Nakakatuwa dahil pag-uwi ko ay may kasama na ako. Nang matapos ang proseso sa pag-adopt ng pusa ay dinala ko agad. Dumaan muna ako sa isang grocery store para bumili ng cat food.
Binaba ko ang cage ng pusa sa ibabaw ng center table nang makapasok na ako sa loob ng apartment. Dahan-dahan kong pinakawalan ang kuting. Nung una ay kinakalmot niya ang kamay ko nang tangkain ko siyang hawakan. Siguro ay naninibago siya sa akin.
Naisip ko agad ang cat food na binili ko sa kanya. Wala akong paglalagyan ng pagkain niya kaya linagay ko lang muna sa loob ng cage niya. Bukas na bukas din ay bibili ako para sa kanya.
Naiilang pa siguro siya sa akin kaya tumayo ako para iwan siya saglit. Pag-iwan ko sa kanya ay saktong may kumatok sa pinto ko.
Si Loren na naman siguro yun. Bumuntong-hininga ako at binuksan ang pinto. Makikikain na naman siya. Wala pa akong niluto na pagkain dahil yung alaga ko ang inuna ko.
"Oh?" Bungad ko agad sa kanya. Ganyan lang kami kung nagkikita. Wala ng pormalan.
"I ordered taco." Pinakita niya sa akin ang paper bag na dala niya.
Bumuntong-hininga ako ulit at pinapasok nalang siya. Kinuha ko agad ang paper bag mula sa kanya. Kinalas niya ang bag pack niya. Nakita ko na napatingin siya sa center table, sa pusa ko siya agad napatingin na kinakain na pala ang cat food niya.
Naupo agad si Loren sa carpeted floor ko at pinantayan ang pusa.
"Hi baby."
Nanindig ang balahibo sa buong katawan ko nang marinig ang boses niya na kinipitan. Hinagod niya ang ulo ng pusa ko, napatianod naman ang kuting sa paghagod niya. Ang unfair lang dahil ako ang amo niya at hindi siya umaamo sa akin.
"Hi." Ayon na naman ang baby voice niya. Nakakatindig balahibo.
Bago pa ako mahimatay sa boses niya ay tinahak ko na ang daan papunta sa kusina para makalayo sa kanya.
Hindi ko ineexpect na ganun ang reaksyon niya sa pusa. Mahilig kaya siya sa mga pusa? Ano kaya ang mga hilig niya? Ilan lang yan sa mga tanong sa utak ko.
Pinainit ko ang loaf sa oven ng ilang minuto. Wala akong planong kumain ng kanin dahil may taco naman siya na binili. Napaigtad ako nang maramdaman ko siya sa aking likod.
"Hindi mo sinabi sa akin na mahilig ka pala sa pusa." Bigla niyang sabi.
Mabuti nalang at mahigpit ang kapit ko sa baso na hawak ko. Kundi ay baka nabasag na ito.
"Kani-kanina lang ako nag-ampon. Noon pa sana ako nag-aampon kaya lang ay busy ako."
"So hindi ka na busy ngayon?" Tanong niya na may halong sarkasmo.
Naka-karga na ang alaga ko. Unfair talaga oh. Ako yung may-ari pero ako yung hindi nakahawak sa kanya.
"May dalawang empleyado ako na dinagdag sa shop ko para may katulong sina Millie."
Tumango siya at umupo na rin siya sa may mesa. Kinuha ko na ang loaf at linagay sa lamesa. Wala naman reklamo si Loren na yun ang linagay ko sa lamesa. Kumuha ako ng cheese sa ref. Pinagtimpla ko na rin siya ng kape dahil palagi ko siyang nakikita na nagkakape siya tuwing gabi.
"By the way, anong name nitong cute na pusa mo." Nag-angat ako ng tingin nang magtanong siya sa akin. Napapikit ang pusa nang hagurin na naman ni Loren ang kanyang ulo.
"Wala pa akong naisip." Nagtaas ng kilay si Loren sa akin.
Natahimik kami. Nagsimula na akong kumain.
"How about Lelo?"
"Huh?"
"It's Lelo okay? Lelo nalang ang pangalan niya." Nakangiti niyang sabi at hinalikan ang kuting ko sa nuknukan.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...