Chapter 24

150 4 0
                                    

"You can come here anytime you want para may kalaro si Lelo or kami. Bibisita nalang kami sa apartment mo."

"Good idea. Pwede mo rin silang ihatid sa apartment kung busy ka sa school. Maghahalf-day din naman ako dahil may empleyado naman ako na bago." Sabi ko sa mababang boses.

Tumango si Loren.

"Perfect. May gagawin na ako dahil malapit na ang finals."

"Sige. Okay lang sa akin."

"K."

Nag-istambay lang muna ako sa apartment ni Loren. Pareho naming nilalaro sina Lucky, Lash, Levi, Loki at Lelo. Napatigil ako. Nangunot ang kilay ko. Puro 'L' ah. Nasaan naman ang 'N' diyan?

Ah okay na yan. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nakapag-isip agad ng pangalan ni Lelo. Cute din naman ang name na Lelo.

Umuwi kami ni Lelo sa apartment ko. Ayaw pa sana kaming pauwiin ni Loren kaya lang ay alas dyes na rin ng gabi. May pasok pa ako sa trabaho bukas at siya rin ay may pasok pa sa school. May bukas pa naman at pwede na akong maghalf-day.

Bumili na ako ng feeding bowl para kay Lelo. Yun talaga ang inuna ko nang makaalis ako sa apartment. Kasama ko si Lelo dahil hindi ko siya kayang iwan na mag-isa lalo na at hindi pa ako nakakabili ng feeding bowl para sa kanya. Bumili din ako ng toys para sa kanya. Para maaliw siya kahit papaano.

Sa coffee shop ay sa loob lang ako ng opisina tumatambay. Nakikipaglaro kay Lelo at kung ano-ano lang ang maagaw ng pansin ko ay ginagawa ko sa opisina. Lumalabas lang ako kapag gusto kong kumuha ng meryenda o di kaya ay nakikipag-kwentuhan sa mga empleyado.

Dumating si Loren sa shop mga ala una na. Nilaro niya si Lelo. Tuwang-tuwa naman ang pusa ko. Pinabayaan ko lang sila. Lumabas na ako para hindi ko na sila maabala pa.

Lumabas nalang ako at nagpahangin sa gilid. May mga puno naman na masisilungan sa labas. Umupo ako sa tago na pwesto. Nakikita ko naman ang kalsada pero mabuti na yung dito lang para may privacy din.

Kapag hapon na ay kunti nalang yung mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Karamihan sa mga tao na naninirahan sa Casagrande ay hindi gaanong mapera. Pero maunlad naman ang bayan na ito. Hindi mapera pero mayaman naman sa mga pagkain. Palay, mga iba't-ibang gulat at prutas. May pangisdaan din.

Natutulog yata ang mga tao sa Casagrande dahil tahimik. May mga pasok din sa skwela kaya wala akong nakikita na mga bata na naglalaro sa gilid ng kalsada.

Nakatanaw lang ako sa kalsada nang may marinig akong kaluskos. Tinagilid ko ang paningin ko. Si Loren ay papalapit sa akin. Hindi na niya dala si Lelo. Nakahubad na rin ang suot niyang polo. Ngayon ay nakasuot na siya ng puti na shirt.

"Si Lelo?" Tanong ko nang makaupo na siya sa tabi ko.

"He's sleeping. Napagod yata sa pakikipaglaro sa akin." Nahimigan ko ang masaya niyang tono habang sinasabi yun sa akin.

"Kanina pa kasi nakikipaglaro yun sa akin. Baka nga napagod yata siya." Saad ko.

The wind blew intimately. Napapikit pa ako sa lamig ng hangin. Mabuti nalang at nahanap ko itong lumang bench. Kapag magkita kami ng may-ari ng lupa na ito ay ipaparequest ko sa kanya na magpapagawa ako ng isa pang bench dito. Ang ganda kasing tumambay dito. Mahangin at medyo tago pa.

Malalim akong bumuntong hininga.

"This is good. May ganitong lugar pala dito na pwedeng tambayan." Ani Loren.

"Oo. Mabuti kasi dito dahil hindi masyadong kita. Wala din masyadong tao dito."

"By the way, about you petting Lelo. Dapat sinabi mo sa akin na gusto mong mag-alaga. Ipapaalaga ko lang muna kasi sayo ang mga pusa ko."

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon