Chapter 20

222 5 0
                                    

Nakaupo lang ako sa counter maghapon. Wala akong ibang ginawa kundi ang umistambay lang sa counter at abutin ang bayad ng mga customer o di kaya ay gumawa ng kape para sa kanila.

Sina Millie nalang ang bahala sa ibang gawain. Binilin ko sa kanila na hindi muna ako makakatulong sa ibang gawain lalo pa't hindi pa talaga ako literal na okay.

Binalik ko ang kaha na pinaglalagyan ng pera nang pumasok si Loren. May dala siyang another paper bag. Pagkain na naman ba ang laman? Isip-isip ko lang.

"Hey." Bati niya nang makalapit sa akin. I zipped my bag. Linagay ko sa ibabaw ng counter ang bag ko pagkatapos.

"Hi, salamat nga pala sa gamot at taco kanina ha. Pati yung tubig." I wasn't able to text him earlier because I didn't bring my phone with me nang lumabas ako.

"No problem. Okay ka na ba? I mean, hindi na ba masakit ang ulo mo?" Tanong niya.

Lumabas ako sa counter. "Uh...medyo nahihilo pa ako. Pero magiging okay na rin ito dahil nakainom na ako ng gamot."

"Sayo na yung gamot. Don't worry, hindi naman ako naniningil."

"Salamat."

Nagkatinginan kami. Huli na bago ako umiwas ng tingin. Nagkadikit ang mga paningin namin. Walang may nagtanggal ng tingin.

Kung hindi lang lumabas si Millie galing kusina ay hindi matatanggal ang aming mga tingin. Nginitian ko sila Millie nang lumabas sila. Pareho silang mga pagod at katatapos lang sa paglilinis.

"Aalis na pala kami. Uuwi ka na ba?" Tanong ko kay Loren.

"Uuwi na ba kayo?"

"Oo. Napadaan ka pala dito, may kailangan ka ba? Kasi kung meron ay—"

"Uuwi na rin ako. Makikisabay lang sana ako...kung pwede." Napatigil ako dahil sa kanya.

Hindi ko nga napagtuunan ng pansin ang pagpaalam nina Millie, Sonha, Julio, Caesar at Tali.

"Uh...as in, sasakay ka sa scooter?"

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Pinasadahan pa ng kanyang daliri ang buhok na nagulo. Is he seducing me? Namumula ang kanyang tenga nang mapansin ko ito.

"Oo eh."

"E yung motorbike mo? Diba okay pa yun kahapon?" Ang mahal kaya ng motorbike niya na yun tapos masisira lang? Anong ginawa niya?

"Okay pa naman. T-Tinamad ako na gamitin kanina."

"Ah."

Dahan-dahan akong tumango. Hindi na ulit ako tumingin sa kanya.

Lumabas kami sa coffee shop ko. Kasunod ko siya na lumabas. Tinulungan niya ako na sa pagsara ng shop. Kasalanan ko ito dahil pinauwi ko na kaagad sina Julio. Naiwan tuloy kaming dalawa rito.

"Keys." Linahad niya ang kanyang kamay sa akin para kunin ang susi. I fished out the key from my bag.

Siya ang nagpaandar at sumakay nalang ako syempre. Wala din naman akong magagawa dahil ang kulit niya lang. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan ng normal. Ang weird lang dahil hindi kami mahilig mag-usap ng tahimik.

Kumapit ako sa kanyang bag. "Sorry hindi ko dala ang isang helmet ko. Useless din yun dahil hindi yata yun kakasya sayo."

"It's alright. May sombrero ako sa bag, okay na siguro yun. Can you get it for me please? Nasa ikatlong pocket." Agad kong sinunod ang utos niya.

Kinuha ko nga ang sombrero na nasa bag niya. Sinuot niya ito. Yung paper bag na dala niya ay pinadala sa akin dahil hindi niya kayang hawakan ang paper bag habang nagmamaneho siya.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon