Ilang beses akong huminga ng malalim dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Loren. Palagi ko siyang kinukurot sa tagiliran at palagi ko siyang sinasabihan na bagalan ang pagmaneho. Di naman kailangan na bilisan dahil hindi pa mag-aalas tres.
Pasikat talaga itong si Loren. Porke maganda at mahal yung sasakyan niya magpapasikat na siya. Isang oras lang naman ang byahe papunta sa San Luis. Sa bilis ng takbo niya makakabot kami ng thirty minutes palang sa San Luis. Daig pa kasi ang may karera.
Sa bilis ng takbo ay hindi ko tuloy masyadong na-eenjoy yung pagsight-seeing. Kahit mga palayan lang ang nadadaanan namin ay maganda pa rin. Instagramable kaya ang mga palayan.
Nahihiya din akong magsabi kay Loren na huminto muna saglit dahil magpapapicture ako sa kanya. Ugali kasi ni Loren talagang nakakainis. Ang sarap itapon sa bangin o di kaya ay ilibing ng buhay.
Hayon na nga at nakarating din kami sa San Luis. Another town din ito. Pero medyo malayo siya. Kaya nga ang sabi ko kay Loren ay masakit sa pwet kapag ginamit namin ang motorbike. Hindi naman siya nakinig sa akin. Yung gusto lang niya ang masusunod. Chance ko na sana yun na makasakay sa magarang kotse kapag hindi siya tinamad na pumunta sa bahay nila.
At para na rin masilip ko yung bahay nila.
Sa San Luis ay hindi tulad ng Casagrande na malawak. Puro beaches ang nandito. Hindi masyadong marami ang mga palayan na nakatanim. Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay dito sa San Luis. Pero sikat pa rin ito dahil sa mga beaches. Walang kasing basura ang dagat at puti pa ang kanilang buhangin.
Huminto kami sa isang inn na hindi kalayuan sa baybayin. Humawak ako sa balikat ni Loren para makababa ako. Parang nanigas pa siya when I touched his shoulder. Arte lang. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanyang balikat.
Pumasok kami sa loob ng inn. Nakita ko agad yung dalawang babae na nasa reception area na nagbulungan pagkakita kay Loren. Sus, gwapo nga pero baboy naman ang ugali.
"Dalawang room nga Miss." Tumalima agad ang babae.
Nataranta yata sa lamig ng boses ni Loren. Lumapit ako kay Loren at binulungan siya. Kita ko sa peripheral vision ko yung pag-ismid ng babae. Ha! Lol akala niya yata girlfriend ako nitong unggoy na ito. Yun ang akala mo!
Yumuko ng kunti si Loren para marinig ang bulong ko.
"Libre mo?" Tukoy ko sa isang kwarto na kinuha niya.
Hindi ako umaasa na kukuha siya ng isang kwarto para sa akin dahil pwede ko naman yung gawin. May pera naman ako at isang gabi lang naman kami rito. Asa naman siya na tatabi ako sa kanya. Kadiri lang ha. Baka nga magsuka pa ako sa harap niya. Eww.
Marahas na bumuga ng hangin si Loren. Narinig yun ng dalawang tsismosa kaya napatingin ulit ang mga ito sa kanya. Nakatingin lang ako sa mukha ni Loren. Nakakatawa ang itsura eh.
Nanlaki ang mga mata ko nang yumuko siya sa akin. Akala ko nga ay hahalikan niya ako eh. Argh! Northern the presumptuous queen! Assuming talaga ako!
Nagiging assuming lang naman ako kapag si Loren ang naiisip ko o di ay nakakausap. Kung ano-ano lang kasi minsan ang lumalabas sa bibig ko. Grabe din itong utak ko kung makapag-isip. Parang salad lang. Halo-halo.
Natatawa pa rin ako habang sumusunod kay Loren Falcori. Magkatabi lang ang kwarto namin kaya okay na rin at hindi ako matatakot. Medyo creepy yung inn na ito dahil may kalumaan na rin at parang haunted ba. Kahit saan naman may multo. Di lang natin sila namamalayan. Kaya panatag ako na katabi ko lang ng kwarto si Loren. Kahit sumigaw ako ay maririnig niya agad. Saka mas nakakatakot kapag tao yung pumasok sa loob ng kwarto mo. Tapos ay patayin ka. Sheesh.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomanceHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...