Ang gaan-gaan talaga ng loob ko nang makapaligo ako ulit. Natuwa ako dahil inimbitahan ako ni Cyril na makipag-inuman. Umuoo nalang ako dahil nakakamimiss din minsan ang makipag-bonding sa kanila.
Si Cyril ay isang tenant din na nasa west wing. Kaklase ko siya noong highschool. Nakapag-asawa siya agad pagkatapos lang makag-graduate ng college. May disente din na trabaho silang dalawa. Sila nina Ralph—ang asawa niya, may mga trabaho din. Si Ralph ay dalawang taon ang tanda kay Cyril.
Kaya heto kami, may kunting reunion dahil may dalawa din kaming kaklase na dumalaw sa mag-asawa. Natuwa pa nga sina Will at Mika na nandito ako. Mga barkada ko sila noong highschool.
"Nona. Akala ko ikaw ang unang mag-aasawa kaysa kay Cyril. Ang dami mong manliligaw eh."
Biro nila sa akin. Napakamot ako sa aking ulo dahil ang lupit talaga ng mga biro nila. Oo may manliligaw ako pero hindi naman marami. Hindi nga aabot sa lima.
"Basted naman sila diba Nona? Kaya nga hanggang ngayon ay single pa rin si Nona." Si Will.
"Eh bata pa naman si Nona ah. Pwede pa yan magliwaliw kahit sampung boyfriend eh." Ani Mika.
"So pwede kang magboyfriend ng sampu Mika?" Kunwaring galit ang boses ni Will.
Uminom muna si Mika bago niya sagutin ang nobyo. "Single pa naman si North pwede pa yang mamili. Depende sa kanya kung limang boyfriend ang gusto niya o di kaya sampu. Kung susuwertehen pwedeng bente diba Nona?"
Napailing nalang ako sa biro ni Mika. Natawa nalang ang mag-asawa sa kanya. Sina Will at Mika ay magnobyo din. Pero balita ko ay magpapakasal na daw sila. Kaya nga dumalaw sila dito sa green house para ianunsyo ang balita na yun.
Masaya ako para sa kanila dahil noon ay parang malabo yun eh. Nagkaaminan sila nang makagraduate kami ng highschool. Pareho sila na dito nag-aral sa Casagrande nang magcollege. Parehong mga guro sa isang sikat na skwelahan. Sana ay umabot sila hanggang dulo. Itong sina Ralph at Cyril ay simula noong grade 7 kami at grade 9 si Ralph ay sila na tapos ngayon...magkakapamilya na rin sila.
Hindi ako naiinggit sa mga kaibigan ko na napunta sa ganung stage. May nakalaan naman siguro sa akin diba? Kung ang kapalaran ko talaga na mag-asawa ay makakapag-asawa ako. Pero kung ganito lang ako na single, tatanggapin ko pa rin. Kung ano ang ibinigay sayo ay tanggapin mo nalang ng buong puso.
"Oy Nona." Napataas ako ng tingin ng kalabitin ako ni Cyril. Sina Mika, Will at Ralph ay nag-uusap naman tungkol sa issue sa school na pinapasokan nila.
"Bakit?"
"Sino yung kasama mo kanina? Nakita ko kayo na magkasama at nag-uusap. Kilala mo yung guy na yun? Kahapon din nakita ko kayo."
Base sa mukha niya ay talagang may sagot na siya sa kuryoso niya. Kailangan lang ng sagot ko para makumpirma na tama ang hinala niya. Linapag ko ang baso sa lamesa bago ko siya sinagot. Sinundan yun ng tingin ni Cyril.
"Kaibigan ko lang yun. Nasa 412 siya at regular customer din sa shop ko." Plain na sagot ko. Pero parang bitter ako sa sagot ko na yun, yung kaibigan na part.
Hindi ko talaga alam kung kaibigan ko lang si Loren. Pero para safe ay yung kaibigan nalang na word ang isasagot ko.
"Talaga ba? Baka naman may tinatago ka sa amin na ayaw mong sabihin sa amin?" Nagtaas-baba ng kilay si Cyril sa akin habang naghihintay ng sagot.
Di ako nakapagsalita agad nang sumabat din si Mika.
"Anong pinag-uusapan niyong dalawa ha? Share naman oh. Baka may mga secret kayo diyan." Isa pa itong babae na ito. Sarap kurutin sa singit.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...