Chapter 40

180 4 0
                                    

Tumingin ako sa labas ng bintana at tinignan kung tumila na ang ulan. Ang malas dahil umulan pa. Ngayong araw kaming aalis ni Loren papunta sa Casagrande gymnasium. Doon dinaraos ang mga beauty pageant dito sa Casagrande kapag may fiesta o di kaya ay ibang event dito sa Casagrande.

Kagabi pa umuulan. Nakabihis na ako ng leggings at puti na t-shirt na medyo maluwag sa akin. Hindi naman kami pupunta sa party kaya ito lang ang suot ko. Ganito din naman ang sinusuot ko kapag nandito lang ako sa bahay.

Napatingin ako sa pinto na bumukas ito. Pumasok dun si Loren na handang-handa na yata sa practice niya. May duffel bag siya na dala na nakasabit lang sa kanyang balikat. Nakasuot na siya ng gray na sweatpants, black na shirt at Nike downshifted na sapatos na kulay itim. Namangha ako sa fit niya dahil ang gwapo niya talagang tignan. Lalo na kapag hindi nakaharang ang kanyang buhok sa kanyang noo na umaabot hanggang sa kanyang kilay.

Ang daming nagkakandarapa kay Loren pero bulag siya sa mga kababaihan. Dun na talaga ako napapamangha sa sarili ko dahil parang ang ganda ko naman masyado. Hindi rin ako mayaman pero parang ang yaman ko na rin sa atensyon niya.

"Hindi pa tumitila ang ulan. Okay lang yan dahil maaga pa naman. Hindi ka naman nagmamadali hindi ba?" Pagkaklaro ko sa kanya.

He shook his head. "Not really. Ang problema lang ay baka hanggang mamaya pa tumitigil ang ulan at baka may ginagawa ka."

"Wala akong gagawin ngayon. Di ba sinabi ko naman sayo?" Sabi ko ulit sa kanya.

Kinuha niya si Lelo mula sa kandungan ko. Pinakain ko na si Lelo bago siya dumating sa apartment. Naisip ko kasi na baka matagalan kami ni Loren doon sa gymnasium sa kakapractice niya kaya dalawang beses kong linagyan ang feeding bowl niya. Pero hindi yun naubos, mamaya ay kakain naman siya. At kapag dumating kami galing sa practice ay papakainin ko rin siya.

Lumapit si Loren sa akin habang karga niya si Lelo. Tuwang-tuwa naman ang salbaheng pusa sa kanya.

"Spoiled talaga si Lelo sayo Loren. Pinakain ko na yan kanina." Nakakunot ang noo ko dahil binigyan niya si Lelo ng crackers. Baon niya yun e.

Nagkibit-balikat si Loren. "It's okay. Kita mo he's hungry pa."

"Anong hungry? Hindi nga naubos yung cat food niya na nandun sa kusina dahil bundat na yan. Pinainom ko pa ng tubig." Parang wala siyang narinig sa akin. Hinimas-himas lang niya si Lelo at kinausap ito.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Hindi talaga siya makikinig sa akin sa kahit anong sasabihin ko tungkol sa mga pusa. Lumapit ako sa balcony at linabas ang mga halaman ko para malibre sa tubig. Pagkatapos kong maihalera sa balcony ay bumalik ako sa loob dahil biglang kumidlat. Sinarado ko ang mga binatana at saka ako pumunta sa kusina para umupo.

Sumunod na sa akin si Loren pero this time, hindi niya kasama si Lelo. Binaba ko niya ang tumbler na dala niya sa lamesa.

"Tutuloy ba tayo sa pag-alis?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yeah, let's just wait till the rain subsides."

Pinatong ko ang aking baba sa aking kamay. Wala na akong gagawin sa loob ng apartment dahil tinapos ko na lahat noong unang araw pa para lang masamahan si Loren sa practice niya.

"Sorry." Agad niyang sabi nang maging tahimik kami bigla.

"Bakit ka nagsosorry ha?" Nagtataka kong tanong sa kanya ulit.

"I'm just sorry for this day. Akala ko ay maganda ang lagay ng panahon ngayon dahil ilang araw ng maganda ang panahon."

Kumunot ang noo ko. Yun lang pinoproblema niya? Hindi naman pumapasok sa isip ko yun. Ang iniisip ko lang ay makapag-practice siya ng maayos para maging champion sila.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon