Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong lumalamig ang ihip ng hangin. May mga dumadaan na taxi pero palaging puno o di kaya ay hindi nagpapasakay dahil papauwi na daw sila. Ang dami pa kasing arte, swerte nga nila dahil kahit papauwi na sila ay may pahabol pa na pasahero. Ang bobo lang.
Napatingin ako sa gawi ni Loren. Tahimik pa rin siya at parang hindi nag-aalala na baka hindi siya makauwi ngayong gabi.
Tinanong ko siya kung okay lang sa kanya ang ma-late sa pag-uwi. Ang sabi lang niya ay mag-isa lang siyang naninirahan sa condo niya. Okay, wala palang may mag-aalala sa kanya.
Lumipad ang tingin ko sa mga sasakyan na dumadaan. 40 minutes na yata kaming nasa labas. Mabuti nalang at hindi malamok sa kinauupuan namin. Kung malamok talaga ay iiwan ko siya dito.
"How long have you been living here in Casagrande?" Aniya'y tanong niya nang lumagpas ang tatlong magsunod-sunod na sasakyan na dumaan sa kalsada.
"Hindi pa ako nagtatagal dito. Siguro mga sampung buwan palang. Kakagraduate ko palang kasi."
Tumagilid siya ng upo para makita ako. "How old are you? Matanda ka ba sa akin?"
"I'm 23 years old. Hindi pa gaanong katanda." Maagap na sabi ko.
Hinilig ko ang aking ulo. Ngayon ay magkaharap na talaga kami. Kitang-kita ko ang kanyang mukha dahil sa liwanag na nanggaling sa lamp post. Ngayon ko lang nakita ng maayos ang buong mukha niya. Kapag nagkakaharap kasi kami ay palagi siyang nakakunot noo o di kaya ay hindi ako nakikipag-usap sa kanya sa dami ng trabaho.
Kapag hindi pala nakakunot-noo ang mukha niya ay mas tumitingkad ang kaputian ng kanyang balat.
Ewan ko lang kung babagay sa kanya yung tan sa kanyang balat. Siguro bagay yun. Karamihan sa mga tao dito sa Casagrande ay mga tan. Naisip ko na tanungin siya about sa age niya. Si Sonha lang naman ang nagsabi sa akin na kaedad ko daw siya. Kunwari ay tatanungin ko siya, tas magkukunwari ako na hindi ko pa alam kung ilang taon na siya. Gusto ko lang na sa kanya mismo manggaling yung katotohanan tungkol sa edad niya.
"Ikaw Loren. Ilang taon ka na ba?" Pagkatapos kong magtanong sa kanya ay kunwari akong tumingin sa sasakyan na dumadaan.
"23 rin." Lihim akong napangiti nang masagot niya ang tanong ko.
"Eh bakit nahuli ka sa pag-aaral? Kung tutuusin ay dapat tapos ka na gaya ko." Gusto ko sanang dagdagan ang sasabihin ko kaya lang ay pinigilan ko ang dila ko para hindi madulas.
Suminghap siya at nagkibit ng balikat. Tinapunan niya ng tingin ang mga sasakyan na dumadaan.
"I'm just bored kaya muna ako nag-aral. Ayos din yun dahil two years ang vacation ko. Gusto ko nga na hindi mag-aral eh. Kaya lang ay pinagbantaan ako ng Tatay kong gago."
Nakakagulat ang tono ng kanyang pananalita. Parang kinasusuklaman niya ang Papa niya. May galit kaya siya sa Papa niya kaya galit ang boses niya ngayon? Hindi ko alam kung ano ang ganap sa buhay niya. Hindi ko pa talaga siya nakikilala ng lubos. Ilang Linggo palang kaming nagkakausap ng matino. Iniinclude ko na yung mga times na nag-aasaran kami. Matino na yun para sa amin.
"Galit ka ba sa Papa mo?" Marahan kong tanong. Hindi ko lang napigilan. Simpleng tanong lang yun. Hindi naman yun nakakasakit.
"Sobra. I don't what I'd do if magkaharap kami. Minsan nakakalimutan ko na Tatay ko siya."
Habang nagsasalita siya tungkol sa Papa niya ay nakita ko na kumuyom ang kanyang kamao. Maaaring pinipigilan lang niya ang sarili niya na huwag magalit ng husto sa harap ko.
Wala na akong naitanong pa sa kanya. Mahirap manghimasok sa buhay niya lalo na't may galit yata siya sa Papa niya.
Tumayo ako para makapara ng taxi. Mukhang walang balak si Loren na umuwi eh. Ako na ang magpapara ng taxi sa kanya para makauwi na siya agad.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...