Chapter 37

167 5 0
                                    

I closed my mouth when an annoying yawn tried to provoke me. Nakakainis. Kung kailan uminom ako ng kape siya ring pagdalaw ng antok sa akin. Uminom na nga ako para hindi ako antukin pero heto at inaantok na ako. Kunti nalang at babagsak na ang eyelids ko.

"Here. You can sleep muna. Gigisingin nalang kita kapag matapos na'to." Naglabas siya ng makapal na libro at binigay sa akin.

"Aanhin ko ito?"

"Try to sleep comfortably. Wag mong ilapat yung malambot mo na mukha sa desk baka may bacteria yan."

Nahimigan ko yung pagiging overprotective niya. Wala na akong naihain na reklamo dahil inaantok na talaga ako. Ginawa kong unan yung makapal na libro niya. Pinikit ko agad ang eyelids ko. But before I fell asleep, naramdaman ko yung pag-ipit niya ng buhok ko sa aking tenga. Tapos nun ay hindi ko na alam kung ano ang nangyari na sumunod.

Nagising nalang ako sa ingay. Akala ko ay gigisingin ako ni Loren. Yung tunog ng aircon ang nagpagising sa akin.

Tumuwid ako ng upo at nag-inat. Wala na si Loren sa tabi ko. Nagtaka ako at napalingon sa paligid para hanapin siya. Pero nasa mesa pa yung mga gamit niya. Hindi ko dala ang phone ko kaya hindi ko matignan ang oras.

Nais ko sanang tumayo para hanapin siya nang makita ko siyang papasok sa bookstore. Umayos nalang ako ng upo at matiyaga siyang tinignan na may dalawang ramen.

"Hi. Gigisingin sana kita buti at nagising ka dahil may binili ako para uminit yung pakiramdam mo. Hindi ka pa ba inaantok ulit?" Sunod-sunod niyang sabi at tanong sa akin.

Umiling ako. "Hindi na. Anong oras na ba?"

He snatched his phone on his pocket and opened the screen. Sumilip nalang ako para makita kung ano na yung oras. Napasinghap ako. Umaga na pala. 1am and it's very late. Very late for Loren because later on, exam na niya.

"1 na ah. Sure ako na aantukin ka mamaya dahil late ka ng nakatulog. Ano bang oras ang exam mo? Mas maaga ba?" Sana ay umidlip nalang siya para hindi siya antukin.

"My exam starts at 9 so no need to worry about it. I'll take some sleep pag-uwi natin. You want to go home already?" He asked.

I nodded. Why not? Inaantok pa ako. May gagawin pa ako bukas kaya hindi pwedeng antukin. Linigpit ni Loren ang kanyang mga gamit. We left the bookstore. Pagsakay sa scooter ay kumapit ako sa balikat ni Loren. Inaantok pa talaga ako. Gusto ko nalang matulog mamaya pero hindi pwede. Kapag makatulog agad ako ay hindi ko na ako makakapagtrabaho sa una kong gawain bukas.

Hinatid lang ako ni Loren sa apartment ko at pagkatapos ay umakyat na rin siya para makapagpahinga na din siya. Pagkatapos kong nilock yung pinto ng apartment ay diretso ako sa kama at nakatulog din ako agad.

Paggising ko kinabukasan ay hindi ko alam kung anong oras na akong gumising. Basta ang alam ko ay mataas na yung sikat ng araw. Pinatay ko ang aircon ko dahil aalis ako. Punta muna ako sa shop at magkukulong doon.

Umalis agad ako. Di ko na inabala pa si Loren dahil alam ko na puyat ang tao na yon. Ang sama ko naman kung istorbohin ko siya. May exam pa naman yun. Pero kapag pumunta siya sa cafe ay ililibre ko nalang siya ng iced coffee para hindi siya antukin sa exam niya.

"Ma'am, may bisita ka." Sumilip si Millie sa loob ng opisina ko. I lifted my stares at her.

Kumunot ang noo ko. "Sino daw?"

"Yung boyfriend niyo po ma'am. Papapasukin ko ho ba?" Humagikhik si Millie at tinakpan pa ang kanyang bibig.

Hindi ko pinansin yung itsura niya. "Sige." Pagbigay permiso ko sa kanya.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon