Chapter 08

286 7 0
                                    

Hindi naging kompleto ang araw ko dahil sinubukan kong pumunta sa shelter pero hindi ako makabwelo dahil palaging busy ang shop. Inuna ko muna kasi ang pagtulong doon sa kusina. Gabi na ako makalabas at sarado na ang shelter. Hindi ko masasabing malas dahil ang swerte ko nga dahil may mga customer ako na dumadating.

Kada may pumapasok ay may dumadating. Pero malas lang ako sa pag-aampon ko sana sa pusa. Plano ko na kasi yun eh. Hindi lang ako makalabas dahil palagi akong full sa umaga hanggang sa hapon.

Kahit yung mga tanong ni Loren ay hindi ko magawang sagutin dahil nandon lang ako lagi sa loob ng kusina ng shop.

"Bakit ang sungit mo ngayon? May period ka na naman ba? Napapadalas ang period mo ah?" Nginisian ako ni Loren saka tinaasan ng kilay.

Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang aking kamay. "At bakit ang pakialamero mo na ngayon? Close ba tayo ha?"

"Nope. But we're talking right? So might as well talk back to me, para hindi ako magmukhang tanga sa harap mo."

"Required pala ang makipag-usap sayo? Alam mo mag-aral ka nalang diyan para makapagtapos ka na. Masakit ang ulo ko ngayon."

"Sasakit talaga ang ulo mo kasi masungit ka sa akin."

"Anong connect? Assuming ka rin." Pagbato ko sa kanya. Natahimik lang siya pero yung mga mata niya, hindi matahimik. Ang sama ng tingin sa akin.

Ibinigay ko na sa kanya ang kanyang order at iniwan na sa harap ng counter. Si Sonha nalang ang bahala sa kanya. Sakto din at nagring ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tinignan kung sino ang tumawag. Napatingin din si Loren sa cellphone ko.

"Hello?" Si Mama ang tumawag.

Lumayo ako sa counter dahil hindi pa rin tumitigil sa kakatingin si Loren. Nakikiusyoso yata.

"Hello North? May pinadala nga pala akong package para sayo. Darating na yun maya-maya lang." Si Mama talaga. Alam niyang ayaw ko sa package eh. Nitong nagdaang araw ay hindi nila dinala para hindi na sila maabala sa pagpapadala sa akin ng kung ano-ano.

Binaba ko na ang tawag ng hindi na sumagot si Mama. Ang sabi lang niya ay galing sa Tita ko na nasa Canada. Wala akong ideya kung ano ang laman o kung ano ang pinadala ni Tita para sa akin.

Pumunta ako sa labas para salubungin ang sinasabing package. As in wala akong kaide-ideya about sa package na yun. Si Tita kasi eh. Mahilig mamili ng mga damit na mahal. Sayang ang pera niya sa mga damit. Noong graduation ko ay Adidas na sapatos ang regalo sa akin. Isang beses ko lang sinuot dahil nanghihinayang ako na baka masira. Maganda din yun dahil mahal syempre.

Nang dumating ang package ay pumirma agad ako para mapatunayan na na-receive ko na. Tinawagan ko ulit si Mama.

"Hello Ma?"

"North! Ano natanggap mo na ba?" Tuwang-tuwa ang boses ni Mama.

Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango ako. "Yes Ma. Ano namang okasyon 'to at ba't nagpa-package si Tita?"

"Wala lang. May regalo siya sa pamangkin mo kaya binilhan nalang tayo ng maagang pamasko. Ayaw mo ba nun may gamit ka na naman?"

Ayaw ko talaga. Hindi ko sinabi yun kay Mama dahil baka masaktan siya. Eh sa ayaw ko talaga ng mga mamahaling gamit eh. Okay lang sa akin itong mga gamit na ito kung may sarili na talaga akong bahay. Yung malaking bahay. Hindi yung apartment ko. Sarili ko nga na apartment pero kasya lang para sa akin. Iisa lang ang kwarto at hindi siya kasing luwag ng bahay namin sa El Paso.

Wala na akong magagawa nito. Eh nandito na yung package eh. Kaysa sa itapon ko ito. Magalit pa sa akin si Tita at hindi na niya ako kausapin. 

Tapos dun naman sa anak ni Kuya. Baby pa kaya yon. Hindi pa yun makakapaglaro dahil baby palang at wala pang kamuwang-muwang sa mundo.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon