Nagising ako na magaan na ang pakiramdam. Hindi na masakit ang ulo ko at bumaba na rin ang lagnat ko. Mabuti nalang at hindi ako sinipon. Nakakairita kapag may sipon dahil hindi ako masyadong nakakairita at nawawala ang pang-amoy ko.
Bumangon ako mula sa aking kama. Ngayong okay na ako ay pwede ko ng ipaalam kay Loren na papasok muna ako sa shop. Bibisitahin ko lang saglit at uuwi din naman ako before lunch.
Nagbihis ako ng pambahay. Linagay ko sa laundry basket ang marumi kong damit. Sinuklay ko ang mahaba-haba kong buhok at tinalian ito para hindi magkalat. Hindi muna ako maliligo sa ngayon dahil kagagaling ko palang sa sakit.
Bigla kong naalala si Loren. Ano kaya kong nakatulog siya ng maayos kagabi? Nakatulugan ko ang pag-iisip kagabi sa kanya. Hindi ko alam kung paano ulit makatulog at maiwala ang pag-iisip ko tungkol sa kanya.
Maluwag na t-shirt ang suot ko at saka pedal short. Nasa bahay lang naman ako at kahit ako umaalis ng bahay at namimili ng kung anu-ano ay ito na talaga ang sinusuot ko.
Inipitan ko ang kurtina para lumiwanag ang kwarto ko. Pinatay ko na kasi ang lampshade sa gilid. Nadismaya ako dahil masama pa rin ang lagay ng panahon. Medyo humahangin din. Hindi ako nakapanood ng news kaya hindi ko alam kung may bagyo ba o wala. Hinanap ko ang phone ko. Pagbukas ng screen ay nakita ko na may text sa akin si Millie. Ang sabi ay hindi daw sila makakapasok dahil sa bagyo. Tinignan ko ang weather update sa phone ko. May bagyo nga.
I replied on Millie's text. Delikado nga ang lumabas dahil baka mamaya niyan ay lumakas pa lalo ang hangin sa labas. Linagay ko sa bulsa ko ang phone ko.
Pinihit ko ang seradura ng pinto para makalabas na ako. Hinayaan ko munang bukas ang bintana ng kwarto ko para makapasok ang hangin. Kapag lumakas na ang hangin ay pwede ko na itong isara.
Napatakip ako sa aking bibig para mapigilan ang bungisngis ko. Hindi ako natatawa sa posisyon ni Loren. Natatawa ako sa mga pusa na katabi niya. Lalo na sa alaga niya na si Loki. Ginawa kasing kama ang mukha niya. Yung dalawang pusa niya ay katabi lang niya pero si Lucky ay nasa tiyan niya nakahiga. Napailing ako. Kinagat ko ang aking labi para hindi ako matawa ng malakas. Yung baby ko naman ay good boy lang. Nasa tabi lang siya ni Loren.
Ang cute nilang tignan. Kinuha ko ulit ang phone ko at lihim ko silang kinunan ng larawan. May remembrance na ako sa kanila. Pero kapag asarin ako ni Loren ay may ipapang-blackmail ako sa kanya. Humanda siya sa akin kapag mangyari yun. Kahinaan pa naman niya ito.
Hinayaan ko lang muna sila na matulog sa sala. May suot pala si Loren na jacket. Hindi ko napansin yun kagabi dahil masakit ang ulo ko. Naghilamos muna ako saka nagsipilyo.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko na nag-unat si Loren ng kanyang braso.
"Suspended ba ang klase niyo ngayon?" Tanong ko.
Nagmulat siya ng mata. Nakahiga pa rin siya. Napadako ang tingin niya sa akin.
"Wala ka na bang lagnat?" Pinalihis niya ang tanong ko. Hindi manlang pinansin.
Umiling ako. "Wala na siguro. So wala nga kayong pasok ngayon?"
"Yeah." His voice was full of husk.
Sana ay ganun nalang ang boses niya kahit hindi bagong gising. Ang sarap lang pakinggan. Hindi tulad sa ordinaryo niyang boses na minsan ay inaasar ako. Ang sarap lang niyang itapon sa kanal.
"Ganun ba. O siya. Tinext ko rin si Millie na huwag nalang munang pumasok sa shop dahil may bagyo. Baka delikado sa labas." Kinapa ko ang phone ko sa aking bulsa. Gusto ko sanang itext sina Mama kung okay lang sila.
Napatingin ako bigla sa kamay ko nang may dumapo na mainit na bagay. Ang kamay ni Loren. Nakaupo na siya sa carpet. Yung comforter ko ay ginamit niya pala. Walang kaso sa akin yun. Tutal madudumihan lang yan sa aparador kung hindi talaga gamitin. Babahayin lang yun ng alikabok.
"May sinat ka pa." Sabi ni Loren sa maliit na boses.
"Okay lang naman ako."
"Huwag mo lang muna babasain ang buhok mo. It's okay to wash your body but not your hair. Baka sumakit ang ulo mo at bumalik ang lagnat mo. Ang taas ng lagnat mo kagabi. I couldn't sleep well last night because I'm worried." Nasa tono niya ang pag-aalala.
