Chapter 09

302 7 0
                                    

Naninigas ang buong katawan ko. Pinipigilan ko ang aking hininga. Malamig man ang hangin pero nananaig pa rin ang mainit na hininga ni Loren. Hindi naman malaki ang scooter ko. Malaki siyang tao para sa scooter ko. Hindi siya bagay sa maliit kong sasakyan.

Hindi ako makatanggi sa kanya kanina dahil hawak niya ang kahon ko at mabilis siyang nakaangkas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala talaga akong alam dahil sabi niya ay gusto niyang kumain. Saan naman kami kakain niyan?

May nakita akong Korean restaurant at huminto kami dun.

"Hindi tayo sa bahay mo kakain? Or  mag-oorder ka nalang?" Hindi pa rin siya bumaba.

"Dito tayo kakain. Libre mo."

"What?"

"Ikaw naman ang nagyaya diba? Kaya heto na. Dito tayo kakain at libre mo pa."

Pinatay ko na ang makina at pinababa siya. Labag sa kalooban niya na kumain sa Korean restaurant pero wala siyang nagawa dahil gusto ko kasi na dito kumain. At para narin makaalis na siya agad.

Tteokbokki agad inorder ko para sa aming dalawa. Nag-order din ako ng kimbap at yung black na noodles, hindi ko alam kung ano ang tawag dahil pagkakita ko sa menu ay hindi ko agad nabasa ang pangalan. Basta pagkain okay na yun.

Hindi makapagsalita si Loren. Siguro ay iniisip niya na sa bahay kami kakain. Swerte lang niya kung dadalhin ko siya sa bahay. Ayoko lang na magdadala ng lalaki sa apartment ko dahil hindi ako komportable sa kanya. Kanina nga yung nakapasok siya sa loob ng opisina ko ay hindi na ako mapakali. At yung pag-angkas niya sa scooter ko ay para akong tuod na naninigas.

Nah, baka ano pa ang gawin niya sa akin na hindi ko magustuhan. Mapapatay ko talaga siya kapag ginawan niya ako ng masama. Lagot talaga siya sa akin.

"Bayaran mo ang mga 'to ha. Uuwi rin ako pagkatapos at dapat makauwi ka na rin."

"You don't want me to be in your house? Gusto ko lang malaman ang address mo para kapag may kailangan ako ay pupuntahan nalang kita sa bahay mo." Para ano daw? Nagbibiro ba siya?

Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya. "Wala akong bahay."

Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Edi sa akin ka nalang tumira."

Nanlaki ang mga mata ko sa hindi makapaniwala niyang sinabi.

"Ano ka sinuswerte?"

"Para lang may taga-bantay ako sa bahay. Taga-hugas ng pinggan. Taga-luto ng tteokbokki. Taga-laba ng damit ko at taga-linis ng buong condo ko. Oh diba, magandang idea yun."

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang gago lang niya sa totoo lang. Hindi ko pa maintindihan ang ugali ni Loren. But generally speaking, moody siya na tao. Minsan parang pusa na mabait. Minsan ay parang pusang galit. May lahi yatang pusa si Loren. Baka pinaglihi sa pusa ganun.

"Kung kasambahay ang hanap mo, maghanap ka. Mukha ba akong kasambahay sa tingin mo?"

"Parang joke lang. Ikaw talaga ang hilig mong mag-jump sa conclusion. Wala ka pa nga sa introduction eh."

"Tumigil ka Loren ha. Kapag dumating na yung order at matapos tayo sa pagkain ay umalis ka agad. Bayaran mo muna itong inorder natin." Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita. "Ikaw yung mayaman kaysa sa atin. Huwag kang magreklamo."

Sasagutin na niya na sana ako nang saktong dumating ang order namin. Ayos at hindi na siya makakapalag pa. Kapag siya ang pumupunta sa shop ko at umaaktong parang hari ay hindi ko siya pinapakialaman. Tapos ngayon naman na gusto ko ng libre niya ay magrereklamo siya? Ang swerte naman niya kung ganun.

Don't Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon