Chapter 53

167 6 0
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta? Akala ko ba ay sa—"

"Relax Nona, hindi naman kita itatanan e." He sounds annoyed when I asked him for the fourth time. Apat na beses ko na siyang kinukulit kung saan niya ako dadalhin dahil ang sabi niya kagabi ay sa ilog daw kami o sa beach daw. Ewan ko Nalilito ako sa plano niya.

Inirapan ko siya. "I'm just asking, ikaw kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mo." Pagsikmat ko sa kanya.

Sa labas nalang ako tumingin para mawala yung inis ko. Kung saan niya ako dadalhin ay okay lang sa akin as long as alam ko kung saan. Wala lang naman, gusto ko lang na malaman yun.

The car engine broke into silence kaya napalingon ako sa kanya. Napatingin na rin ako sa labas dahil pamilyar ang lugar na pinuntahan namin. We were infront of my favorite restaurant way back in highschool. Dito ako minsan kumakain dahil affordable lang ang mga pagkain dito.

"Ba't tayo nandito." Takang tanong ko. He shrugged and opened the driver's side. I unbuckled my seatbelt. Bubuksan ko na sana yung pinto sa side ko pero naunahan niya ako.

"We may not make it to the beach at this hour but I promise you we will go there later. Mainit pa para pumunta sa beach. I like it kung dapit hapon na tayo pumunta dahil makikita natin yung ganda ng sunset."

May point din naman siya. Tanghaling tapat at masyadong mainit sa labas. Hawak ang kamay ay sabay kaming pumasok sa restaurant. Ang daming tao sa loob at mabuti nalang at may mesa pa kaming naabutan. Si Loren na yung umorder ng pagkain at ako na yung umorder ng maiinom namin.

"Pasta lang yung sa akin saka malamig na tubig." Sabi ko kay Loren.

"Okay, pasta na rin sa akin and a cold water." Sabi niya sa waiter. Tumalima yung waiter saka umalis.

While waiting, I took it as a chance to sneak peaked my email. May isang email lang ako galing kay Millie pero dahil lang yun sa kita kahapon, wala naman daw problema sa mga orders. I exhaled. May tatlong araw pa kami dito sa El Paso. Wala pa kaming plano bukas ni Loren. Siguro ay pupunta nalang kami sa El Debris. Malapit lang yun dito sa El Paso.

"Paano mo pala nalaman itong lugar na ito?" Tanong ko at tinukod ko yung dalawang siko ko sa lamesa. Mataman ko siyang tinignan.

His jaw was clenching but he unclenched it again, hiding his evil smirk at me. I know that face. Naloloko din ako niyan.

"I asked Tita kung ano ang paborito mong puntahan dito sa El Paso. She mentioned this restaurant because you're always here during your OJT noong college." I couldn't hide my happy face from him. Pasikat talaga siya sa parents ko. But my heart fluttered at his feat. I couldn't ask for more. He's too perfect for me.

"Mabuti at hindi bumaliktad ang dila mo sa harap ni Mama. Pasikat ka talaga." Natatawa kong usal.

It's too late to defend himself kaya naman ay sumabay nalang siya sa tawa ko. We laughed until our foods put down on our table. We finished our food at 1PM because we're talking  about other stuffs. Lumabas na kami ng restaurant nang mapatigil kami dahil may kumalabit kay Loren.

"Jazz? Is that you?" Manghang tanong ng babae. Napakibot ang kilay ko. If she knew Loren then she wouldn't ask if it's really him. "Ikaw nga!" Tili ng babae at bigla nalang niyakap si Loren.

Loren gasped and looked at me. His eyes asking me for help pero hinayaan ko siya. I raised my brows. Bahala ka sa buhay mo. Ang higpit-higpit ng yakap nung babae pero si Loren ay hindi makahawak sa balikat, nakataas yung dalawang kamay at ang diin ng tingin sa akin na nangangailangan siya ng tulong. I won't help you you ass!

Inikotan ko siya ng mata. Bahala siya sa buhay niya na marindi sa babae na yan.

"Finally nakita din kita. I'm inviting you sana sa party ni Marites dahil uuwi yung isang ka-batch natin from Japan. Excited na ako para sa event na yun." Malanding sabi ng babae. I can't help but to rolled my eyes. Sorry, nadala lang ako sa inis ko.

"Is... that so? Sorry but I don't think I can make it there." Sabi niya at bahagyang tinulak yung girl. Good.

Nalungkot yung mukha ng babae. "Bakit? Ngayon ka lang nagpakita dito a tapos hindi ka pupunta sa party? Actually reunion na natin yun e." Ungot pa niya.

He looked on me again but I didn't say anything. It's his business and I don't want to butt in. He gulped his saliva. Para siyang takot na aso. Seriously, pwede siyang pumunta pero may kondisyon.