Binawi ko ang kamay ko. Hindi siya umangal pero bumuntong hininga lang siya. Alam ko naman yun.
"Wala na bang masakit sayo?" Yung puso ko yung masakit. Nabibingi ako kagabi dahil sa bilis ng tibok nito lalo na noong inaalagaan niya ako. Todo bigay naman ako sa kanya. Hindi ko yun maialis sa isip ko.
"Wala naman. Medyo okay na yung pakiramdam ko ngayon pero kailangan ko pa ring magpahinga."
"Yeah do it. Huwag kang magpapagod dahil kagagaling mo palang sa sakit."
Tumango ako sa kanya. Lumuhod ako para kunin si Lelo na natutulog sa tabi niya. Si Loki na sarap na sarap sa pagtulog sa mukha ng amo niya ay ngayon ay nag-iinat na. Naistorbo yata siya.
"Ako nalang ang maghahanda para sa breakfast. Huwag ka nalang munang magluto. Ako ang bahala sa food mo." Sabi sa akin ni Loren. Tumayo siya at niligpit ang kanyang ginamit sa pagtulog.
Ako naman ay binuksan ko ang bintana sa may sala habang karga ko si Lelo. Umupo ako sa sofa. Si Loren ay pumasok sa kwarto ko at tinupi ang comforter. Hinubad niya ang jacket na suot at nilagay sa arm rest ng sofa sa katabi ko. Binuksan ko ang tv para makapanood ng balita.
Nanood ako ng tv habang si Loren ay nasa kusina. Lumabas pa si Loren dahil bibili daw siya ng breakfast namin. Hindi ako pumayag nung una dahil delikado sa labas at baka may magliparan na mga sanga ng kahoy o di kaya ay yung parte ng yero. Pero gamit naman ang sasakyan niya kaya safe daw siya. I hold onto it.
Bumalik naman siya after 10 minutes. He bought a new baked French bread and cheese sa malapit lang daw. Hindi ko alam kung saan na malapit. Pero may mga tindahan naman dito malapit sa green house. Hindi ko lang alam kung saan banda.
"Sige na. Aakyat muna ako sa taas para makaligo. Mauna ka na sa pagkain okay. Yung gamot mo linagay ko lang sa ibabaw ng ref para makita mo." Aangal na sana ako kaso lang ay naglakad na siya palabas ng apartment ko. Sayang.
Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ng cheese. Pinagtimpla pa ako ni Loren ng gatas. Kumain nalang kami ni Lelo. Yung apat na mga pusa ni Loren ay dinala niya sa taas para daw hindi tahimik sa loob ng apartment niya. So kami nalang ni Lelo ang natira. Si Loren na ang naglagay ng cat food sa feeding bowl ni Lelo para hindi na maabala ang pagkain ko.
Kumain ako ng kumain para bumalik ang lakas ko sa katawan. Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan ko. Linagay ko sa ref ang mga natirang pagkain. Naglinis lang ako sa sala at sa kwarto ko para pagwisan ako. Pagkatapos kong maglinis ay naupo ulit ako sa sofa. Nagtimpla ako ng pineapple juice. Pinatay ko na ang tv dahil tapos na ang palabas na pinapanood ko. Nakatingin lang ako sa labas.
Mula sa building ng green house ay tanaw na tanaw ko ang malakas na alon ng dagat. Ang malakas na hampas nito ay nagpapatunay na malakas ang hangin na dulot ng bagyo. Nakakabagot ang manatili sa loob ng bahay. Gusto kong lumabas pero ayokong irisk ang natitirang pasensya ni Loren para sa akin. Magagalit yun kapag lumabas ako. Pero ano nga ba ang rason niya para magalit?
Hinimas ko ang ulo ni Lelo. Natulog ulit si Lelo sa braso ko. Hindi ko siya binitawan kahit kanina ko pa siya hinahawakan. Tumayo ako mula sa sofa nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at pinapasok si Loren. Dalawang oras siyang nasa taas. Dala lang niya si Loki. Binaba niya si Loki kaya binaba ko nalang din si Lelo para makapaglaro silang dalawa.
"Gumawa ako ng sandwich. Just in case na magutom ka." Pinakita niya sa akin ang lunch box na may laman na anim na pirasong sandwich.
"Salamat. Nag-abala ka pa."
"No it's okay. Iniwan ko pala yung tatlo sa taas dahil ang kukulit. Hindi ko mahawakan."
"Ganyan din naman si Loki e." Natatawa kong sabi sa kanya.
Kumuha ako ng sandwich na dala niya. Masarap siya lalo na at mainit pa. Nagpaalam si Loren sa akin kung pwede daw siyang manuod ng palabas. Umuo naman ako. Tinapat niya sa sports channel at nanuod siya ng basketball game. Tantiya ko ay mahilig itong maglaro ng basketball. May nakita din akong bola ng basketball sa apartment niya noong nakapunta ako sa apartment niya.
Matangkad si Loren kaya bakit hindi? Gusto ko siyang makita na naglalaro. Magandang manuod ng basketball game kapag may kilala dahil syempre todo suporta. How I wish I see him playing that game.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomansaHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...