Nakakainis lang dahil pumayag talaga siya ihatid ako sa bahay namin. Ayoko noong una dahil hindi ko siya mapagkakatiwalaan. Hello? Baka ano pa kaya ang gawin niya sa akin. Nasa itsura pa naman niya ang pagiging kidnapper, rapist, psychopath—na gwapo.
Hays, pinitik ko ang gilid ng aking noo dahil napapariwara na naman ang utak ko. Kung ano-ano kasi ang iniisip eh.
Napatingin sa akin si Loren. Ito pa ang problema ng utak ko. Kanina pa ako hindi maka-move on sa first name niya. Walang problema sa akin yung Jazz name niya. Yung first name niya talaga. Pero ano pa nga ba ang pakialam ko dahil parents niya ang pumili sa name niya.
"What are you doing?" Mahinang tanong ni Loren. Kanina pa niya siguro napapansin na parang hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Wala. Inaantok lang siguro ako." Pagrarason ko nalang. Wala na kasi akong mahanap pa na rason.
"Malayo pa ba tayo sa bahay niyo?"
"Hindi. Iliko mo nalang diyan sa susunod na kanto tapos pwede na akong maglakad papunta sa bahay namin. Hindi naman malayo ang bahay namin."
"Nah, hatid na kita hanggang sa tapat ng bahay niyo. Baka may humablot pa sayo tapos ako pa ang sisisihin mo kapag na-rape ka." I hastily turned my head at him. Tumama agad ang kamao ko sa braso niya.
Pinagsusuntok ko siya. Ang lakas talaga ng bibig niya na sabihin sa akin yun. Mabuti nga at hindi ko sinabi sa kanya kanina sa harap ni Roah na mukha siyang rapist eh. 'Yoko lang na mapahiya siya.
"Ouch! Ouch! Ouch! Come on North I'm driving! Kapag mabangga tayo sisisihin talaga kita." At nanakot pa siya sa akin. Siya kaya ang sisisihin ko kapag mabangga kami! Siya kasi ang may hawak ng manibela tapos idadamay pa ako kapag mabangga kami? Siraulo talaga siya.
"Kapal ng mukha mo. Ikaw nga itong mukhang rapist eh."
"What did you say?!" Napatakip ako sa dalawang tenga ko dahil ang lakas ng boses niya. Kung makasigaw naman daig pa ang Mama ko.
"Totoo naman ah. Hindi pa kita lubusan na kilala at saka nag-agree ka agad na ihatid ako. Malay ko ba kung may gawin ka sa akin na labag sa kalooban ko."
Inihinto niya ang sasakyan sa kanto na sinabi ko sa kanya. Tapos ay nakaawang ang labi niya na tumingin sa akin.
"Ang wide talaga ng imagination mo Northern. Hindi ako ganong klaseng tao. Sa mukha kong ito, paghihinalaan mo na masamang tao?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. "Oo." Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko nang magsalubong na naman ang kanyang kilay.
"You... bahala ka. Kung ano ang mga iniisip mo bahala ka."
Lumakas ang tawa ko dahil sa mukha niya. Para siyang bata na tinatapunan ng tukso. Bago pa siya mag-alburuto ng tuluyan ay binuksan ko na ang pinto ng kanyang sasakyan. Syempre sa yaman niya, sino ang hindi afford ang sasakyan diba? Naka-black card pa si gago.
Umikot ako sa kabilang side sa banda kung saan ang driver's seat. Kumatok ako sa bintana niya. Binuksan naman niya.
"Salamat sa ride ha. Sana hindi na maulit 'to."
"At talagang hindi na mauulit. Swerte mo naman."
Iniwan niya ako sa kanto. Nagpaharorot pa si gago. Alam ko na maganda ang sasakyan niya. Pero di kailangan ipaharorot ng ganun. Isip bata talaga minsan yung Loren na yun.
Tatlong bahay lang naman ang linampasan ko bago ako makarating sa amin. Bukas pa ang ilaw nang makauwi ako. Nakita ko sina Mama at Papa na nanunuod ng paborito nilang show sa tv. Hindi ko na sila na-istorbo pa dahil mukhang enjoy na enjoy sila sa kanilang panunuod.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomansaHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...