"I'm planning to take this opportunity to be with my girlfriend before I go back to school again. Graduating na ako and ilang weeks nalang at graduation na. Four days lang kami."

"Four pala kaya sama ka na. Bukas ng gabi yun. And wait, did I hear it right? May girlfriend ka na? Akala ko si Michelle ang girlfriend mo."

Doon ako napakunot sa sinabi ng hipon. Akala ko ba ako lang ang first girlfriend niya? Nanlaki ang mga mata ni Loren. Agad siyang umiling at tumingin pa sa akin na parang humihingi ng tawad. We made some steps to me at kinuha ang kamay ko. Napako yung mata ng hipon sa akin.

"Sorry but you got it all wrong. Michelle's not my girlfriend and she will never be, this girl is my girlfriend. Taga-rito din siya sa El Paso." Aniya'y proud niyang bigkas.

Nakataas yung isang kilay nung babae na animo'y hindi naniniwala sa sinabi ni Loren sa kanya. Hinead to foot pa niya ako. Ako din ay napataas na rin ng kilay dahil naiinsulto ako sa uri ng kanyang tingin sa akin.

"Girlfriend mo yan?" Sa tono ng kanyang tanong ay parang nandidiri siya sa akin. Samantalang si Loren naman ay proud pa yatang ipagkalat sa mundo na girlfriend niya ako.

Tumango si Loren. "Yeah. She's my girlfriend and we're living together. We're engage naman so our parents approved our decision to be in one place. Besides, hindi na kami teenagers na kailangan pang bawalan." He stoically replied.

Napanganga yung babae until now hindi ko pa rin siya kilala dahil hindi pa kami pinapakilala ni Loren. Bastos man para sa akin pero balewala nalang yun para hindi niya malaman yung pangalan ko.

"Ah o-okay. No need to be pressured. Pero kapag may time ka, welcome ka pa rin do'n. Once in a blue moon lang naman yun diba." Mapait niyang ngiti sa aming dalawa ni Loren. Hindi ko siya tinignan pa dahil parang kumukulo ang dugo ko, sakto pa naman at mainit ang panahon ngayon.

Nang-aakit ang kanyang boses ng magpaalam sa aming dalawa— ako lang yung nakapansin nun. Pagdapo ng kanyang mata ay inirapan niya ako. Kumalas ako sa hawak ni Loren sa akin. Napansin niya yun kaya kumunot ang kanyang tingin sa akin.

"What's wrong?"

I shrugged. Ang daming wrong. Pero hindi ko na yun sinabi pa sa kanya. Ayokong mainis sa kanya.

"Uwi nalang muna tayo." I said. Nauna akong pumasok sa loob ng kotse. Marahan ang kanyang pagsara sa driver's side nang makapasok siya sa loob. He didn't ask me again.

Tahimik kaming umuwi. Pinapansin ko naman siya pero tipid lang na sentence ang nilalabas ko. Alam ko na hindi siya bobo at napapansin niya yun. Pinapansin ko pa naman siya. Hindi lang naman ganun kahaba yung usapan namin. Umakyat na ako sa taas, nakasunod pa rin siya.

"I'm sorry she hugged me that way. I forgot her name kaya I didn't bother to tell it to her, hindi ko nalang din kita pinakilala pa sa kanya. She's my classmate way back in junior high pero hanggang do'n nalang yun."

Huminga ako ng malalim. Ang hirap kapag may boyfriend na gwapo. Nakakaselos. Hindi ko gusto na mag-away kami dahil lang dun sa babae na yun. Hindi naman siya masyadong maganda para pagselosan ko pero babae pa rin yun. May butas na pwedeng pasukan. I trust Loren. Patay na patay siya sa akin kaya never akong iiwan nun. 

"Please don't close the door. Baka ano pa yung isipin nina Mama." Utos ko sa kanya.  I'm worried for my parent's certitude. Nirerespesto ko lang yung tahanan namin.

Sumunod naman siya sa inutos ko sa kanya. Hindi niya sinara yung pinto pero slight lang yung bukas para may kunting privacy kami.

"Hindi ako galit. Actually, pinapayagan naman kita sa reunion niyo na yun pero dapat ay uuwi ka ng maaga. Ayoko lang na masasakal ka sa relationship na ito. May freedom naman tayo diba?" Mahina kong saad. My parents might hear it. Baka magalit sila sa amin.

"Who says na nasasakal ako sayo? In this relationship we are open to each other. It's because of you kaya nagiging matibay itong pagsasama nating dalawa and I salute you for that. I love you Nona." Malambing niya ring sambit.

Parang maiiyak ako anytime pero kinakaya ko lang. Ayokong umiyak sa harap niya, nahihiya ako.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon