Nasa isang cottage kami ni Loren para makapagpahinga. Puro nalang kami pahinga. Kung subagay, mas maayos na ito kaysa sa matinding pagod araw-araw. Mamaya ay uuwi na rin kami. Sabi niya ay ala-una ay aalis na kami para hindi kami gabihin sa daan.
Agree naman ako sa kanya. Tama lang yun kapag makauwi na kami ay tatambay ako sa harap ng apartment ko. Parang feel ko mag-sight seeing sa rooftop. Pwede rin ako sa rooftop dahil madalas lang puntahan yun ng mga tao na nangungupahan.
Narinig ko ang buntong-hininga ni Loren. Napalingon ako sa kanya. Katabi ko lang siya at pareho kaming nakaharap sa dagat. Pinapanood ang mga bata na naglalaro sa gilid ng dagat.
"May pasok na kayo bukas ano?" Pagbasag ko sa katahimikan. Hindi naman siya magsasalita kung hindi ako nagsisimula.
"Balak ko nga na hindi ako pumasok eh." Tarantado talaga!
"Bakit?"
"Ewan. Nakakatamad lang." Hay naku! Nag-aral ka pa kung tinatamad lang naman.
Nasa pangatlong taon na siya at ngayon lang siya tatamarin? Sayang ang pera nila. Kahit mayaman ka man ay dapat may pinag-aralan ka rin. Hindi pwedeng hindi nag-aaral dahil sa panahon ngayon ay marami na ang manloloko. Mayaman man o hindi, naloloko pa rin. Kahit nga mga edukado na eh. Naloloko pa rin.
Kung makapag-ayos ako ng coffee shop ko ay mag-aaral ulit ako. Masteral sana para marami pa akong matutunan.
"Dalawang buwan nalang at nasa fourth year ka na. Hindi ka ba masaya na sa wakas ay makakatapos ka na rin?"
Umiling lang siya. "It doesn't make sense. Mas mabuti sana kung hindi ako nag-aaral para hindi ako magtrabaho sa company ni Dad. Wala din namang silbi yung acads sa akin kung palaging kung palaging si Dad ang nasusunod. Nakakawalang gana."
Para sa kanya ay mahirap ata yun. Ang daming gustong mag-aral eh. Tapos siya inaayawan niya?
"Magkagalit ba kayo ng Dad mo?" Yun palagi ang nangyayari sa mga mayayaman na nababasa ko sa libro o napapanuod sa TV. Yung mga spoiled brat na mga anak na lalaki ay kalaban minsan nila ang Tatay nila.
Umiling ulit siya. "Hindi ako galit sa kanya. Pero minsan nakakasakal na rin siya. Nandyan naman si Kuya para magbantay sa kompanya niya."
"Ano bang gusto mo sa buhay? Ayaw mo ba sa offer ng Dad mo? Mas okay yata yun eh. Para secured yung future mo."
Napailing ulit pero this time ay may halong nakakainis na ngisi.
"Mabuti sana kung walang halong kasalan yan. Yun lang ang kinaiinisan ko sa lahat."
Nanlaki talaga ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na nag-eexist pa rin yun sa mundo ngayon. Diba sa mga Chinese lang yun nagaganap? Pero nawawala na rin yun sa ngayon dahil marami ang tutol. Hindi ko alam na malapit ng mabiktima itong si Loren Falcori.
Sayang naman. Wait! Bakit ako nanghihinayang sa kanya? Hindi lang naman siya ang gwapo sa mundo diba?
"So mayroon din pala kayong ganyan huh. Wala naman kayong lahing Chinese diba?"
"Wala. Hindi naman ako papayag sa kasal na yan. Paano ako makakapili sa babaeng gusto ko kung makakapag-asawa ako ng wala sa oras."
May oras naman yun nukaba Loren. Gusto kong matawa pero nanatiling tikom ang bibig ko. Gusto kong matawa dahil ganun ang mind set ng Papa ni Loren. Pero nakakapanhina ng loob. Ano ba kasi yun? I don't want this feeling na parang gusto kong hilain si Loren palayo sa pamilya niya.
"Edi huwag kang magpakasal. Piliin mo nalang na magtrabaho sa kompanya kaysa naman sa magsuffer ka sa isang kasal na in the first place ay ayaw mo."
Should I clap for myself dahil sa sinabi ko sa kanya? Or should I slap myself for encouraging him not to do it? Kasi, yun sana ang gagawin ko. Ang sampalin ang sarili ko. Para akong kontrabida sa babaeng ipapakasal sa kanya. Pero sagrado ang kasal. Mahirap matali sa maling tao at sa maling pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Don't Look At Me
RomantiekHe is the one who wears Balmain. The one who comes to my coffee shop and the one who drives my scooter for me. The one who always bring taco for me instead of flowers and chocolates. The one who never get tired seeing my face every day and every nig...