong bumuga ng hangin. Lelo meowed at me. Kinuha ko siya at dinala sa kama ko. Wala akong naririnig na ingay mula sa labas. Di ako sure kung nandun pa sa labas si Loren. Mabuti sana kung nakakapagsalita si Lelo at isumbong sa akin kung nandun pa sa labas si Loren.

Gusto ko ng makainom ng gatas. Kumukulo na rin ang tiyan ko. Alas sais na. Kung lumabas man ako ay nandun pa rin si Loren. Hindi yun aalis sure ako. Walang pasok ngayon dahil Sabado. Kinuha ko nalang ang phone ko para magpaalam kay Millie na hindi ako makakapasok. Alibi ko nalang yung masakit ang tiyan ko.

Kalahating oras pa ang tinagal ko sa kwarto bago ako nagpasyang lumabas. Tahimik at ang tanging ingay lang ang naririnig ko ay ang mga pusang naglalaro sa sala. Bumalik ulit ako sa kwarto para kumuha ng damit. Maliligo muna ako para makapag-agahan. Pahakbang na sana ako papuntang banyo ng marinig ko ang pag-click ng doorknob. Nalaglag ang panga ko dahil lumabas do'n ang isang lalaki na kinaiinisan ko ngayon. Mas lalo akong nainis dahil naka-towel lang. Kita ko yung abs niya na... pangit pero masarap.

Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa harap niya. Kung hindi lang niya tinawag ang pangalan ko ay baka naglaway na ako sa harap. At yun ang pagsisisihan ko! Dapat galit ako sa kanya dahil amoy cologne siya ng pambabae.

"Nona. Sorry dahil ginamit ko ang towel. I'll wash this later. Hindi ka pwedeng gumamit nito dahil basa na. I go get you one." Malambing niyang sabi sa akin. Para akong nilalandi ng tao na'to.

Hindi ako sumagot. Nagsuot ako ng tsinelas papuntang banyo. But before I could close the door, he slammed his hand, softly. Kumunot ang noo ko.

"Pwede ba akong magbihis sa kwarto mo? Nandun kasi ang pamalit ko." Paghingi niya ng permiso. Again, he didn't receive an answer from me.

Isasara ko na yung pinto nang pigilan niya ang pinto.

"Ano na naman!" Hindi ko na napigilan yun. Sumosobra na siya. Talagang naiinis na ako sa kanya.

Nginisian ako ni Loren. "I love you Northern Valero." Dagdag niya. Nanlaki ang mata ko.

I slammed the door close. Sumandal ako sa pinto. Naghuhurmetado ang puso ko. Para akong tumakbo ng ilang kilometro. Malakas ang tibok ng puso ko pero hindi dahil sa parang tumakbo ako, kundi dahil sa saya at kilig. Ang landi ni Loren. Ang landi talaga!

"Hindi ako aalis ngayon. Mabuti nalang at wala akong gagawin. Dito lang ako para mabantayan kita." Bungad sa akin ni Loren nang makalabas na ako sa banyo. Nagpupunas ako ng buhok ko.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya para malaman niya na naiirita ako sa presensya niya.

"Hindi ako bata para bantayan mo. Pwede kang umalis kahit kailan mo gusto."

Suminghap si Loren at sinuklay ang kanyang buhok. "Don't want to. You're still mad at me. I won't go anywhere kung galit ka sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para lang mapansin mo ako. Priority pa rin kita kahit anong mangyari."

Napairap ako sa kanya. Tinatakpan ko lang ang pagragasa ng init sa mukha ko. Dinaan ko nalang sa pagngiwi ang ngiti na anumang oras ay pwedeng sumilay sa aking labi. Umupo ako sa highchair para magsimula na akong kumain. Sa lamesa ay hinanap ko kung nasaan na yung niluto ko kagabi. Nakatakip palang yun kagabi. Hindi ko yun nilagay sa ref. Tumayo ako para buksan yung ref.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon