Chapter 47

112 5 0
                                    

Maaga akong naglinis sa apartment ko. It's Friday and Loren is finally coming home! Hindi ako pumasok sa araw na ito para lang maglinis. Malinis naman talaga ang apartment ko pero gusto ko ay homey and welcoming siyang tignan.

Nagpalit ako ng pillow cases sa higaan ko. Minsan kasi ay dito siya sa apartment natutulog kaya pinalitan ko na yung mga sapin at kumot. Nilabhan ko rin kalaunan dahil isang buwan na yung hindi nalalabhan. Naglagay din ako ng mga bulaklak sa flower vase ko para mabango ang apartment ko. Nagpalit ng carpet sa sala at pinalitan ko rin ng bagong cushion sa long sofa.

2pm akong nakatapos sa paglilinis sa buong apartment. Kung pwede lang sanang linisan yung apartment ni Loren ay lilinisan ko na rin. Gusto ko kasi na malinis yun. Pero wala sa akin yung susi ng apartment niya. Nagpahinga muna ako bago naligo ulit. Ang lagkit kasi ng katawan ko.

Nagchat ulit sa akin si Loren na nasa airport na siya. Natuwa ako dahil sa wakas, ilang buwan ko na rin siyang namiss, ay makakauwi na siya. At dahil may time pa ay pumunta muna ako sa convenience store na malapit lang dito sa green house. Bumili ako ng pwede kong lutuin mamaya. May karne ng baboy pa ako sa ref. Binili ko yun kahapon. Alam ko kasi na uuwi na siya pagkakinabukasan. Sa wet market ko yun binili. Hindi na ako pumunta pa sa wet market dahil matatagalan ako. Isa pa ay magdidilim na rin. Ilang minuto lang yung byahe ni Loren pauwi.

Simple lang naman ang niluto ko. Menudo lang at saka adobo. Gumawa din ako ng cheese cake para may dessert kami.

Alas sais na at nasa balcony lang ako sa labas at naghihintay sa text niya. Nagtext ako sa kanya kung nakarating na siya dito sa Casagrande. Hindi naman malayo ang Casagrande sa Naga airport.

"North?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Si Aling Lita lang pala. Yung nasa 310 na apartment.

"Aling Lita. Bakit ho?"

"May birthday ngayon sa bahay. Birthday ng apo ko yung panganay ni Ara. Punta ka do'n. Nandun din sina Myrna."

"Ay nakakahiya po. Wala po akong regalo kay Alex."

"Okay lang yan ano ka ba. Simpleng handaan lang naman. May regalo naman si Ara sa anak niya." Ani Aling Lita.

Isa si Aling Lita sa mga mababait kong kapitbahay. Mabuti nga at may kapitbahay ako na mababait. At mabuti nalang din at nasa huling apartment ako dito sa east wing. Ayoko ng kaaway kaya dito talaga ako pumwesto. Minsan kasi, may mga tao na hahanapan ka ng butas at ipapalandakan yun sa iba tapos ay magagalit ka. Syempre marami sa mga tao ngayon ang mahilig sa away. Mahilig gumawa ng tsismis kahit ang totoo ay wala namang kabuluhan.

Pumasok na ulit si Aling Lita sa apartment nila. Siguro ay galing siya sa palengke dahil may dala siyang box ng cake. Nakakahiya naman kung wala akong dalang regalo sa bata kahit simple lang. Huli na rin para gumawa ako ng cake ngayon. Ah di bale bukas, babawi ako. Malapit din ako sa mga bata dito. Kapag may pagsasalo-salo ay ako yung taya sa cake nila dahil personal akong gumagawa nun.

Nanatili ako sa labas ng ilang minuto. Naiinip na ako dahil hindi pa rin umuuwi si Loren galing sa airport. Nag-aalala na ako. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ko. Naghintay pa ako sa labas. Baka may dinaanan lang siya o di kaya ay walang signal sa daan. Minsan kasi ay nawawala yung network dito sa Casagrande. Paano kasi, puro bundok na kami dito. Alas otso palang pero nag-aalala na ako. Tinitiis ko lang ang gutom ko dahil gusto ko ay kasama ko si Loren sa dinner namin. Tatlong buwan siyang wala dito sa Casagrande kaya namimiss ko yung presensya niya.

9:00, kapag mag-ten na hindi pa siya makauwi ay matutulog na ako. Nangangalay na ang paa ko sa kakahintay sa kanya. Dungaw ako ng dungaw sa baba para makita ko kung nakarating na ba siya. Malalim akong bumuntong hininga. Baka pumunta siya sa bahay nila. Baka may dinner sila. Huli ko ng naisip yun. Mapait akong ngumiti. Baka nga nandun siya sa bahay nila. Dapat kasi ay tinatawagan niya ako para mainform ako na okay lang siya.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon