Chapter 60

294 5 0
                                    

Mahigpit kong niyakap si Lelo. Hinalikan ko siya sa noo at para akong temang na kinakausap siya. Namiss ko talaga siya ng sobra. Kahit hindi na siya kuting ay mananatili pa rin siyang baby sa paningin ko. Si Loren naman ay kinakausap yung mga alaga niya. Parang apat na taon silang hindi nagkita dahil masyadong nagpapaamo ang kanyang mga pusa. Mas grabe sa akin si Loren dahil maki-pusa talaga siya. Hindi niya mabitawan ang mga alaga niya.

Iniwan namin ang mga pusa namin sa mga kaibigan namin. Hindi naman sila nagrereklamo dahil naaaliw sila sa mga pusa namin. Kami nga ni Loren ay hindi kami nagrereklamo kung minsan ay ginagawa kaming babysitter ng mga anak nila. Pinapag-practice daw kaming mag-alaga ng baby para daw alam namin kung paano mag-alaga ng baby. Kahit naman hindi ako mag-practice ay alam ko naman kung paano mag-alaga ng baby dahil may pamangkin ako.

Buong araw ay sa apartment lang kami. Naglinis na naman ako sa apartment ko dahil ang daming alikabok. Si Loren ay bumalik muna sa apartment niya para maglinis na rin. Sa four days ay alangan naman walang kalat do'n.

"Order nalang tayo please. Hindi ko kayang magluto ngayon dahil pagod na ako." Sabi ko sa kanya. Nakatihaya ako sa long couch. Namamanhid ang legs ko. Hindi ko kayang maigalaw dahil pagod ako.

"Fine. Anong gusto mo?" He swiped his phone's screen.

"Yung Italian nalang." Simple kong sabi sa kanya.

Nagtipa siya sa kanyang cellphone. Pumikit nalang ako. Maghapon akong babad sa trabaho. Bawat sulok ng apartment ko ay linisan ko. Nakakairita yung mga alikabok. Hindi ko gusto yun.

"Wanna massage your feet?" Alok niya. Tumango ako, sino ba naman ako para tanggihan siya?

Minasahe niya ang paa ko. Hindi siya nagtanong sa akin kung may masakit sa katawan ko. Hindi na rin ako nagsalita pa. Pinatong ko ang braso ko sa aking mga mata dahil nasisilaw ako sa ilaw na nasa kisame.

Pagdating ng order niya ay tinulungan niya ako para makatayo. Kunti lang ang kinain ko, hindi pa naman ako gutom at busog pa ako dahil uminom ako kanina ng maraming tubig. Hindi ko inakala na mabubusog agad ako sa tubig lang.

Pagka-Lunes ay pumasok ako sa coffee shop ko. Matindi ang pagbati sa akin ng mga empleyado ko sa akin. Ilang araw lang akong nawala e. Napailing lang ako.

"Kumusta yung pinapaasikaso ko Millie? Anong sabi ni Mrs. Castillo." Pinatawag ko si Millie sa office ko para pag-usapan namin yung schedule ng pagpapa-extend ng space sa coffee shop ko.

"Next next week na daw Madam dahil may tinatapos pa si Mrs. Castillo. Pero pinadeliver ko na po yung materyales para ready na siya sa kapag magtrabaho na siya." Sagot ni Millie.

"Good. Ang dairy products nga pala na pina-order ko. Kailan yun dadating?"

"Bukas na po Madam."

"Salamat."

Lumabas na si Millie at bumalik na ako sa ginagawa ko. When I'm done checking my calendar para sa mga pending orders ay lumabas na ako para pumunta sa labas at salubungin yung inorder kong coffee grinders at drippers. Dahil sa dami ng mga mahilig sa tea at coffee ay siguro ay kailangan ng bumili ulit ng bago para mabilis ang paggawa. Ayokong pinaghihintay ang mga customers ko.

Dapit hapon na ng dumating si Loren sa coffee shop. Kumain kami sa paborito niyang eatery malapit lang sa amusement park.

Pagsapit ng araw ng kanyang graduation ay wala akong ibang binigay sa kanya kundi ang pasasalamat ko sa kanya dahil sa walang sawang pagmamahal niya sa akin. A simple thank you is a legacy to our relationship. Basta importante na yun sa aming dalawa ni Loren. Syempre binigyan ko siya ng grand party para sa graduation niya. Sa coffee shop ko yun ginanap. My coffee shop filled with different shapes of balloons and colorful flowers. Deserve niya yun dahil sa wakas ay nakapagtapos na rin siya.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon