Chapter 31

140 3 0
                                    

"Sana tinanggihan mo nalang si Cyril kung hindi ka makakadalo sa pagsasalo-salo." Sabi ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob ng apartment.

Hindi ko alam kung naintindihan niya o narinig ang sinabi ko. Parang pasok sa isang tenga at labas naman sa kabila ang ginagawa niya. Hindi yata ito nakikinig sa akin kanina pa. O baka naman nagbibingi-bingian lang.

Hindi niya pa rin ako pinapansin. Sina Lelo ang una niyang kinuha at inamo ang mga pusa. Panigurado hindi na naman kami titigilan ng mga kaibigan ko na yun. Ang sakit kaya sa tenga yung paulit-ulit nalang na usapan.

"Hoy Loren." Sinundot ko siya. Tinignan lang ako saglit at binalik yung tingin sa mga pusa. Nakipaglaro sa kanila.

Nagkamot ako sa ulo. Umupo ako sa sofa na nayayamot. Binuksan ko yung tv para hindi ako mabingi sa katahimikan sa loob ng apartment. Ang lakas ng loob niyang umuoo pero parang pang-undas yung mukha niya nang makaalis si Cyril sa harap namin.

Hindi ko na ulit tinanong pa si Loren. Pinabayaan ko nalang siya na magpakabingi-bingian.

Sa pagkabagot ko ay binilang ko yung buntong-hininga ko. Wala akong magagawa dahil hindi ako kinakausap ni Loren. Mabingi sana siya ng tuluyan. Ilang minuto kaming ganito-tahimik lang.

Nagkatinginan kami nang marinig ko yung pag-ingay ng sikmura niya. Hindi pa pala kami kumakain. Tumayo ako. Pero bago ako makaalis papuntang kusina ay pinigilan na niya ang kamay ko. Nagtaka ako.

"Bakit?" Pinaupo niya ako sa tabi niya, sa carpet.

Naglalaro na pala sina Loki at Lelo. "Can we talk?"

"Nag-uusap naman tayo a. Ikaw lang ang hindi sumasagot."

"Gusto ko munang pag-isipan ang sinabi ko."

Nagtaas ako ng kilay.

"Kailangan pa bang pag-isipan ang sasabihin mo?" Tumango siya. Pinag-ikotan ko lang siya ng mata.

Gusto ko siyang sakalin sa totoo lang. Nakakainis yung klase ng tao na hindi marunong lumaban ng salita. Wala pa akong nakakaaway-yung away na sampalan o sabunutan. Kung meron man akong gustong sabunutan ay walang iba kundi si Loren yun.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa dibdib. Para kaming timang ni Loren. Nakaupo lang sa carpet at nanunuod sa mga pusa na naglalaro.

"Wait." Napatingin ulit sa akin si Loren. "Pinakain mo na ba sila?" Baka kasi hindi pa nakakakain itong mga alaga namin. Baka makatulog ako nang hindi pa napapakain ang mga pusa.

Biglang tumayo si Loren nang may maalala. "Aw shoot! Hindi ko pa pala sila napapakain." Hays buti nalang at naalala ko.

Tumayo na rin ako. Naghanda na ako ng makakain naming dalawa ni Loren. Pinaalala ko sa kanya na dalhin lang muna sina Loki, Levi, Lash at Lucky sa apartment niya dahil magiging busy ako sa susunod na mga araw. Malapit na ang fiesta dito sa Balenciaga kaya marami na ang nasa listahan ng mga oorder at magpapagawa ng mga pasalubong.

Hindi pwedeng wala ako sa shop dahil marami ang mga gustong magpagawa ng cake at cupcake sa amin. Kailangan ay matulungan ko ang mga empleyado ko.

"Hatid na kita sa coffee shop mo Nona. Hindi ka pa pwedeng magmaneho diba?" Bungad agad sa akin ni Loren nang buksan ko ang apartment.

Tumuloy siya.

Bumalik ako sa kusina. "Nagkape ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Sumunod pala sa akin si Loren.

"Hindi pa Nona." Sinulyapan ko siya. Ang lambing ng boses niya. Hindi naman siya bagong gising. Malambing lang ang boses niya kung bagong gising.

"Umupo ka muna diyan. Magtitimpla din ako ng kape." Sabi ko at turo ko sa silya.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon