Chapter 26

185 3 0
                                    

Tahimik na inabot sa akin ni Loren ang isang paper bag. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kanina habang nakaupo lang ako sa gilid. Maulan pa rin sa labas. Hindi pa ako nakakauwi dahil bukod pa sa basa ang suot ko ay sira pa ang scooter ko.

"Para sa'n to?" Takang tanong ko kay Loren nang iabot niya sa akin ang paper bag.

Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. "I bought it for you para makapagpalit ka. Go change. I'll be staying here while you're changing."

Tinignan ko muna siya saglit. Huminga ako ng napakahilalim. Walang reklamo ang lumabas sa bibig ko. Malugod kong tinanggap ang paper bag na dala niya na may laman palang damit. Nagpasalamat nalang ako sa kanya.

Hindi muna ako umalis sa kinauupuan ko dahil sinabihan ko pa siya na kapag lumabas yung vet at tanungin kung sino ang nagdala sa pusa ay siya nalang ang magsasabi para sa akin.

Maya't-maya lang ay tumayo na rin ako para makapagbihis na rin. Kanina pa ako pinagsasabihan ni Loren na magbihis na para hindi ako lagnatin. Nagtanong ako sa babae na nasa counter kung saan ang banyo. Tinuro naman sa akin kung saan banda.

Nag-alangan pa ako na magbihis dahil tinignan ko muna ang damit na binili ni Loren para sa akin. Lula ako sa presyo ng damit at sa brand. Hindi ko na sana susuotin kaya lang ay baka magalit siya sa akin at mauwi pa sa argumento itong damit na bili niya. Wala pa naman yung pakialam kung mahal o mura basta nagagamit at hindi dapat sayangin.

Linagay ko na din ang basa kong damit sa paper bag. Pag-uwi ko ay babayaran ko agad siya. Paglabas ko ay saktong paalis din ang vet sa harap ni Loren. Si Loren ay nakatayo na. Nakakunot ang noo at seryoso ang mukha. Pagkatagpo ng tingin namin ay saka niya inayos ang itsura. Seryoso pa rin siya pero hindi na nakakunot ang noo.

"Anong sabi? Okay lang ba ang pusa?" Tanong ko agad nang makalapit ako sa kanya.

Siniksik niya ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "Okay lang naman daw. May sugat sa paa pero magiging okay na rin siya ng mga ilang araw."

"Mabuti naman." Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas at hindi siya nasagasaan ng sobra. Baka hindi ako makatulog dahil sa konsensya.

Umupo ako sa lounge para mapigilan ang pangangatog ng aking paa. Sa lamig siguro ito kaya ako nangangatog. Ang lakas din kasi ng aircon.

"What were you doing kanina huh? Bakit ka pumunta sa plaza?" Naupo na rin siya sa tabi. Umusog ako ng kunti. Nakita ko pa na kumunot ulit ang kanyang noo. Nagtataka din.

"Napadaan lang ako kanina. Pumunta talaga ako sa boulevard para...bumili ng pagkain."

"Sana tinawagan mo nalang ako kung gusto mo ng pagkain." Nasa school ka kasi.

Pero hindi ko yun masabi sa kanya. Tinikom ko nalang ang bibig ko at tinignan ang babae sa counter na abala sa panunuod sa phone niya.

"Edi sana hindi ka nagka-minor accident. Nakasagasa ka pa ng pusa." He whispered.

"Hindi ko yun sinasadya. Hindi ko rin naman alam na may tatawid pala. Mabuti nalang at hindi bata yung—"

"May masakit ba sayo?" Tanong niya.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko siya bigla. Nagulat ako sa tanong niya na may halong concern sa boses niya. Mahigpit kong hinawakan ang paper bag. Marahan akong umiling sa kanya.

"Wala naman akong nararamdaman na sakit sa katawan ko." Kinapa ko ang likod ko. Wala akong nararamdaman na sakit.

Naalala ko bigla ang limang pusa na naiwan ko sa apartment. Siguro ay magtataka na ang mga yun na ang tagal kung makauwi. Baka nga mga gutom na ang mga yun. Nahaluan ng awa ang naramdaman ko para sa kanila. Kawawa naman sila.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon